Why do girls in books always choose the bad boys? Why can't they choose the goodboy,the one that love her the,one that can give his whole life to her,the one that---

Teka ano ba ang mga pinagsasabi ko?

Mabilis akong umayos ng upo ng dumating ang teacher namin.

Andito ako para mag-aral hindi para magka-lovelife.tama

Next subject vacant kami dahil nag karoon ng emergency ang teacher namin.

"Mr.ford, Mr.scott,Mr.Vega, Mr.Guevara and Mr.scott--" Biglang sulpot ng math teacher namin sa pinto at isa-isa kaming tinawag.

"Maam it's Ms.Scott"sabat naman ni Pio sa teacher.

Pero hindi nito pinansin si Pio.

"As I was saying lahat kayo ay sumunod sa akin dahil may mahalaga tayong pag uusapan" sabi ng math teacher namin.

Mabilis itong umalis at mabilis din naman kaming sumunod sa kanya.

Pag dating namin sa office nya ay pina-upo nya kaming lima at seryosong tumingin saamin.

"M-maam may nagawa po ba akong mali?" tanong ko dito pero umiling lang ito saakin.

"Wala kang ginagawang mali Mr.Ford sa totoo lang hihingi ako sayo ng tulong" sabi nito saakin.

"A-ano po yun?" Mukang may masama akong kutob dito ahh.

"Gusto ko sanang itutor mo ang apat na katabi" Sabi nito na ikinalaki ng mata ko.

"P-po?"

"Nakita ko kasi na ikaw ang pinaka active sa klase kaya ikaw lang ang makakatulong sa apat na ito" sabi nito at nginuso ang apat na mukang walang paki alam sa pinag uusapan namin.

"Well pag pumayag ka hindi lang sila ang may benefits pati na din ikaw"sabi nya saakin.

"S-sige po" Sino ba naman ako para tumanggi hindi ba?

"At kayong apat naman, kayo ang pinaka weak sa klase ko kaya dapat lang na makinig kayo kay Mr.ford" Sabi nito. tumango lang ang apat na para bang mga maamong tuta.

"Sana naman ay may maipasa na kayong kahit isang quiz ngayon"

"Sige pwede na kayong umalis" mabilis na nag silabasan ang apat.

Na para bang hindi nila kayang tumaggal sa office ni maam.

Pag balik namin sa room na dismaya ako ng makita ko na nandoon na ang next teacher namin.

Ano ba yan hindi ko man lang nalasap ng matagal tagal ang vacant time.

Pag katapos ng klase nakita ko na hinila ni walo si krystal papunta sa kung saan.

Gusto ko sana silang sundan pero merong sumulpot sa harapan ko.

"Hoy nerd kailan mo kami itu-tutor?" Tanong saakin ni Henry kaya napatingin sa amin ang tatlo na para bang interesado talaga sila.

"K-kayong bahala" Sagot ko nalang sa kanila.

"Diba meron kang part time job?"tanong ni Ice saakin.

Teka, Oo nga! nakalimutan ko ang tungkol doon.

Napa buntong hininga nalang ako.

mukang hindi na ako makakapag pahinga kung ganun.

"Ganito nalang, quit your job at babayaran ka nalang namin. Do-doblehin namin ang sweldo mo sa part time job mo" sabi naman ni Pio at may papila-pilantik pa ng kamay.

Bakla talaga.

Mabilis namang sumangayon ang tatlo.

Mukang wala na akong magagawa. Na kapag desisyon na sila at mabuti na din yun dahil mas madiling magturo kaysa mag serve ng mga pagkain.

"Bukas ng hapon sabay-sabay na tayong pumunta sa bahay tutal malaki naman ang library sa bahay" Sabi ni Ice saamin at mabilis namang sinangayonan ng mga ito.

Teka napansin ko lang bakit parang ang ba-bait nila ngayon?

Anong nakain nila ngayon?

Sabay-sabay na kaming lumabas at pumunta sa parking lot.

Sumakay na sila sa kani-kanilang sasakyan habang ako naman ay pumunta sa gilid para kunin ang bike ko.

Bago ako umalis na kita ko si Krystal na nag lalakad at nakahawak sa braso nya.

Gusto ko sana syang lapitan at tanongin kung anong nangyari pero hindi nga pala kami close para mag pakita ako ng pag aalala sa kanya.

👓

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now