2

153 10 1
                                    

Yuri's PoV

"Bes may sasabihin ako sa'yo," sabi ni Sam sa akin.

Nandito kami ngayon sa Mcdo, currently kumakain alamang tumae? joke. Kinakabahan ako kung makakapasa ako sa exam para sa scholars, si Sam lang hindi kinakabahan.

Mamaya na kasi i-aanounce yung mga nakapasa sa exam para sa scholars, magtetext sila kung pasado ka ba o hindi.

"Sinasabi mo na nga eh," sarkastiko kong sabi.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Huwag na nga tsk."

"Nagbibiro lang eh," tawa pa ako sa kanya, mabilis magalit talaga 'tong kaibigan ko.

"Tss hindi ko tuloy maalala yung sasabihin ko," inis na sabi niya kaya ako napatawa ulit.

*Mama calling*

"Oh ma, bakit?"

[nakapasa ka anak!] biglang huminto ang puso ko sa sinabi ni mama.

"Eh 'kala ko ba mamaya pa sasabihin 'yon?" hindi ko mapigilang mapangiti sa saya.

[Eh sinabi na eh, tsaka ikaw kamo yung pinakalast na pumasa] buti naman nakapasa ako.

"Sige ma, uuwi kaagad ako."

Binaba ko na ang tawag, si Sam ay nakatulala pa sa akin parang nagtatanong kung ano ang nangyari.

"Pasado ako!" masaya kong balita kay Sam, kaya natuwa din siya.

"Akala ko ba mamaya pa sasabihin?" seryosong tanong niya.

"Eh nag-text daw kaagad, tapos kamo ako yung pinakalast na nakapasa."

"I'm happy for you bes!"

Pero parang ang lungkot niya, siguro sa tingin niya hindi siya makakapasa? ang alam ko mas matalino pa siya kaysa sa akin.

"Bes, bakit ganyan ang mukha mo?" nag-aalalang tanong ko.

"Hindi pa din ako tinetext ni mommy eh, sana makapasa ako," nagbebreak ang boses niya parang anytime iiyak na siya.

"Don't worry makakapasa ka."

---

Nakahiga ako sa kama ko at nagfafacebook sa laptop, ang boring ng facebook ngayon. Yung mga friends ko doon akala diary ang facebook, nakakabwisit yung mga ganun.

May kumatok sa kwarto ko at pumasok si mama at naupo sa kama ko.

"Oh bakit ma?" seryosong tanong ko.

Malungkot ang mga mata niya, it means may sasabihin siya. "Anak, sasama ako ng doctor namin sa Hongkong, and 1 month kami doon. Malaki ang iswesweldo sa akin, tsaka next week na ako aalis."

Bigla akong nalungkot sa sinabi niya. "Eh paano ako?"

"Papapuntahin ko muna si tita France mo kasama ang anak niyang lalake, doon ka muna tumira sa kanila," sinong lalake ang anak ni tita France?

Mr. Anonymous || kthWhere stories live. Discover now