34

69 8 0
                                    

•••


"Mag-ingat ka doon ha?" paalala sa akin ni tita.

Tumango na lang ako at yumakap sa kanya pati na din sa iba.

Nasa airport na kami, may flight ako sa Hongkong tapos may natitirang 10 minuto na lang bago ang flight ko. Kasama nila tita sina Gino at Sam.

Hindi makakapunta si Evan kasi nga may date daw sila ni Tiana, f*ck that bitch...

"Pasalubong namin ah?" nag-pout pa ang bruhang si Sam at inakbayan pa si Gino na nakangiti sa akin ng malungkot.

Galawang breezy si Sam.

"Take care of yourself there ha?" nag-aalalang sambit niya sa akin at ngumiti na lang ako.

Nag-group hug kaming tatlo at nagpaalam na ako sa kanila kasi time na ng flight ko...siguro kung pumunta ka dito Evan baka mahalikan pa kita sa inis.

Erase erase.

Inilagay ko na ang maleta ko sa lalagyanan ng mga gamit sa itaas at naupo na ako sa bakanteng upuan na may magandang view.

Kinuha ko muna yung earphones ko isinakasak ito sa taenga ko, tapos pumili ako ng kanta. Hindi ko kasi makaya yung ingay ng iyak ng sanggol kaya napa-earphones tuloy ako.

"Can I sit here?" isang cute na lalake na nagtanong sa akin with a cute smile pa. Lakas maka-cute.

"Sure," tipid kong sagot at umupo na siya sa tabi ko.

Bakit ganun? pag tumitingin ako sa mga gwapong nilalang ay namumula ako? tss parang ang landi ko tuloy. Napabuntong-hininga na lang ako sa inis kasi yung lalakeng katabi ko ay naghu-hum ng malakas!

"Can you lower your voice down? I'm trying to sleep," ginamit ko ang sweet voice ko sa kanya.

He smirked cheekily. "Really? kanina pa kita nakikitang nakatingin sa akin," tuknene saglit lang ako tumingin sa kanya tss.

"Kapal," I rolled my eyes at napatingin na lang ako sa labas ng bintana.

"I'm Xavior by the way," pakilala niya sa akin at nang pagtingin ko sa kanya ay kinindatan ako. Kapal.

"Hindi ko tinatanong," mataray kong sambit.

"Alam ko, tanga lang?" tumawa siya ng malakas na kinabwisitan ng mga tao sa loob. Ayan tuloy napahiya ka hahaha.

"I'm really sorry guys!" malakas na sabi niya sa mga tao kaya yung iba tumango na lang tapos yung iba naman ay sinamaan pa din ng tingin.

I rolled my eyes again at pinilit kong matulog kahit maingay siya, hindi bagay sa mga lalake ang mga maiingay tss. Kaunting oras na lang at makakababa na ako.



•••


"Miss! gising na!" rinig kong boses ng lalake na si Xavior ba 'yon?

Inimulat ko ang mga mata ko at napatayo kaagad ako, nandito na ako! sa wakas mayayakap ko na din si mama! ang tagal na naming walang connection kasi busy daw siya.

"Bye!" paalam ko kay Xavior at ngumiti lang siya sa akin. Kinukuha pa din niya yung bag niya eh. Masyadong mabagal.

Mr. Anonymous || kthDonde viven las historias. Descúbrelo ahora