47

73 6 3
                                    

***

Nandito na ako sa harapan ng pintuan ng condo ni Reece. Tinext niya kasi ako na pumunta daw ako dito. So nandito na ako. Naghihintay na ibuksan niya ang pintuan.

"Tagal naman," naiinip na ako. Almost 10 minutes na akong naghihintay dito. Tinawagan ko siya hindi naman niya sinasagot.

Sabi niya kasi na may importante siyang sasabihin kaya nandito ako. Gusto kong sirain ang pintuan niya sa tagal. Hindi ko naman kayang umalis kasi sabi niya nga importante. Alam ko ang ugali niyon, pag sinabi niyang importante. Importante talaga iyon.

"Reece!" sigaw ko sa pintuan niya. "Sabi mo nandito ka!" tsaka sabi niya sa text na nandito daw siya sa condo niya.

"Isa na lang masasa—"

Naputol ang sinabi ko nang may bumukas sa pintuan. Oh my heaven, isang magandang babae na mukhang anghel ang nagbukas. Siguro girlfriend ni Reece ito.

"Um hi, who are you?" tanong ni Ate Anghel. Hindi siya kagaya ng iba na mataray. Mabait siya wohoo. Alam ko eh.

"Ah I'm Yuri he's best friend," pakilala ko at ngumiti lang ito. Grabe ang laki ng ngiti. "Pinapapunta niya ako dito," sabi ko at ngumiti din sa kanya.

"Oh well he's sleeping. Gusto mo umupo ka muna sa living room? I'll make you a coffee," grabe! ang bait talaga ni Ate Anghel. Tumango lang ako at sumunod sa loob.

Umupo ako sa sofa at tumingin sa paligid ko. Ang ganda talaga ng condo ni Reece. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng sariling condo. Nalipat naman ang tingin ko kay Ate Anghel, kahit kakagising lang ni Ate eh maganda pa din ito. Tsaka habang nagtitimpla ng kape ang ganda pa din huhu.

Nilagay ni Ate Anghel ang kape namin sa coffee table at umupo ito sa tabi ko. "Drink it, it's latte," sabi niya at ngumiti ulit ito. Dyosa talaga huhu. Ako Prinsesa lang ayun ang alam ko eh! pake niyo.

"Thanks," ininom ko na ang ginawa niyang kape. Pati ba naman sa kape ang ganda niyang magtimpla, ang sarap eh.

"Um Ate what's you're name po? girlfriend ka po ba ni Kuya Reece?" nahihiyang tanong ko. Biglang kumislap ang mga mata niya. Wah? kumislap talaga.

"I'm Daniella Yui and no I'm not his girlfriend," biglang lumungkot siya nang sinabi niya ang girlfriend thingy. May gusto siguro si Ate Dani dito.

"Pwede Ate Dani ang itawag ko sa'yo?"

"Of course! you look really familiar. I think I saw you somewhere," nag-isip pa siya. Saan niya ako nakita? sa Heaven ba? hehe joke. Anghel siya tapos ako naman ang manok ni San Pedro haha.

"Yes!" sigaw niya at ang kamao niya ay itinaas niya. "You're the funny girl!" bigla akong nakakunot sa noo ko. Anong funny girl? hindi ko gets.

"What?"

"Ikaw yung babae na nagpapatawa sa stage. Sa bar! lasing ka ata noon hahahaha," grabe makatawa si Ate Dani, parang mamamatay kakatawa. Bigla ulit akong nagtakha. Ah shete. Alam ko na, nakakahiya naman.

Hindi ko na ikekwento kasi tinatamad ako. Ang lalim na kaya ng isip ko tch.

"Ah," tumango-tango ako.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now