40

59 5 1
                                    

•••

"Ate, maganda daw po kayo," isang batang babae na nakasuot ng uniform ng IAS. Nakasalubong niya ako sa hallway.

"Daw? sino?" tanong ko.

Nagpout lang ito, ang sarap kurutin yung pisngi. "Hindi ko po kilala eh. Basta pinapasabi po niya sa'yo. Gwapo po siya hihi," she giggled.

"Okay. Ano name mo?" siguro paglaki nito ang laki ng kagandahan nito. Mukhang Koreana kasi eh.

"Lily Park, I'm from Korea," proud niyang sabi. Kaya pala eh, taga Korea. Pero bakit ganun? yung pagkasalita niya parang ang tagal na niya sa Pilipinas?

"Ang galing mo sa Tagalog, cute girl," sabi ko, from now on tatawagin ko siyang cute girl. Hehe bagay sila ni cute boy.

"Thanks!" she smiled showing her teeth, pati pag-ngiti ang cute!

"Oh I better go na. May practice pa kami, bye cute girl!" paalam ko at
tumango lang ito sabay takbo palayo. Ang cute talaga! gusto ko siyang i-adopt,

Pumunta na ako sa dance studio, pagkapasok ko ay nandoon na sila at sumasayaw na sila. Naku, paktay na naman ako sa dance instructor namin.

"Why are you late?" tanong ni Kuya Becks, ang aming dance instructor at isa 'tong bakla.

Pumunta muna ako sa pwesto ko. "May na kausap lang po na importante," sambit ko at ngumiti ng maliit, pero tinarayan lang ako tss. Eh kung sapakin ko 'to?

"Whatever. 'Pag late ka na naman, hindi ka na makakasama sa grupo."

I rolled my eyes nang tumalikod siya, ini-start na niya ang music at sumayaw na kami. Madali lang yung steps pero sa huli mahirap na, kasi ba naman ang bilis.

Namimiss ko na si Evan...

"The f*ck?" bulong ko sa sarili ko nang na-process ko ang naisip ko.

"Nagmura ka ba Yuri?" aba tinatarayan pa ako nitong bakla na'to. Tss kung makairap naman akala mo maganda.

"Hindi po," sarkastikong sagot ko.

Hahahaha hindi alam ng bakla na sarcastic lang ako, putspa tanga lang. Diba nga narinig niya ang mura ko kanina? ang lakas kaya, halos marinig na ng iba.

"Okay start practice!"

***

"Nakakainis yung bakla na 'yon. Sana ma-sprain siya," sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta ng bench.

Umupo ako at uminom ng tubig, break time ng practice so may 5 minutes pa kami. Tinignan ko si bakla, magaling naman talaga siya ang kaso lang yung ugali niya hindi. Naiinis nga din yung iba diyan eh.

"GUYS! start na!" sigaw niya sa amin at napatayo na ako kaagad at pumunta sa pwesto ko.

Sa totoo talaga ayaw kong sumayaw kasi hindi naman ako marunong masyado. Panay ako pinag-iinitan ng ulo ng beki na 'yon. Kesyo daw hindi daw ako marunong sumayaw. Eh pinilit ako ng prof namin eh, kasi bumababa na daw grades ko so pwede akong bumawi pag sumali ako sa sayaw.

So in short kaya ako nandito ngayon.

"MALI KA NA NAMAN!" sigaw sa akin ng bakla, yuck tumalsik pa ang laway niya so kaderder.

"So?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Kapag may mali ka na naman. May punishment ka," ngumiti pa ng nakakaloko ang beki. Punishment? tss uso pa ba 'yon? ang alam ko sa 50 shades lang.

"Bakit? pu-punish ba ako ni Mr. Grey?" asar ko sa kanya at ngumusok na naman ang ilong niya sa inis.

"Aish. Umupo ka na nga lang!" sigaw na naman niya.

Inirapan ko siya at umupo na sa bench ng padabog. Sarap sapakin ang pagmumukha niya, ganyan pa 'yan kahapon. Kahapon kasi panay ako yung pinag-iinitan niya.

Eh wala naman akong ginagawa na mali, tama naman yung mga steps na sinasayaw ko ah. Siguro insecure siya sa akin? hahaha kapal ko sorry.

"PRACTICE DONE!" napahinga ako ng maluwag ng sinigaw na niya ang mga words na hinihintay ko pa kanina.

Tinaasan ko lang ng kilay si beki bago ako lumabas ng dance studio. Pinuntahan ko si Sam na nasa garden ngayon, text niya kasi sa akin kanina na pumunta ako doon. Nang nandito na ako sa garden ay wala naman siya.

"Tss."

"Evan?"

"Tss."

"Evan, what do you want?" tanong ko sa kanya nang lumapit siya sa akin with poker look as usual.

"Yo———your candy."

"Ito oh," inabutan ko siya ng Maxx at kinuha naman niya ito. Napansin kong namumula siya ngayon, ano nangyari sa kanya?

"YURI!" rinig kong tawag sa akin ni Sam at nakita ko siyang papalapit sa amin, kasama si Gino.

"Ayieeee~ ano ginagawa niyo dito?" she wiggled her eyebrows at umirap lang ako sa kanya.

"Pre, may meeting tayo ngayon na," seryosong sabi ni Gino kay Evan. Teka? bakit seryoso si Gino ngayon?

"Bye Mika," paalam niya at umalis na siya kasama si Gino. Tss hindi man lang ako pinasalita, eh ano naman ang sasabihin ko? tss.

Mr. Anonymous || kthHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin