32

59 5 0
                                    

•••


Describe Evan in one word...

Pogi?

Masungit?

Paasa? (hindi ko alam)

Matalino?

Poker? (wahaha)

Weird?

Ayan lang ang masasabi ko sa kanya about tungkol sa kanya, walang pasok ngayon kasi nga SUNDAY FUNDAY at ako naman ay yayayain sana si Sam kaso...

"Sam!" bati ko sa unang linya.

[Bakit?]

"Mall tayo?"

"Ay sorry bes, hindi ako pwede. Pupunta kami nila mudra sa Subic. Sorry talaga."

"Ay ganun ba? okay lang haha sige ingat bye!"

[Ge bye!]

I ended the call.

Ako na lang kaya ang mag-isang gumala sa mall? kaso baka magmukha akong loner doon huhu. Pake nila.

Kumatok ako sa kwarto ni tita at ibinuksan niya kaagad iyon. "Bakit sweetcakes?" tanong niya sabay ngiti sa akin.

"Ah tita pwede po ba ako umalis? may bibilin lang po ako sa mall," banggit ko.

"Sige ba, pahatid na lang kita kay manong. Okay ba?"

"Sige po thank you."

"Teka kailangan mo ba ng pera?"

"Di na po, meron pa po akong sobrang pera dito sa wallet hehe."

"Tawagan mo ako pag kailangan mo ha?"

"Sige po hehe bye po."

Lumabas na ako sa mansion at pumasok na sa kotse, may kinuha lang daw si manong sa loob kaya hintay muna ako dito sa loob ng kotse.

Tumingin ako sa mga bintana and my eyes stopped nang nakita kong nakasilip si Evan sa labas ng bintana, na nakatingin sa kotse! na nasa loob ako.

Ang weird niya talaga...

Pero umalis na siya sa bintana, buti naman. Nagmukha kasi siyang multo eh nung sumilip siya sa bintana sa labas huhu.

"Sorry ma'am may kinuha lang po ako," pumasok si manong sa loob at ipinaandar na ang kotse.

"Okay lang ho manong."

"Saan po tayo pupunta?"

"Sa Trinoma ho."

"Sige po."

At ayun! isang saglit lang ay na-traffic na kaagad kami, kakaalis lang ng mansion ganito na naman ang maaabot ko? sabagay MANILA nga naman.

Salamat Diyos! nandito na kami sa Trinoma, nagpasalamat ako kay manong at bumaba na ako ng kotse.

Date myself for today...

Pumunta ako sa Vans at pumili ako ng magandang shoes na mamahalin para hindi kaagad ito masira.

In instant ang napili ko ay plain black lang na shoes, I love black kaya wala kayong pake. Medyo mahal ng kaunti pero worth it naman.

Nang natapos na akong magbayad ay lumabas na ako at pumunta sa isang botique na puro magagandang damit.

My eyes caught the red dress, grabe ang ganda! mas maganda pa ito sa akin. Bigla akong nanlumo nang nakita ko ang presyo.

₱5,000 pesos para lang sa isang damit na mukhang plain pero may dating pag sinuot ito. Tss iba nalang ang ibilin ko.

In short nakuha ko yung isang cute na floral dress at mura pa ito. Nagbayad na ako at lumabas na.

Saan pa kaya ako bibili?

Tama! sa National Bookstore, bibili ako pangalawang book ng Maze Runner! tapos ko na yung isa.

"Excuse me miss nasaan yung The Maze Runner Scorch Trials book?" tanong ko kay ate na nag-aayos ng mga libro.

"Ay ubos na po Ma'am."

"Baka meron pa kayo?"

"Kanina pa lang po ay may nagtanong na. Wala na po talaga Ma'am, baka bukas po meron na."

"Ah ganun thank you na lang."

"Sige po Ma'am."

Napabuntong-hininga ako sa inis, yung feeling na wala yung gusto mong libro sa isang bookstore. MASHAKET!

Manood na nga lang ng sine mukha kasing maganda yung mga palabas ng cinema ngayon eh.

My eyes shone when I saw the poster of Alvin and the Chipmunks! oh my golly! mapapasaya na naman ang araw ko.

Nagbayad na ako ng ticket at bumili muna ng popcorn at drink, nang time na para manood ay pumasok na ako sa loob.

Umupo na ako, tamang-tama lang ang oras ko. Malungkot pala pag nag-iisa ka lang manood, hindi ko namalayan 'yon.

"Tss."

Nanlaki ang mga mata ko, hindi ako magkakamali! si Evan nga 'yon. Ano ginagawa niya dito? stalker ko ba siya?

"Ano ginagawa mo dito?" bulong ko nang umupo siya sa tabi ko.

"What do you think? watching," pilosopong sagot niya.

"Sabi ko na ba eh isa ka sa mga stalker ko eh," asar na sambit ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Kapal mo tss," inis na sabi niya.

Nag-start na ang movie pero hindi ako maka-focus kasi feeling ko nakatingin—I mean nakatitig si Evan sa akin, parang magiging buhangin ako sa kinauupuan ko eh.

"Pahingi ng popcorn, ubos na yung sa akin eh," sabi ko sa kanya at nakita ko siyang tumango kahit madilim na.

Hindi ko maabot, I leaned forward at kinuha ito pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang malapit-lapit ang mukha ni Evan sa mukha ko.

Huminto ako at yung puso ko ay parang sasabog na parang ewan. Lumayo ako ng kaunti pero yung lips niya nag-brush sa cheeks ko nung lumayo ako.

Oh my golly, ang landi ko na!

Mr. Anonymous || kthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon