27

51 6 1
                                    

•••

Yuri's pov

"Bakit ka na naman late?" tanong ni Sam sa akin habang paakyat kami sa taas, may susunod pa kasing period tapos free time na.

"Ewan ko ba!" saway ko at pumasok na kami sa room at naupo na ako.

Wala pa din yung prof namin, dito sa school na 'to panay late yung mga profs namin kaya yung iba masaya tuloy psh.

"Hey you!" tawag sa akin ni Tiana kaya tinaasan ko siya ng kilay, ganun pa din ang mukha niya, clown.

"What?" mataray kong tanong.

"Stay away from my Evan! akala ko pa naman you're a true friend ayun pala malandi," bulong niya sa pinakahuling salita, ang malandi.

"Fyi Tiana, hindi ko siya nilalandi at siya ang kusang lumalapit sa akin," I said sweetly buti na lang yung mga kaklase namin busy sa pagbabasa.

"You bitch!-"

"Miss Contis! detention after class!" nagulat kami kasi nandyan na pala ang prof namin, I smirked dahil narinig ni prof ang lahat.

"B-But Sir she started first!" palusot pa nitong Tianabitch na ito eh totoo naman siya ang nauna.

"Kanina pa ako nandito kaya alam ko kung sino ang nauna," galit na sambit ni prof kay Tiana na kasalukuyang napaupo na sa kahihiyan.

Yung mga classmates namin pinagtitinginan si Tiana at pinagtatawanan pa, hindi ko alam kung ano ang nakakatawa. Baka yung makeup niya bwahahaha.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISMISSED

Pumunta na kami ni Sam sa cafeteria, ang favorite naming tambayan dito sa school actually mas favorite ko yung sa rooftop.

Umupo na ako sa usual seat namin. "Bes pwede bang ikaw ang bumili ng pagkain ko? please?" nagpacute pa ako sa kanya in short pumayag hahaha.

"Ano ba gusto mo?"

"Cordon Bleu."

Lumayas na siya sa kinauupunan namin at ako naman ay napatingin kay Gino na kasalukuyang tumatawa kasama yung friends niya. Sabi niya may pasalubong siya!

Umiwas ako ng tingin nang nakita ko si Gino na nakatingin na sa akin, nandoon pala si Evan malamang friends sila eh. Paano kaya nila nakakaya ang ugali ni Evan?

"Bes ito na," inilapag na niya ang pagkain ko at umupo na siya sa harap ko, ako naman ay nakatulala pa.

"Huy!" ni-wave niya pa ang mga kamay niya sa mukha ko kaya hindi na ako napatulala.

"Galit ba si Gino sa atin?" seryosong tanong ko habang kumakain.

"Hindi naman! natatakot daw siya sa'yo kasi nakalimutan niya yung pasalubong mo na nasa bahay nila," kaya pala! masyadon weak talaga 'tong Gino na 'to eh.

Okay lang naman sa akin pag walang gift o kaya naman kung meron hehehe.

Umiling na lang ako habang tumatawa ng mahina, masyadong mahiyain haha. Hindi naman ako ganun klaseng tao eh, yung umaaasa sa bagay na wala naman.

"Gino!" sigaw ni Sam sa kanya kaya napatingin siya sa amin, mukhang nervous siya ah hahaha.

"H-Hi, sorry talaga Yuri hindi ko nadala yung pasalubong mo naiwan kasi sa bahay namin sa Japan. I'm sorry-"

"Ano ka ba okay lang sa akin. Basta nandito ka na," tawa kong sabi at ang cute niya! namumula kasi yung pisngi niya.

"R-Really?" nauutal na tanong niya sabay yuko, teka siya ba talaga 'to?

"Yah."

Niyakap niya ako kaya I let him hugged me too, hindi pa din siya bumibitaw sa yakap pero infairness ang gwapo niya! nakita ko si Sam na naka-heart shaped ang mga kamay niya aish.

"Tss you're not in a movie," nagulat na lang ako nang nakita namin si Evan na nakatingin lang sa amin habang yung kamay niya ay nasa bulsa niya.

Bumitaw na si Gino sa yakap at tumingin ng maangas kay Evan, he's back! Gino's back na talaga. "You ruined our moment, Van," naiinis niyang sabi.

"Tss I don't care," sabi niya habang nakatingin pa din siya sa akin. "Can I talk to you."

"Ako ba?" tanong ko sa kanya kaya napahawak na lang siya sa bridge ng ilong niya.

"Tss what do you think? si Gino?"

"Gino, kakausapin ka daw niya," sabi ko kay Gino at nakita ko na naman napahilamos si Evan sa mukha niya, ano ba ang nakakainis?

"Ikaw Mika, alone," kaya tumango na lang ako sa kanya at sinundan siya sa rooftop, teka paano niya nalaman 'to?

"Ano?"

"Can I ask you a question?"

"Nagtatanong ka na eh," sarkastikong sabi ko at biglang naiinis ang mukha niya.

"Tss may boyfriend ka na ba?" nagulat ako sa tanong niya, NBSB nga po ako eh diba alam niya yun.

"Wala," tipid na sagot ko.

"Okay then pwede ba-"

"GUYS!" sigaw ni Gino sa amin kaya napatingin kami, si Evan mukhang masusuntok na niya si Gino hehehe.

"WHAT?!" galit na sigaw niya kay Gino kaya na-stuck si Gino sa kinatayuan niya, nakakatakot palang magalit si Evan.

"Pinapatawag ka Evan sa office," malamig na sabi niya kay Evan at lumayas na sa rooftop.

Ayan tuloy naging cold si Gino!

"Layas na," sabi ko sa kanya kaya lumayas nga siya at naiwan naman ako dito.

Nag-vibrate ang phone ko at nag-text si Mr. Anonymous na hindi ko pa kilala. Mukhang student siya dito sa school.




~Mr. Anonymous~

I love you...princess.




Oh my golly!

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now