25

63 4 0
                                    

•••

Yuri's PoV

Natutulog si Evan sa tabi ko, nasa kotse kasi kami pauwi na ng Manila. May pasok pa kasi kami sa lunes eh nakakainis nga.

Kanina kasi ay uupo sana ako sa passenger seat kaso si Evan pinigilan ba naman ako at sinabi ko sa kanya na umupo siya sa harapan, and ang sagot naman niya ay poker face.

Nahihilo daw siya pag nakaupo sa harapan, tss wow ha? eh bakit kahapon? noong pag-alis namin papunta ng Baguio, sabi niya gusto niya sa harapan kasi daw nahihilo daw siya kapag sa likod.

Ano ba talaga?

"We're here na!" gising ni tita kay Evan na kasalukuyang yakap pa din yung baymax na stuff toy.

"Tita mauna na po ako kasi call of nature na hehe," sambit ko at si tita naman ay kinamot lang ang ulo sa pagkadi-alam.

"What's call of nature? tinatawag ka na ba ng mga ibon at yung mga dwarves mo?"

Tumawa ako ng malakas sa sinabi ni tita, grabe naman si tita ang astig eh hindi alam ang call of nature hahaha. Ang pagkakaalam ko ay mataas ang IQ ni tita.

"Tss too loud," si Evan 'yon hanggang ngayon nakayakap kay Baymax. Gusto ko tuloy siyang picturan hehe.

"Tita call of nature means iihi na po ako or tatae na po ako, ayun po sabi ng iba eh," tumango na lang siya sa sinabi ko at nagpaalam na ako. Ginigising pa kasi si Evan eh ayaw pang gumising.

Pumasok na ako sa mansion at pumunta na sa bathroom nila, nakakaligaw talaga dito sa mansion nila, ang dami kasing mga pintuan at mga kwarto eh. Sa tingin ko mga 12 na tao kakasya ditong tumira.

Nang tapos na akong umihi, umakyat agad ako ng hagdanan. Nakita kong nakabukas yung kwarto ni Evan, parang gusto ko tuloy pumasok.

Hehe pumasok nga ako, tulog pa 'yon sa kotse hehe baka hindi na ako makikita niyon sa kwarto niya hehe.

"What are you doing here?" biglang nanlaki ang mga mata ko, shit I'm so freaking dead. Tumingin ako sa kanya at masama ang tingin niya sa akin huhu.

"Ah eh kasi yung ano ah! yung ano nga ganun," nauutal na sagot ko at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Tss step out of my territory," lumapit siya bigla sa akin, oh my gosh ito na ba ang katapusan ng buhay ko?!

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko nang yung mukha niya ay malapit sa mukha ko, sana hindi ako namumula! ano ba balak niya sa akin?

"Kapag pumasok ka pa dito I will punish you—," bulong niya sa taenga ko at feeling ko mahihimatay ako sa kahihiyan.

"Hard."

"W-What the hell are you talking about?!" ugh yung mukha ko nga namumula na talaga huhu.

He smirked devilishly at lumapit naman yung labi niya sa pisngi ko. Oh my gosh! sana panaginip lang ito, kung panaginip lang ito wake me up!

My eyes widened nang bigla niya akong kiniss sa cheeks ko na kanina pa namumula sa kahihiyan. "Hahaha your face," tawa niyang sabi na ikinagulat ko, nakakainis siya hmp.

"Tse! nakakainis ka!" umalis na ako sa kwarto niya at pumasok na ako sa kwarto ko at ni-lock ito.

Napahiga ako sa kama, huhu nakakainis naman kasi yung lalake na 'yon. Bakit pa niya ako kiniss sa cheeks? feeling ko sasabog na yung katawan ko dahil lang doon.

Pero hindi ko maiwasang makilig dahil kiniss niya ako sa cheeks pero what's the purpose of that? tss baka wala lang 'yon sa kanya, the thought of it made me sad.

"Kyaaaaa!" hindi ko na mapigilang sumigaw at napa-roll pa ako sa kama ko sabay hampas ng unan sa kama ko ng ilang beses na.

"What's wrong sweetcakes?!" sigaw ni tita sa labas ng kwarto ko, malakas ba yung pagkasigaw ko? hindi naman masyado eh.

"Tita it's nothing! just an update from One Direction!" pagsingualing ko sa kanya, hindi ako mahilig sa mga kanta nila pero mahilig ako kay Harry Styles hehe.

"Okay then! baba ka ng 7:30 may dinner tayo kasama yung Monteverde Family!" teka? Monteverde? Reece Monteverde?

Malay niyo hindi siya 'yon, baka ibang Monteverde lang 'yon. Pero sa tingin ko hindi sila 'yon, sa tingin lang hehe.

"Okay!"


---


"Who is this fine young lady, France?" tanong ni Mrs. Monteverde habang nakangiti sa akin ng malapad.

Tama nga ang negative isip ko, pamilya nga ni Reece ito at ni cute boy na si—nakalimutan ko yung pangalan sorry na.

"She's my pamangkin," putol na sabi ni tita. "I-I mean anak siya ng friend ko na nasa Hongkong muna, her mother will be back next month."

"Okay then but this girl looks like you noong bata pa tayo," tawang sabi ni Mrs. Monteverde na katabi si Mr. Monteverde na kasalukuyang nakatayo lang hehe.

"Mom!" sigaw ni cute boy sa mommy niya tapos kasama niya si Reece na nakatingin lang sa akin habang palakad papunta sa mom nila.

"Oh tara na let's have a dinner na," masayang sambit ni tita, pumunta na kami sa dining room at umupo na ako sa tabi ni Reece.

Ang daming pagkain! parang magpapakain ng isang barangay, mayaman nga naman. Si Evan nga pala pababa na daw 'yon, mukhang natulog pa 'yon kanina.

"Hey again," ngumiti siya sa akin at sinuklian ko din siya ng ngiti.

"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ng Faulkerston family," sabi niya habang kumakain na siya, tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Haha hindi ko din alam na magkakilala din kayo," bulong ko sa kanya at kumain ng kumain.

"O ijo! sit here na!" aya ni Mrs. Monteverde sa kanya, ang cute ni Evan! mukhang kakagising lang pero gwapo pa din hehe.

Naglakad siya papunta sa pwesto ko at tumabi siya sa akin, wala man lang greet kay'la Mrs. and Mr. Monteverde grabe naman ito.

(¬_¬)        (>_<)          (-_-)
Reece         Ako           Evan

Ayan ang pwesto namin tapos si Reece naman ay masama ang tingin kay Evan, na wala man lang dahilan.

Aish mas mabuti kung kumain ako ng kumain ng madami at umakyat na ng umaga para makapag-laro na ako ng Sims 4 hehe. Nakikinig na lang ako sa mga sinasabi nila Mr. and Mrs. Monteverde, grabe kahit matanda na sila nakikita pa din ang pagkagwapuhan at pagkagandahan.

Mabuti pa ang pagkain minamahal! buti pa ang mga gamit iniingatan! buti pa ang mga aso inaalagaan! t-teka? ano ba yung pinagsasabi ko?!

Psh damn my mind.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now