17

52 7 0
                                    

•••

Yuri's PoV

Totoo ba ang love at first sight? kasi parang na in love ako nung nakita ko siya kahapon kasama yung cute na bata, si Bryan.

Tapos ang pangalan ng gwapong lalake ay Reece, parang chocolate siya, akala niyo kulay niya maitim pero nagkakamali kayo.

Nung kahapon nakatingin ako sa kanya, parang tumitingin lang ako sa isang chocolate na vanilla na masarap.

Siguro siya na ang man of my dreams ko. Tama na nga yan at ma-search ang pangalan niya sa FB.

Huli ka! nakita ko na yung profile niya at 83 mutual friends ang nakita ko, so friends niya ang mga ibang friends ko sa FB malamang.

Famous si Reece at ang bad news ay in a relationship siya kay Eula Haldivon, friend ko yun sa facebook ah! pero hindi ako nagagandahan sa kanya, masyadong maitim pero nabawi naman sa ka-sexyhan niya.

I-add ko nga siya hihihi, kinapal ko na talaga ang mukha ko. Parang nawala na sa isip ko si Evan tss nang dahil kay Poging Reece.

After 3 minutes, in-accept niya kaagad hindi ko mapigilang humiyaw ng malakas at tumalon pa ako sa kama. Para akong tanga pero worth it talaga ang pag-accept niya sa friend request ko.

"Tss what are you happy about?" putangina nakaupo pala si Evan sa upuan ko, kanina pa ba siya dito o kakapasok lang? kasi ba naman hindi ko narinig ang pagbukas ng pintuan.

"Nothing, pwede bang umalis ka na sa kwarto? pakiusap lang," inis na sambit ko sa kanya pero hindi siya nakinig.

Pero wait—tumayo na siya at assume ko na lalabas na siya ng kwarto ko pero hindi pala. Umupo siya sa kama ko at tinignan ang laptop ko.

"Hoy!" sinusuntok-suntok ko na siya sa balikat niya pero hindi pa din siya tumitigil ng pagtingin sa FB ni Reece.

"Who's this? was this the one who made you happy about?!" galit na sabi niya sa akin, teka bakit naman siya magagalit sa akin eh wala namang ako ginagawa.

"No," sinamaan niya ako ng tingin. "Fine yes," napabuntong-hininga na lang ako.

What's the point of him being mad to me? about that Reece? eh wala naman talaga akong ginagawa sa kanyang mali eh.

"Teka?! bakit mo in-unfriend siya! kingina mo!" inis na sabi ko pero lumabas na pala siya ng kwarto ko.

"Kahit kailan, ang sarap mong hampasin sa ulo," bulong ko sa sarili ko.

Pinipilit kong i-add ulit si Reece kaso wala na eh, madami na siyang friends kaya hindi ko na siya ma-aadd, ang bilis naman kasi eh.

Humanda ka sa akin, Evan.

•••

Ganito ang plano ko kung paano siya paghihigantihan.

1ST - kukunin ko yung mga baby pictures niya at mukha siyang babae doon, ayaw nga niya ng pinapakita 'yon eh.

2ND - ipapascanner ko muna tapos ipiprint tapos ibibigay ko sa mga dying hard fans niya sa school.

3RD - ayun okay na hehe, wala akong pakialam kung magalit siya sa akin kasi ba naman in-unfriend niya!

Nang tapos ko ng iprint ang mga baby pictures niya ay inilagay ko na sa bag ko at bumaba na papunta sa labas.

"Miss Yuri, hindi na po ba kayo kakain?" tanong sa akin ni manang Leticia.

"Hindi na ho, kailangan ko ho kasing maaga sa school kaya doon na lang ho ako mag-aalmusal," nakangiting sambit ko sa kanya at tumango na lang siya.

Ayoko munang sumabay kay Evan tss, magpapadrive muna ako sa driver nila. Actually 7:00 pa lang dapat nga 8:00 ang time ng pasukan.

Panay naman late gumigising si Evan eh. Tapos ang bagal kumilos tapos ang bagal magdrive!

"Thank you manong," sabi ko bago bumaba ng kotse.

Pumasok na ako sa hallway at pumunta sa Fans Club room ng mga dying hard fans ni Evan tss, buti na lang wala pang tao kaya inilagay ko ang mga pictures sa table.

Mission Accomplished!

Pumunta muna ako sa cafeteria para kumain ng breakfast, nang pagkatapos kong bumili ay umupo na ako.

Habang kumakain ako ay para bang may tumititig sa akin, lumingon ako sa likod wala naman.

Na-miss ko na si Gino! kasi ba naman eh nasa Japan siya pati na din ang family niya, binisita daw yung lola at lolo niya doon.

"Tss you failed," lumunok ako ng laway at nakita ko si Evan na nakasmirk sa akin habang hawak niya ang mga baby pictures niya.

"Kainis," bulong ko sa sarili ko at humarap na kay Evan. "Paano mo nakita 'yan?"

"I tricked you, binaligtad ko yung plate name ng mga rooms, kanina pa ako dito. And also don't mess out with me again."

Parang narinig ko na yung mga words na 'yun, siya nga yung naka-hoodie na lalake! kaya pala familiar ang boses niya at ang suot niyang jacket.

"Psh," tumayo na ako at pumunta na sa room, kaso hinatak ako ni Evan papalapit sa kanya.

Tumama ako sa dibdib niya at parang kumakabog na naman ang puso ko, tumingin ako kay Evan at nakapikit siya habang yakap ako.

"I'm sorry because I unfriended him," sincere niyang sabi.

Namumula na ako dahil sa kanya, yakap-yakap pa din niya ako. "Ano ka ba okay lang," sabi kong mahina kasi ba naman tumitibok ng pagkalakas-lakas ang puso ko.

Bumitaw na siya sa yakap. "Tss forget everything, kalimutan mo ngayon ang mga sinabi ko and kalimutan mo na niyakap kita," sambit niya bago siya umalis ng tuluyan ng cafeteria.

Hinawakan ko ang dibdib ko kung saan nakalocate ang puso ko, ngayon naman ang sakit ng sinabi niya sa akin, bakit ko kakalimutan? ang sama naman niya.

Sabagay may girlfriend na siya baka masabi ko pa kay Tiana ang mga nangyare kanina. Pero masakit pala sa puso ang nararamdaman ko, magpacheck-up kaya ako?

Hanggang ngayon...my heart still hurts.

Mr. Anonymous || kthحيث تعيش القصص. اكتشف الآن