29

42 5 0
                                    

•••

Hindi ko alam kung bakit ganun ang mukha ni Evan nung umalis ako kanina, mukha siyang malungkot? baka namalik-mata lang ako.

"Miss Mizanami, is there something wrong?" napatingin sa akin yung prof at tumango lang ako ng bahagya.

Hindi ako nakakinig sa mga sinasabi ni prof, kasi ba naman nagkwekwento siya tungkol sa buhay niya at lahat ba naman sinabi pa! ano ang purpose ng kinekwento niya sa buhay namin? diba nagtuturo lang siya?

"Get one half sheet of paper and isulat niyo yung mga magagandang pangyayari sa buhay niyo. In TAGALOG."

The worst part is wala akong papel at bawal kami mang-hingi kasi ayun ang sabi ng prof namin psh. Pero yung iba din wala hahaha, may karamay na ako.

"Miss, we don't have a paper," sambit ni Florence, ang pinakamaingay sa klase namin pero ubod ng talino. Kailangan pa i-label tungkol sa kanya? sorry.

"That's your problem," mataray na sabi ni prof at napabuntong-hininga naman ako sa inis pati na din sila.

"Fine pwede na kayong manghingi sa kaklase niyo. PERO may minus kayo," nakahinga ako ng maluwag pero yung iba naman nainis pa din, eh ayun ang rules eh.

Nang-hingi na ako ng papel sa isa kong kaklase at nag-umpisa na akong magsagot. Napakamot naman ako sa ulo, ano ba ang mga magagandang pangyayari sa buhay ko?

Madapa?

Masapak?

Masuntok?

Na-reject ni crush?

In-accept ang friend request ni crush?

Parang masasama naman ang mga sinasabi ko? eh ayun lang ang mga magagandang pangyayari sa buhay ko o nagkakamali lang ako?

Pinasa ko na ang papel at naupo na ako, tumingin ako kay prof at tumawa siya ng malakas habang hawak-hawak ang papel ko.

"Miss Mizanami, ito ba talaga ang mga magagandang nangyari sa buhay mo?" tawa pa din siya ng tawa tapos hindi ko maiwasang mamula ang mga pisngi ko. Ayun lang ang alam ko eh.

"Miss basahin niyo po!"

"Miss basahin niyo please lang!"

"Miss can we hear it?"

Sinamaan ko ng tingin ang mga kaklase ko, nakiki-chismis sila sa buhay ng mga tao tss. Sabagay tsismosa din naman ako hehe.

"Ang mga magagandang pangyayari sa buhay ko ay madapa, masapak, masuntok, na-reject ni crush at in-accept ang friend request ko ni crush," basa ni prof habang pumipigil ng tawa. Tumawa din ang mga kaklase ko psh.

I mentally rolled my eyes.

"You made my day, Miss Mizanami. Congrats," natuwa naman ako sa sinabi ni prof at nagpalak-pakan sila.

"You got the highest score of 97."

Say what? eh mali naman yung mga sagot ko ah? parang non sense kasi ang mga sagot ko tapos—?! waaaah 97 really? first time ko 'to.

"But prof parang non sense lang iyon eh," banggit ko kay prof at natawa siya, ano ang nakakatawa?

"I know pero ang gusto ko yung napapatawa ako ng malakas kaya nga ako nagpagawa ng activity eh. Because my day is bad kaya I want it to be good."

Pero—?

Pagbigyan na nga at least malaki ang grade ko hehe, dati kasi panay 80 blablabla.

•••

"Evan, paano mo nakilala si Gino?" tanong ko kay Evan habang naglalakad kami papunta ng kotse niya, sabi kasi ni tita sumabay daw ako sa kanya at hindi naman umangal si Evan.

Sumakay na kami sa kotse. "Tss why do you care?" saway niya at nagmaneho na siya, infairness ang bilis na niya mag-drive.

"Kasi I care," mataray na sabi ko.

"Tss because friends of friends."

"Really?! sinu-sino?"

"Pake mo ba? tumahimik ka diyan tss."

"Ang sama nito, nagtatanong lang eh."

"Itanong mo sa windshield ng kotse."

Tumingin ako sa windshield niya at napakamot, hindi naman nagsasalita ang windshield ah? pero try ko.

"Hi windshield!" kumaway pa ako dito. "Ang ganda ko nuh?"

"Hahahahahahahaha," aba! ang lakas ng tawa ni Evan, iba 'to ah! ang cute niya pag tumatawa ng malakas, nagmukha siyang anghel.

"Ang cute mo!" banggit ko sa kanya habang nakangiti sa kanya.

Haha got ya, namumula ang pisngi niya at hindi ko mapigilang ngumisi. "Namula ang pisngi!" asar ko sa kanya.

"Tss f*ck off," inis niyang sambit at natahimik ako.

Tss kahit kailan panira ng mood.

Mr. Anonymous || kthUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum