20

59 6 0
                                    

•••

Yuri's PoV

Hindi ko maintindihan ang kinakanta ng babae na nasa stage namin, may paligsahan kasi sa pagkantahan kaya lahat kaming students ay nanonood sa stadium namin.

"Boo!"

"Sorry miss but your voice is not that good!"

"Gosh who's that girl anyway?"

"Maganda na sana kaso yung boses puta hahaha."

No offence para kasing balyena ang boses ng babae na nasa stage pa din, at ipinagpatuloy ang pagkanta ng 'Bad Blood' ni Taylor Swift, ang kaso lang maganda si ate pero hindi talaga siya deserving sa pagkanta kung 'di sa modelling.

Nagsasabi lang po ng totoo, yung katabi ko namang si Sam ay kanina pa nakatakip ang taenga niya, haha yung iba din naman.

"Thank you! salamat sa inyong pagsuporta sa akin! my name is Pauleena Cilla, ang pinakamagaling na singer sa campus!" mayabang na sambit niya na ikinatawa naming lahat.

Nagulat nalang ako nang pinagpabato-bato ni ate yung shoes niya sa mga tao, grabe naman si ate ang sama. Pero nakakahiya naman kasi eh. Pero buti nalang walang natamaan.

Masyadong feeler si ate, huwag po kayong mahangin baka lumipad pa po kayo sa langit o kaya naman sa outer space sa sobrang hangin.

"Uh thanks for that—" halatang pumipigil ng tawa yung emcee namin. "Next contestant!"

Lumakad na sa stage si  Tiana ang pinakanakakainis na tao sa buong mundo. Ang daming tumahimik at yung iba naman tumawa lang ng tumawa.

Nagsuot siya ng pang-Ariana Grande ang peg pero no offence nagmukhang suman po siya sa damit niya at sa ipit niya na mas mataas pa kay Ariana. Tapos jusko po makapal ang makeup! nagmukhang clown.

Pero not again! narinig ko na kasi yung pagkanta niya, actually mas worse pa siya kay ate ganda. Anong contest ba 'to? contest para sa mga sintunado?

"I'm Tiana Valeria Contis and I'm gonna sing Focus by Ariana Grande!" sigaw niya sa mic at napatakip ako ng taenga, halos lahat ng tao din.

Habang kumakanta siya hindi ko mapigilang tumawa ng malakas pati na din ang mga students na nanonood. Kasi ba naman pumipiyok siya tapos sa high note biglang naging-kabayo ang boses.

Buti nalang natapos na ang pagkanta niya, si Sam nga ay namumutla na sa mga sigaw ni Tiana habang kumakanta. Tumahimik nga yung mga students eh.

"Thank you!" nag-flip pa siya ng hair. "I dedicated this song for my babe Evan who loves me so much!"

Ang landi mo talaga Tiana, yung mga ibang students ay nag-boo ulit at yung mga babae naman ay sumisigaw ng 'ang landi mo!' words hahaha.

Umirap lang siya sa mga tao at umalis na ng stage, sana naman yung susunod na contestant ay magaling. Kapag sintunado na talaga aalis na ako.

"Our next contestant is...Yuri Mika Mizanami! where is she?" putangina ako ba ang tinatawag?

Teka paano ako naging contestant eh hindi naman ako nag-sign up, putangina feeling ko si Evan ang naglagay kasi kanina may sinabi siyang 'goodluck.'

"She's here!" bwisit ka talagang babae ka! tinuro ba naman ako at sinigaw niya pa iyon.

Sana pala kanina pa ako umalis. No choice ako eh wala naman akong magagawa baka mapahiya pa ako baka akala nila mahiyain ako.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now