41

60 7 0
                                    

•••

"Guys! nakita niyo na ba yung video?" sigaw na tanong ni Sam sa amin. Anong video?

"Anong video?" tanong ni Gino habang nakasimangot. Bad mood si Papa Gino ngayon, hindi namin alam kung bakit.

"Si Tiana, sumali siya sa isang sikat na show. Kumanta siya pero yung mga judges tawa ng tawa pati yung mga audience. Wala daw talent bwahahahaha," kwento niya habang humahalakhak ng tawa. Ano naman ang nakakatawa doon?

"So?" mainit talaga ang ulo ni Gino ngayon. Matanong nga mamaya kung bakit.

"Tse! ang init ng ulo mo!" umirap naman si bruha. Kinuha ang unan at ihinagis ito sa ulo ni Gino.

"Parang mga bata ito eh!" inis sigaw ko sa kanila. Ang sarap nilang pag-untugin. Buti na lang at tumahimik ang mga ito.

"Oo na po, mommy," sabay nilang sabi with matching yuko pa. Tss destined talaga sila sa isa't isa.

***

"Hoy Evan!" tawag ko sa alien na naglalakad palayo. Ang bastos nito, tinatawag ko siya tapos siya hindi man lang tumigil at tumingin sa akin.

May nakita akong mga bato na nakapaligid sa isang halaman. Kinuha ko iyon at ibinato ko iyon sa ulo niya, haha ang galing ko. Buti na lang marunong akong bumato kahit malayo.

Tumalikod siya at tumingin sa akin with a deadly look, napalunok na lang ako ng laway nang nakita kong palapit siya sa akin.

"Ito ba ang paraan para mapansin kita?" He whispered seductively sa tainga ko, I couldn't help but to blush. Ang lakas ng appeals nito.

"A-Ah hindi. Pinapatawag ka sa dean's office, ngayon na daw," nauutal na sabi ko.

He smirked. "Oh I see. See you later, Mika," sabi niya bago pa siya umalis ng palayo. Hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko.

Bakit ko pa kasi binato ng bato tss.

***

"You bitch!" sigaw sa akin ni Tiana habang hawak niya ang isang familiar na paper.

"Bakit?" wala sa sarili kong tanong. Wala ako sa mood makipag-away.

"Ano 'to?" inis niyang sambit at ipinakita niya pa ang isang picture?! kami ni Evan 'to ah? mukhang hinahalikan niya ako dito! Kanina pa 'yan ah?

"Picture," sagot ko.

"The fudge girl?! kayo ni Evan ko 'to! bakit mo siya hinahalikan!" Anong hinahalikan? baka siya? actually hindi naman niya ako hinahalikan, may binulong lang siya sa akin.

"May binulong lang siya. Chill your flat chest, Tiana," inis kong sabi at kinuha na ang bag ko para tumayo na at umalis dito.

"Hindi pa tayo tapos!" Oh how childish.

***

"Reece, anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong. Nasa labas siya ng gate ng school at kanina pa ito nakatingin sa akin. Ang daming tao tuloy napapatingin sa kanya.

"Nakatayo," sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang, pinapasundo ka," sabi niya.

"Ni Tita?"

"Oo."

Tumango ako. Sinundan ko siya papunta ng parking lot at sumakay na ako sa kotse niya. Siguro may sakit si manong. Bakit hindi na lang si Evan ang sumundo sa akin? aish nevermind.

"Kamusta?" tanong niya habang pinaandar na niya ang kotse at nagsimulang magmaneho.

"Ito humihinga pa," seryosong sagot ko.

Sinamaan lang ako ng tingin. Eh sa totoo naman eh, humihinga pa din ako and I'm still perfectly fine. Common sense lang.

"Nasaan si Evan?" tanong niya.

"Nasa puso ko," seryosong sagot ko. Ay teka! mali mali! pero wala na. Huli na huhu. Nabasted na ako.

Nagulat si Reece sa sinabi ko pero he managed to keep a calm on his face. Shocked na shocked eh.

"Joke lang hehe."

"Hmm."

Mr. Anonymous || kthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon