Hindi naman nag tagal ang byahe dahil malapit lang naman ang pinapasukan namin na Academy pero habang nasa byahe ay hindi ko napigilan manibago dahil napakadami ng nagbago mula ng umalis kami.

Pagkababa ko palang sa kotse narinig ko na agad ang bulongan ng mga estudyante na para bang hindi namin naririnig ang pinagsasabi nila.

"Wait, Are they the Aren Vega twins?" rinig ko na tanong ng isang estudyante sa kasama nito.

"kailan pa sila nakabalik?"

"Sigurado ako na magkakaroon na naman ng gulo kay Ice at Henry"

"Ang ganda at gwapo talaga nila. Sana kapatid ko nalang sila"

Mga Chismosa. Why don't they just mind their own life?

Naturingan pa naman na mga mayayaman pero daig pa ang mga tambay sa kanto kung makadaldal.

I just rolled my eyes on them at pinagpatuloy na ang paglalakad.

It's been two years simula nang umalis kami dito sa school na ito dahil sa mga kalokohan naming dalawa ni Ice.

Grade 9 lang kami noon nang umalis kami dito sa pilipinas at ngayong grade 12 na kami ay wala pa din palang pinagbago ang school na ito.

"Flowers for you" sabi ng isang lalaki habang may hawak ng bouquet ng flowers pero hindi ko ito pinansin at nilagpasan lang ito na para bang hindi ko ito nakita.

Nang may bigla na namang may sumulpot sa harapan ko at mukang nahihiya pang ibigay ang human size na teddy bear na mukang mas malaki pa sa kanya.

Katulad kanina ay hindi ko lang din ito pinansin. Hanggang sa may humabol pa na isa sa akin at ayaw pa akong padaanin. Muka namang hindi na din natutuwa ang kakambal ko pero umiling lang ako dito dahil ayoko na masangkot sya sa gulo, lalo na at first day palang namin.

"Hi! uhmm chocolate for you?" sabat naman ng lalaking nasa kanan ko habang may hawak na mamahaling chocolate.

Sinasagad nila ang pasensya ko...

Tinitigan ko muna sila mula ulo hanggang paa at saka tinaasan ng kilay. Muka namang gumana ang ginawa ko dahil umiwas sila sa akin ng tingin na mukang nahiya sa mga ginawa nila.

"Hindi ko kailangan ng mga basura na 'yan" sabi ko at nilagpasan na sila. Binunggo ko pa ang balikat ng isa at ramdam ko na nakasunod naman ang tingin ng dalawa pa habang naglalakad ako palayo sa kanila.

Alam ko naman na ito ang nagustohan nila sa'kin, ang  pagiging mataray at palaban ko. Hinahabol nila ako dahil isa akong challenge para sa kanila. Tinitignan nila ako na para bang isang trophy na kapag nakuha nila ay maraming maiinggit at aagaw.

Pag tapak namin ni Ice sa room ay napa-tigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napako ang mabibigat nilang tingin sa amin.

Natigil lang ang mga ito ng biglang may nagsalita sa likod namin.

"Bakit hindi mo naman sinabi Ice na babalik pala kayo edi sana pinaghanda ko kayo ng childrens party este--welcome party" sabi ng taong nasa likod namin dahilan para matawa ng mahina ang mga magiging kaklase namin na karamihan ay kilala namin.

Tinignan ko naman kung sino ang may lakas loob na asarin si Ice, At hindi nga ako nagkamali. Sumalubong agad ang malapad nitong ngiti sa akin.

Hindi na ako nagulat dahil sya lang naman talaga ang may lakas na loob na asar-asarin kami lalong-lalo na si Ice.

Loving Mr.NerdWhere stories live. Discover now