37

55 6 0
                                    

•••

"Bes!" bati sa akin ni Sam habang papalapit ako sa kanila.

Nakauwi na ako at nandito na ako sa airport. Nandito na sina Sam, Tita at si Gino na kasalukuyang nakangiti sa akin ng malapad. May napansin ako...

Wala pa din siya.

"Musta?" tanong sa akin ni Tita habang inilalagay ko ang maleta ko sa likod ng kotse.

"Okay naman po," sagot ko at sumakay na ng kotse.

Alam na pala nila Tita ang tungkol kay mama. Dati pa nila alam huhu, hindi man lang nila sinabi sa akin. Sa tingin ko hindi pa alam ni Evan.

Ipinaandar na ni Tita ang kotse, nasa passenger seat si Gino tapos kami naman ni Sam ay nasa likod nila.

"Pasalubong namin?" sabay na sabi nila Gino at Sam. Kahit kailan talaga psh. Destined nga talaga sila.

"Maghintay nga kayo."

"Hahahaha."

Umirap ako sa kanila.

•••

"Tita nasaan po si Evan?" tanong ko kay Tita na kasalukuyang nagluluto ng adobo. Minsan siya yung nagluluto.

"Na kay Tiana," inis niyang sagot at napatango na lang ako.

Umupo na ako at nilagyan na ako ni Tita ng ulam sa plato ko. Ang sarap talaga ng luto niya kahit kailan! pero walang tatalo sa mama ko.

"Bakit po siya nandoon?"

"May date na naman daw sila."

"Tutol po ba kayo doon?"

"Oo naman! ayoko sa babae na 'yon. Bad influence siya sa anak ko tsk."

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa kinakain ko. Kala ko wala na silang dalawa tss, sabi kasi ng manghuhula na maghihiwalay din sila. Malapit na bwahahaha.

Nagpaalam na ako kay Tita at umakyat na ako diretso sa kwarto ko. Napahiga ako sa kama, nakakainis may pasok na bukas! binuksan ko muna ang facebook ko.

KABOOM!

Ang daming notifications, dinaig pa yung mga fans ni Duterte sa dami nito. Grabe 10 requests, 55 messages at 176 notifications. Famous na ako ah?

Tss kaya pala...











Evan Louis Faulkerston with Yuri Mika Mizanami
4 hours ago • 👥

You left your tampon on my bedroom, love.

565 likes • 834 comments






Putangina! hindi naman ako nagta-tampons ah? ang alam ko eh hindi pa ako nakakakita niyon sa personal. Humanda talaga sa akin ang lalake na 'yon!

Nakayukom ang kamao ko habang naglalakad papunta sa kwarto ni Evan. Pagbukas ko eh wala siya doon. Oo nga pala!

"Tuknene wala pala siya sa mansion," I facepalmed myself at pumasok na ulit sa kwarto ko sa inis.

Tumawag ako sa telepono sa maids' room. Tss ang tatagal i-pick up ang telepono, kabwisit.

[Miss Yuri, bakit po?]

"Tawagin niyo ako pag nakauwi na si Evan. Intendes?"

"Yes! miss."

Binaba ko na ang tawag.

Kamusta na kaya si Reece?

Oh shems!

Nakalimutan ko nga pala ang pasalubong ko kay Reece! naku patay na naman ako sa lalake na 'yon. Paalala niya kasi sa akin yung pasalubong niya daw dalhin sa bahay nila. Pero wala eh as in WALA.

"Miss! nandito na po si Evan!" tawag sa akin ng maid at bumaba na ako papunta ng living room.

Nakaupo siya sa sofa at nakataas ang kilay niya sa akin. "What?" tanong niya.

Pinanlilisik ko siya ng mga mata ko. "Anong tampons?" galit na banggit ko.

"Oh that? don't worry na-delete ko na. Ginalaw kasi ni Tiana yung facebook ko and she did that on purpose," si TIANA PALA?!

Humanda talaga sa akin ang babae na 'yon. Baka masunog ko pa ang makapal na kilay at buhok niya.

Pero teka? delete? eh hanggang ngayon ay naka-post pa din. Pinagloloko ba ako ng lalake na 'to. Sinamaan ko ulit siya ng tingin na nakakamatay.

"What?"

"Pinagloloko mo ba ako?! hanggang ngayon ay naka-post pa din."

"Tss hindi ako nag-log out sa laptop ni Tiana. So I think inulit niya," he smirked.

"Tangina."

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now