"Oh heto gusto kang makausap ni alex--hello kuya Pito!" Ni layo ko bigla ang telephono sa tainga ko dahil nakaka sira talaga ng eardrums ang boses ni Alex.

"Oh lex kumusta ka naman dyan?"

"Ayos lang kuya pero nakakalungkot lang na bawal na akong makipag laro kay xander"

"Ha?bakit naman?"

"Pinagba-bawalan na kasi sya ni mayor" si xander kasi ay anak ni mayor at may pagka-istrikto pa naman si mayor kaya mahirap talaga ang sitwasyon nila ni Alex.

"Intindihin nalang natin lex. Oh pinapainit mo ba ang ulo nila nanay at tatay?"

"Hala kuya pito good girl kaya ako!"

"Good ayokong umuwi ako na nag su-sumbong si nanay na inaaway mo sya"

"Sige kuya pinapasabi nga pala ni tatay na miss ka na nya"

"Sige pakisabi nalang din kay tatay na miss ko na din sya"

"Sige kuya kailangan ko na ibaba gabi na kasi Bye kuya"

"Bye"

*CALL ENDED*

Napangiti nalang ako ng mapait. Miss na miss ko na talaga sila.

Kunting tiis nalang Luciel makakapagtapos ka din.




SAM

Napailing nalang ako sa kaingayan ng tatlong kasama ko sa sasakyan.

If only I had met them earlier siguro kasing ingay nila ako.

Kasama nila ako sa pangaasar kay Nerd pero hindi—I don't deserve to be happy.

Pag baba ko sa sasakyan pinagmasdan ko ang bahay. walang pinagbago, tahimik pa din na para bang walang nakatira pero wala akong karapatan na mag reklamo dahil ako ang may kagagawan kung bakit naging ganito ang bahay at ang pamilya namin....

*FLASHBACK*

We were so happy back then, A perfect symbol of a happy family.

"Kuya wake up!" Naramdaman ko na yumugyog ang kama ko kaya naman mas lalo ko pa na ipinikit ang mga mata ko.

Andyan na sya...

Nag kukunwari akong tulog ngayon para gulatin ito.

Lagot ka sa aking bata ka.

"Kuya wake up, wake up" Sabi nito at tumalon-talon pa sa kama ko pero hindi pa din ako gumalaw, mukang napagod na sya kakatalon.

"Kuya?" malumanay nyang sabi saakin.

"Oy kuya walang ganyanan" sabi nya tapos niyugyog ako pero hindi pa din ako gumalaw.

Pasimple ko na binuksan ang mga mata ko at nakita ko na maiiyak na ang kapatid ko.

Hindi na sya na sanay.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now