19

53 7 0
                                    

•••

Yuri's PoV

Inimulat ko ulit ang mga mata ko, nasa isang kwarto ako, teka sino nagdala sa akin dito? Hindi hospital room eh kung 'di kwarto talaga at nasa condo pa!

"Thank God, you're awake," si Reece ba 'yan?! may dala siyang soup at umupo sa kama.

"Teka paano mo ako nadala dito?!"

"Malamang binuhat kita tapos inilagay kita sa kotse," sarkastikong sambit niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, ang tanong ko kasi paano niya ako nakita eh sa ibang school pa siya ah?

"Ah sorry, ano kasi pumunta ako sa Dean, may binigay lang at nakita kitang nakasalumpak sa floor kaya wala akong choice kung 'di uwiin kita.

Ah so ganun eh bakit sa condo niya? dapat sa mansion nalang, ay tanga sorry hindi niya pala alam kung saan ako nakatira.

"Okay then, aalis na ako thank you," tumayo na ako pero inihigit niya ako para maupo ulit.

"Kainin mo muna 'tong soup na 'to."

"Busog na ako eh pero thank you na lang."

"Sige na!" inis na sigaw niya sa akin kaya kinain ko na ang soup.

Ang sarap pala ng luto niya eh, natatakam ako sa soup grabe ang sarap. Parang na-iinlove na ako sa soup. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatitig sa akin si Reece habang kumakain.

Inilagay ko na yung bowl sa tray at nagpunas ng mukha. "Thank you talaga, Reece, uuwi na ako," tumayo na ako pero inihigit niya ulit ako at napaupo naman ako.

"No, thank you—" wei?

"Anong pinapasalamat mo eh ako dapat ang mag-thank you," tumawa ako ng malakas.

"No I said—thank you for coming into my life," paki-translate nga po.

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o macoconfused sa sinabi niya pero biglang nag-melt ang heart ko sa sinabi niya.

"Ah ok hehe, aalis na ako," tumayo na ako at naglakad na papunta ng pintuan. At lumabas na ako.

Grabe naman si Reece, feeling ko chickboy si kuya kasi ba naman nagsasabi ng kung anu-ano na wala namang kwenta.

"Manong dito na lang po sa tabi," sabi ko kay manong taxi at ibinigay na ang bayad.

Pumasok na ako sa mansion at umakyat na ng kwarto ko, wala pa daw sina Evan at tita France. Hinihintay nga daw ako nila kanina eh kaso umalis na daw kasi late na ako umuwi.

"Oh bakit?" tanong ko sa pangalawang linya, si Sam ang tumawag.

[Bes i-open mo ang messenger mo, picturan mo yung assignment mo sa PE at i-send mo sa akin]

"Ano ka sineswerte?"

"Sige na! hindi ko kasi gets eh."

"Tss fine."

Binaba ko na ang tawag at in-open ang messenger ko sa phone, pagkatapos kong napicturan ang assignment ay isinend ko na sa kanya.

At chinarge na ang phone ko na kanina pa lowbat.

"Miss Yuri, may nagpadala po sa inyo ng mga bulaklak," sabi ni manang na nasa pintuan ko.

"Sige, pakidala nalang po dito."

Sino naman ang magdadala niyon? namatay ba ako kanina kaya pinadalahan ako ng bulaklak? o baka naman si Reece iyon!

Inilagay ni manang ang bulaklak sa kama ko at umalis na siya, grabe favorite color ko! yellow.

Teka sino naman ang nagbigay nito? matignan nga sa card na nakapatong sa bulaklak na malaki.


To: my princess

I hope you like this beautiful luscious flowers like you...princess oh and by the way just keep smiling, I hate when I see you frown. xxxx

From:    F   E   L


Teka? initials ba 'to ng pangalan niya o name niya talaga 'to? pero biglang kinilig ako dahil may nagbigay sa akin ng flowers, never in my life had experienced this things.

Bigla akong nalungkot, gusto ko siya makita ng personal at pasalamatan siya ng lubos-lubos na kahit hindi ko siya kilala.

Meron pa palang isang card na nakapatong din sa mga bulaklak.

Your lips look lonely too. Would they like to meet mine?

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now