Ngumiti lang sya ng payak habang nakatitig parin sa akin.

"'I'm sorry' lang ang kailangan ko oppa" ang nakangiting sabi nya.

Dahan-dahan naman akong napatingin sa kanya at ang sumalubong sa paningin ko ay ang masayang ngiti nyang iyon. At after kong makita yun ay doon narin nawala ang lahat ng awkwardness na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Napahinga nalang ako ng malalim saka napangiti narin ng payak.

"I'm sorry..." I sincerely said saka naibulsa ang dalawang kamay ko sa loob ng jacket ko.

She just gave me that happy grin saka sya nagsalita uli.

"Aish! Okay lang yun oppa!" ang masayang sabi nya. "Atsaka naiintindihan naman kita kung bakit mo nagawa yun! Nalulungkot ka lang kaya nagawa mo akong halikan!"

Hindi ako makapaniwalang napatitig sa masayang mukha nya.

And I wonder kung paano ba nya nagagawang sabihin ang mga bagay na iyon na parang wala lang?

Yes. I kissed her. I fucking used her to escape from my own pain. Pero sa nakikita ko sa masayang ngiti nya ngayon ay parang hindi big deal para sa kanya ang bagay na iyon. At hindi ko maintindihan ang bagay na yun. Hindi ko sya maintindihan.

"Wait, so okay lang sayo yun?" ang hindi ko pa makapaniwalang tanong.

She just smiled at me.

"Naiintindihan kita oppa kaya okay lang" ang nakangiting sabi pa nya. "Atsaka kung yun lang ang tanging paraan para maging okay ka, ay okay lang din yun para sa akin"

My brows met.

At sa totoo lang ay hindi talaga ako makapaniwala sa mga pinagsasabi nya.

"No. It's not okay" ang sabi ko. "It was never okay to be used by someone"

Yes. How can that be okay? Damn. It was never okay. That is simply inhumane and I fucking hate myself for doing that to her.

Pero nakita ko nalang ang pagsungaw ng malungkot na ngiti na iyon sa labi nya saka sya napatitig uli sa mukha ko.

"Alam kong hindi ka parin nakaka-move on sa ex mo oppa kaya hanggang ngayon ay nasasaktan ka parin" she said at after nyang sabihin yun ay tuluyan na akong nanigas mula sa kinatatayuan ko. "Kaya nandito lang ako para damayan ka, okay?"

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko.

"Teka, teka lang" ang sabi ko. "At saan mo naman narinig ang bagay na yan ha?"

She grin.

"Naalala mo noong gabing lasing ka at hinalikan mo ako? You kept on mentioning her name. Pati kahapon, habang hinahalikan mo ako ay ibinubulong mo pa ang pangalan nya" she said then pout. "You kept on mentioning 'Yuseon'"

Tuluyan na akong hindi makapagsalita.

Yes. I' am the worst person in the world.

Fuck. How could I do that to her?

Paano ko nagawa ang bagay na iyon sa kanya? Kissing her is bad enough. But letting her know that she's being used is much worse.

Napayuko nalang ako nang dahil sa sobrang kahihiyan. Pakiramdam ko ay wala na akong mukhang ihaharap pa sa kanya.

"Aiissh..!" ang masayang sabi nya saka nya sinuntok ang balikat ko. "Okay lang yun oppa! Naiitindihan kita, okay?"

Dahan-dahan naman akong napataas ng mukha at napatingin sa nakangiting mukha nya. At sa totoo lang ay kahit na sabihin nyang okay lang ay hindi ko parin maiwasang maka-feel ng awkwardness sa dibdib ko.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now