16

69 6 0
                                    

•••

Yuri's PoV

Naiinis ako pag-nakikita ko ang mga mukha nilang malapit sa isa't isa, para bang sasabog na ako sa inis.

Nakikipag-plastik lang ako kay Tiana tuwing lumalapit siya sa amin para makisama, kwento siya ng kwento at ako naman hindi nakikinig kasi iniimagine ko na kung paano siya bugbugin.

Joke lang.

"Hindi sa lahat ng oras ay joke," tumingin ako sa likod at nakita ko si Tiana na naglalakad papunta sa akin with a big smile na hindi fake.

"Hugot ka na naman?" I fake a chuckle to her, puro hugot na lang siguro si Evan naiinis na dito.

"Ah well sinabi mo kasi ang joke kaya napahugot tuloy ako," sagot niya habang may kinukuha sa bag niya.

"Oh eto, hugot lines ko," binato niya sa akin ang papel na naka-stapler at sinalo ko naman, bruha nito saksakin ko kaya 'to ng mga stapler?

"Ano naman gagawin ko dito?" mataray kong tanong at tinignan ang mga hugot, grabe ang daming pages 1-100 puta!

"Basahin mo malamang," sarkastiko niyang sabi. "Sige alis na ako, hinihintay na ako ni babes ko, kitakits na lang bukas!" sigaw niya sa akin habang papalayo na siya sa kinatayuan ko,

Babes mo mukha mo, nakokornihan ako sa babes parang baboy ang tawagan. Really Evan? siya pa talaga ang nagustuhan mo?

Eh kung tayo na lang kaya?

Erase erase.

Huwag niyo na lang pansinin ang sinabi ko. Pero teka nga, paano nagustuhan ni Evan si Tiana? eh nung tinignan ko ang mga mata ni Evan habang kasama niya si Tiana ay hindi man lang kumikislap.

Sa total ayun naman talaga ang mga boring eyes niya at para sa akin maganda ang mga mata niya pag ganun ang expression niya.

Poker face, bagay pala sa kanya ang kanta ni Lady Gaga na 'Poker Face' ngayon ko lang nalaman. Paano ba naman kasi eh luma na yung kanta.

Ayoko munang umuwi, sa total wala naman sina tita at Evan sa mansion. Kaya pumunta muna ako sa park para magpahangin, ang ganda talaga ng park dito sa Royal Village.

Nang nandito na ako sa park na sosyal, bumili muna ako ng ice cream sa ColdStone na malapit sa park, grabe ang mahal ng ice cream pala doon pero worth it naman kasi masarap.

Pero walang makakatalo sa favorite kong Dairy Queen, gusto ko kasi yung oreo ba yun? nakalimutan ko na ang tawag doon.

Umupo ako sa bench at kinain ang ice cream ko, ang cucute ng mga bata dito kaso yung iba puro foreigners parang
na-oout of place na ako dito kasi ba naman ako lang ang naka-uniform.

"Hey miss, where did you buy that ice cream?" nagulat ako nang nakita ko ang isang cute na bata na lalake na nasa harap ko.

"There," tinuro ko ang Coldstone. "But where's your guardian? you need to go there with your guardian," sabi ko sa kanya habang ngumingiti sa kanya, gusto ko ngang pisilin ang chubby cheeks niya.

Biglang sumimangot siya. "He left me here, he said there's an emergency," nagpout pa siya, putangina bakit iniwan siya?

Grabe naman yung guardian niya, and lalake ang guardian niya baka kuya niya lang o kaya naman guard, mukha kasing mayaman 'tong bata na'to eh.

"Why didn't he brought you with him then?" ayoko nang mag-English parang ma-nonose bleed na ako.

"He said he'll be back, he said that I'll just wait here in the playground. But I'm really hungry, can you buy me a ice cream?" sabay pa-cute niya sa akin, hindi ko ma-resist kaya dinala ko siya sa ColdStone ng mabilis.

"What do you want?" tinanong ko siya pero tumitingin pa din siya sa mga ice cream.

"I want strawberry banana rendezvous," sabi niya habang nakahawak sa labi niya.

Teka nga bata pa ba 'to? parang hindi bata kung magsalita eh at halos fluent na siya sa English, siguro half 'to.

Nag-order na ako at nagbayad, nang natapos na ang pag-scoop ng ice cream, ibinigay ko sa batang lalake at lumabas na kami papunta ng park.

"I've been finding you! where the hell did you go?" isang gwapong lalake na sumugod sa amin.

Hindi ako pinansin pero okay na 'yon, pero ilang saglit lang ay tumingin siya sa akin na may masamang tingin.

"Excuse me miss, bakit mo siya kasama?" eh kung sapakin kita diyan, ikaw ang nang-iwan sa kanya eh.

"Kasi wala siyang kasama and I bought him an ice cream, so I must assumed na wala siyang allergic sa ice cream. Am I right mister?" mataray kong sabi.

Pinisil niya ang bridge ng nose niya at tumingin sa bata. "Did she hurt you?" nag-aalalang tanong niya sa bata, really hurt him? tanga ba siya?

"What the hell, no, she even bought me an ice cream, and I like her!" masayang sabi niya sa kanya at hindi ko mapigil ang ngiti ko.

"Really then let's go," aalis na sana silang dalawa kaso humarap muna sa akin ang gwapong lalake.

"Next time, don't take him anywhere but thank you for accompanying him," sabi niya with a bored tone, hindi man lang ngumiti.

Tumango na lang ako pero nagsalita muna ako bago sila umalis. "Next time don't leave him here alone, baka ano pa ang mangyari sa kanya."

Tumango siya at yung batang lalake naman ay yumakap sa akin kaya I let him hug me. "Thank you missy?"

"Yuri," pakilala ko sa cute na bata. "What's your name, cute boy?"

"I'm Bryan Monteverde!" sabi niya. "...and that's my kuya, Reece Monteverde!" wow ang ganda ng mga pangalan nila.

"Let's go Bry," kinuha na niya ang kamay niya at inihigit na niya ito palayo.

"See you next time missy!" sigaw niya habang papalayo sa akin.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now