18

55 7 0
                                    

•••
the picture doesn't have to do with anything in this chapter.

Yuri's PoV

"Oh my gosh, hindi ko alam na ganun pala ang type ni Evan ko!"

"Mas maganda pa nga tayo diyan eh."

"Too much makeup for an ugly girl."

"Hindi sila bagay, kaya NO."

Pagkapasok-pasok ko pa lang ng hallway eh ayan ang mga narinig ko, nakita ko kasi sina Evan at Tiana na nakasandal sila pareho sa locker tapos nag-uusap habang naka-holding hands.

Wala na akong pakialam kung may gusto siya sa babae na 'yon, ang sakit ng sinabi niya sa akin na kalimutan ko na yung sinabi niya dati? at yung yakap.

Nilampasan ko sila na hindi man lang tumitingin sa kanila at pumunta na sa locker ko, kinuha ko yung mga gamit at pumasok na sa room.

Umupo ako at kinuha ang phone ko, wala pa kasi si prof eh kaya ayan tuloy wala akong magawa kasi wala pa si Sam.

From: Mr. Anonymous

Are you alright?

Ngayon lang ang text na 'yan, ano ba ang kailangan niya sa akin? yung gusto ko kaharap ko na siya at tanungin kung bakit.

To: Mr. Anonymous

kung hindi ka magpapakilala until next week, iboblock ko na 'tong number na 'to. bakit mo ba ayaw sabihin ang name mo? bakit kilala ba kita ha? i'm dead serious, mister.

Ayan ang itinext ko sa kanya, masyado siyang flirt para magtext siya ng kung anu-ano, mukhang stalker ko ata 'yun eh.

•••

[Anak, naayos ko na ang passport mo. Dito ka muna mag-bakasyon sa HongKong, kasi may sasabihin ako sayong importante. Alam na nina Tita France mo]

"Sige bahala ka," malumnay na sagot ko at ikinuha ang inumin ko.

[Okay then it's settled, anak] binaba na niya ang tawag.

Nandito ako sa park, kasalukuyang nagpapahangin. Actually nag-cut ako ng isang class at hindi alam nila Sam 'yon.

Hindi ko na kasi kaya yung mga nakikita ko kanina eh...puro PDA ni Evan at Tiana sa hallway and the worse part is naghahalikan ng walang katapusan.

Pinunasan ko ang mga luha ko, bakit ako ganito ka-affected eh crush ko lang naman siya. "Bwisit na buhay," bulong ko.

"Hi there missy!" bati sa akin ni Bryan na cute na bata. "Is there something wrong, missy?"

"I'm okay, cute boy. Where's your kuya?"

Pero deep inside hindi talaga.

"He's still in school," sagot niya at umupo sa tabi ko. "Don't worry, there's our driver in the car."

Tumango ako. "Where do your kuya goes?" tanong ko kasi parang nakita ko na ang mukha niya somewhere nung dati pa.

"School?" nagtatakhang tanong niya, tumango naman ako. "Ellivan University."

EU? so that means high school pa lang siya o college na? puro mayayaman din ang mga nag-aaral doon, maganda daw yung turo hindi kagaya sa IAS puro bara.

"I need to go na, cute boy, may pasok pa ako sa school," hindi ko na kinaya ang English pero tumango siya.

Naintindihan niya ang sinabi ko?! kung naiitindihan niya dapat Tagalog din ang sinasabi niya.

"Wait missy, what's your number?" tanong niya sa akin at lumuhod ako para i-level up siya.

Ginulo ko muna ang buhok niya at ibinigay ang calling number ko. "Here," sabay ngiti sa kanya.

"Thank you missy! I'll just text you later!" sabi niya bago siya sumakay ng kotse.

Naglakad na ako papunta sa school at pumasok na sa hallway, buti nga walang guard doon eh kung 'di patay ako.

Nakaramdam ako ng hilo at pagsakit sa ulo, parang anytime mahihimatay na ako dito sa hallway eh.

Pinilit kong maglakad papunta ng clinic kaso hindi ko makaya sa sakit ng ulo ko, ang layo-layo kasi ng clinic eh kabwisit.

Pero suddenly nag-black out ang lahat ng nasa paligid ko.

•••

Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko si Evan at Sam na nakatingin sa akin, may worry expressions silang dalawa.

"Okay ka na ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin ni Sam habang hinihimas ang ulo ko.

"What happened?" ang naaalala ko lang ay yung nag-black out ako sa hallway ng school.

"You fainted, saan ka ba kasi pumunta kanina? hinahanap ka nila Sam," inis na sambit ni Evan, bakit ba nandito ang lalake na 'yan? diba dapat na kay Tiana yan?

"Potassium," bulong ko at tumayo na, napahawak na naman ako sa ulo ko dahil sa sakit na naman ng ulo ko.

"Masakit pa ba?" tumango na lang ako at napahiga ng tuluyan.

I started crying kasi ang sakit-sakit talaga ng ulo ko, hindi yung usual headache lang kung 'di sobrang sakit na para akong mamamatay sa sakit.

"Nurse!"

And after that I felt the blackness surrounded on me again.

Mr. Anonymous || kthΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα