39

54 7 0
                                    

•••

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa project, wala kasi ako noong time ng klase na 'yon eh. Paano na 'to? tinanong ko naman yung ibang kaklase namin sa messenger kaso seenzoned lang ako puta.

Tinry kong tawagan at mag-text kay Sam kaso hindi naman siya sumasagot pareho. Tapos hindi ko naman talaga matatanong si Gino kasi pareho kaming wala psh.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" sambit sa akin ni Tita at inalukan niya ako ng kape.

Kinuha ko naman ito at ngumiti ng maliit. "Hindi ko po kasi alam ang gagawin sa project eh," banggit ko.

"Tungkol ba saan? oo nga pala bakit ang aga mo umuwi ngayon?" gulat na tanong niya.

Humigop muna ako sa kape. "Ah actually Tita kaya maaga ako ngayon kasi si Gino kasi eh," nauutal na sabi ko.

"Bakit? anong nangyari sa kanya?" nag-aaalalang tanong niya, umiling lang ako. Hindi ko kasi ma-explain eh, masyadong magulo para sa'kin.

"Madaming dugo pong lumabas sa tuhod niya. Mukhang na-sprain po, aakyat daw po sana siya sa puno para matulog kaso nahulog. That time eh nakasandal ako sa isang puno, and narinig kong tinatawag niya ako. Kaya lumapit po ako, ang sabi niya tulungan ko siyang ilakad sa kotse, so ayun. Kaya ang aga ko po, kasi—" kwento ko pero napatigil ako sa huli, ano ba sasabihin ko? magdahilan ba ako? aish masabi na nga ang totoo.

"Anong nangyari sa susunod?" tinaasan ako ng kilay ni Tita.

"Ang totoo po kasi kaya ang aga ko kasi wala po akong ma-ano na taxi tapos wala po akong load tapos wala po akong pera tapos kaya po—"

"Umuwi ka kasi malayo ang school?" dugtong niya.

"Opo!" sabi ko habang naka-pout. Feel kong mag-pout kaya wala kayong pake.

"Okay pero next time. Dalin mo ang lahat ng pera mo even your ATM. Papa-plan kita sa Globe," sabi niya at umalis na sa living room.

I sighed in relief, buti na lang na-gets ni Tita ang dinarasan ko kanina. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng malamig na tubig.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang bottled water, grabe uhang-uhaw talaga ako ngayon. Hindi ko ba alam kung bakit, siguro sa nervousness kanina.

Umakyat na ako diretso sa kwarto ko at ni-lock ito. Baka pumasok na naman si Evan sa loob, maliligo pa naman ako. Pumasok na ako sa CR at naligo na sa bathtub.

Napapikit ako sa relax, ang sarap pag naliligo ka sa bathtub. Especially kung malamig ito o hot. Nang tapos na ako ay in-wrap ko ang towel sa buong katawan ko.

Nang pagkalabas ko ng CR ay muntikan na akong mahimatay sa gulat, naka-upo si Evan sa sulok ng kama ko at tinitignan ang mga picture frames sa bedside table.

Hanggang ngayon ay naka-jaw dropped pa din ako.

"Ehem," I faked a cough at tumingin naman siya sa akin with a surprised expression.

Aba?! tinignan pa ako from head to toes tapos napakagat siya sa labi, hindi ko tuloy mapigilan na mamula ang mga pisngi ko. Siguro minamanyak na ako nito sa isip niya tss.

"Labas," sabi ko at tinuro pa ang pintuan.

"Make me," aba?! nagcha-challenge ba 'tong lalake na 'to? nag-smirk pa siya eh. Naiinis ako sa mga smirk niya, parang—ang hot! aish tama na nga.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now