50

54 5 3
                                    

***

Yuri's pov

"Ang galing sumayaw ni Jayden ko," puri ng katabi kong babae na hindi ko naman kilala.

"Diba?" hindi ko pinansin ang katabi ko. Baka hindi ako yung kausap niya, baka yung isa niya pang katabi.

"Nice talking," teka? ako ba talaga kausap niyan?

"Miss I'm talking to you."

Napatuon ang tingin ko sa katabi kong babae na naka sunglasses. Gabing-gabi nakasalamin, baka bampira 'yan. Sa kaitiman bampira really?

"Ako ba?" diretsong tanong ko sa kanya sabay turo sa sarili ko.

Tinignan niya ako ng nakakaloko. "Hindi ba obvious?" umandar ang pagka-sarkastiko ni ateng.

Hindi ako kumibo at ngumiti na lang sa kanya ng maliit. Feeling close si ateng, dapat yung kausap na lang niya yung kakilala niya dito. Hindi dapat ako.

"Sino ka ba ha?" tanong niya sa akin. Punyeta naman oh, ayaw niya akong tantanan. Nakatakas ba siya sa mental?

"Eh ikaw sino ka ba kung makausap eh feeling close?" inis na bulyaw ko kay ateng.

"Ako lang naman ang future wife ni Jayden ko," maarte niyang sabi sabay flip ng shiny hair niya.

"So? anong pake ko?" ngumiti ako ng nakakaloko. "Anong brand ang gamit mong shampoo by the way?" gusto ko itanong eh, ang ganda kasi ng buhok. Mas maganda pa nga yung buhok niya kaysa sa mukha niya. Just saying the truth.

"It's from Paris. I forgot the brand but thanks for asking," she smiled sweetly. Mukhang naging maamo ang mukha niya dahil lang sa nagtanong ako.

"By the way bagay kayo ni Jayden," bigla kong sabi. Wala lang trip ko lang magsabi ng kung anu-ano na hindi naman magkakatoo hahaha.

She grinned wider. "Really?" tapos yung mga mata niya kumislap na para bang mga bituin na kumikislap.

"Yeah," malumnay na sagot ko.

"OH MY GOSH I THINK WE'RE GONNA BE BEST FRIENDS FOREVS. I'm Kylie Laurent by the way," sabay yakap sa akin ng mahigpit. Hindi tuloy ako makahinga sa sobrang yakap niya.

"Yuri Mizanami," pakilala ko at bumitaw na siya sa yakap ko. Sa wakas nakahinga ako ng maluwag.

Buti na lang at flat chested siya. Kung hindi baka masayahan pa ako. Joke lang, baka nga hindi ako masaktan eh kase malambot. Hoy! hindi ako tibom.

"My hubby is dancing so cute oh my golly!"

Napaangat ang tingin ko kay Jayden. Buti na lang at nasabi ni Kylie ang pangalan niya. Nakakalimutan ko kasi ang mga pangalan ng iba eh dahil loyal ako sa name ni Evan hehe. Lol.

"Is that couz Evan?"

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong sumasayaw si Evan kasama na din sina Gino at mga ka-team mates ni Gino sa basketball. Naka-jumper silang lahat, kasama nilang sumayaw si Jayden. Ang cute nilang lahat.

Pero mas cute si Jayden sumayaw. Habang sumasayaw siya para bang may hinahanap siyang tao? hindi ko ma-imagine na magaling palang sumayaw siya. Nakakainlababo tuloy.

"Cousin mo siya?"

"Is it obvious? diba nga I said couz?"

"Sabi ko nga."

Natapos na silang sumayaw at nag-bow sila. Ang daming nagsigawan na mga babae sa likuran namin. Teka nga? bakit nandito ang mga fangirls nila? tsaka ang daming tao. Parang mas madami pa ang mga tao ang nandito eh kaysa sa mga mini concert.

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now