Mukang nainis sya sa ginawa ko kaya kinuha nya ang juice sa katabi nya at akmang ibu-buhos ito sa ulo ko.

Madiin ko naman na pinikit ang mata ko at hinintay na merong tumulo sa buhok ko pero ilang segundo na ang nasayang pero wala pa din. Kaya naman binuksan ko na ang mata ko at dahil nga sa madiin na pagkakapikit ko malabo ang naging paningin ko ng ibuka ko ang mga mata ko.

Meron akong narinig na mga singhap kaya ng maayos na ang paningin ko ay saka ko lang napansin na merong nakatalikod sa akin at nakita ko na merong tumutulo na juice sa likod nya galing sa ulo nya.

T-teka—

Nang humarap ito saakin.

"S-simon?" napangiti sya at ginulo ang buhok ko.

"H-hindi nga ako S-si Simon, Seven Luciel ang pangalan ko" Sabi nya at may kinuha sya sa bulsa nya bago ibinigay sa akin.

"W-why did you—"

"Pasasalamat ko lang sayo D-dahil nilibre mo ako kahit hindi ko pa nakakain yung nilibre mo saakin." sabi nya at pinunasan ang juice na tumutulo sa muka nya gamit ang kamay nya.

"Ahh S-sige aalis na ako. Salamat sa libre pero ikaw nalang ang kumain. nandodoon sa table nyo yung pagkain" sabi nya at saka nagsimulang maglakad palabas sa cafeteria habang naka yuko.

Lahat ng tao ay nakatunganga sa nangyari mukang hindi sila maka-get over sa nangyari.

Kahit ako..

Pakiramdam ko ibang Nerd ang nakita ko kanina kahit na nauutal parin sya.

Tinignan ko ng masama si Reygun the rat na ang sama ng tingin sa'kin at mabilis na nag walk out sa cafeteria kasama ang mga tropa nya na parang lutang parin.

Naglakad na ako papunta sa table namin at nakita ko nga ang pagkain na nilibre ko kay nerd.

Nakatingin sila Ice, Henry, Sam at yung tatlong babae sa'kin na mapangasar.

"What!?" sigaw ko sa kanila kaya napa-iwas sila ng tingin maliban kay Ice na nakatingin parin saakin.

Malisyoso...

Pagdating sa room hinanap agad ng paningin ko si Nerd.

"Dapat kasi saakin ka nalang sumama. Yan tuloy napahamak ka pa" Pabirong sabi ni Rain at pinunasan si Ners sa muka gamit ang panyo nya.

Napahigpit ang hawak ko sa binili ko na clover na ibibigay ko sana sakanya.

Napailing si Nerd sa sinabi ni Rain na nakapagpakunot sa noo ko.

Ano nagsisi sya kasi sumama sya saakin ganun ba yon!?

Padabog akong umupo sa upuan ko. Nabunggo ko pa nga ang balikat ni Rain na pahahara-hara sa daanan ko. Sinamaan nya naman ako ng tingin pero wala akong paki alam at hindi man lang nag balak na mag sorry.

Bahala sila maglandian dyan.

I really dont care.

Napatingin naman ako sa clover na binili ko.

Teka ibibigay ko ba o hindi?

"Ahh sige Seven aalis na ako" Sabi ni Rain kay Nerd.

"Kailangan talagang mag paalam? ano kayo mag syota?" Bulong ko pero alam ko na narinig nila yun.

Pag alis ni Rain ay tiningnan ko ng masama si Nerd na mukang nagtataka sa inaasta ko.

Bwisit, pagkatapos makipaglandian may gana pa syang magtaka sa akin.

Teka bakit nga ba ako ganito ngayon?

Napaiwas ako ng tingin at inabot sa kanya yung clover ko na binili.

"Kainan mo yan"

"S-salamat" At kinuha ang clover na binibigay ko pero hindi nakaligtas sa mata ko ang pamumula ng muka nya dahilan para tumaas ang gilid ng labi ko.

Vacant ngayon ang last subject namin kaya hayahay lang kami at walang ginagawa, nang biglang...

"Hoy ice ikaw ba ang may gawa nito!?"

Nagulat ako ng biglang sinigawan ni Henry si Ice.

Mukang magsisimula nanaman sila. Ito na ata ang WW3 ni Ice at Henry.

Napatingin ako sa upuan nya at merong mga pintura na nagkalat at mukang naupuan ni Henry ito kaya ang dumi ng pwetan nya. Muka tuloy syang nag tumae sa pants nya.

"Hindi"

"Sinong niloko mo ha! Maliban sayo wala nang pwedeng gumawa nito sa'kin!"

Kwenelyohan nya si Ice kaya kwenelyohan din ni Ice si Henry. Nawala ang pagiging walang emosyon ni Ice at napaltan ito ng inis.

"Nagtanong ka pa!?kung hindi mo rin naman pala papaniwalaan. Nakakabono ka na!"

Mukang natutuwa ang mga kaklase ko sa nangyayari kaya walang gustong umawat.

"Anong nakakabobo ako!?Hoy bobo ka na talaga Ice Aren Vega simula pa lang nang ipinanganak ka!"

"Napaka-ingay mo daig mo pa ang pinsan mong si Pio Henry Scott" Sabi ni Ice sabay ngisi dito.

"Anong pinapalabas mo?Na bakla ako ganun ba!?

"Bakit hindi ba?!"

"Aba namumuro ka na! Akala mo naman napakapogi mo! Isang kang pacool na tao!

"Oh tignan mo yang sinasabi mo!Tapos sasabihin mo hindi ka bakla sinong niloko mo?!"

Tapos dinuro ni Ice si Henry.

Nang biglang pumasok ang isang subject teacher namin na nasa kabilang room lang.

"Mr.Scott,Mr.Aren Vega go to the guidance NOW!" Sabi nito kaya napatigil si Ice at Henry sa pag aaway at parang maamong tuta na tumango.

Ngayon lang ulit napatawag si Ice sa guidance. Teka kailan nga ulit ang last?

Ahh Oo noong grade 9 pa lang kami suki kami ni ice sa guidance.

Ano kaya ang feeling na mapaguidance ulit? ganun parin kaya ang itsura nito?

Napailing nalang ako sa iniisip ko.

No, kahit na nami-miss ko na ang guidance hindi na ako ulit babalik doon baka ipatapon na naman kami ni Ice nila daddy sa america kapag nangyari 'yon.

👓

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now