I can't help but to stare at her beautiful face.

Nakangiti sya at mukhang ang saya-saya nya habang nakikipag-usap kay Jin hyung at kay J-hope.

For a moment ay pakiramdam ko ay naging blangko lang ang lahat habang nakatitig lang ako sa magandang mukha nya.

At hanggang ngayon...ay napapaisip parin ako...kung paano nya ba ako nagagawang tratuhin na para bang hindi ako naging parte ng buhay nya?

"Oh by the way" Rapmon cut their happy chat. "I think I've seen you somewhere pero hindi ko lang maalala kung saan..."

Pakiramdam ko ay na-stuck ang pagkain sa lalamunan ko nang dahil sa sinabi nya.

Fuck.

Hindi ko pa pala nasasabi kay Rapmon na sya si Yuseon.

Sunny's eyes turned to him. At hindi ko alam kung imagination ko lang ba ang nakita kong paglamig ng mga mata nya.

"Oh really?" she said. "Saan mo naman ako nakita oppa?"

Oh yes. I fucked up.

Agad kong nilingon si Rapmon para bigyan ng warning look pero nakatingin lang sya sa taas habang nakahawak sa baba nya.

Gago! Lumingon ka dito!

"Oo nga...teka..." he said habang nag-iisip parin. "Nakita na talaga kita eh...pero...saan nga ba...?"

"Aigoo...! Talaga Rapmon? Nakita mo na dati ang jagiya ko?" ang masayang lingon naman ni J-hope.

Shit.

Shit.

Shit.

NAMJOON! LOOK AT ME!

"Uh hyung..." ang biglang lingon sa akin ni Taehyung.

Napakurap naman ako at napalingon sa nag-aalalang mukha nya.

"Hyung..." he continued. "...constipated ka ba ha kaya ganyan ang ekspresyon ng mukha mo?"

Gusto kong mapa-facepalm nang dahil sa sinabi nya.

Mukhang napansin nya ang tindi ng titig ko kay Rapmon kaya nasabi nya yun.

Napalingon naman ako sa mga kasamahan ko sa table na yun at nakita kong nakatingin na silang lahat sa akin.

"EWWWWW!!! Suga hyung! Mag-CR ka muna doon!" ang maarteng reklamo ni Jimin at nagtakip pa sya ng ilong nya.

Puta.

"Hyung, may gamot ako para sa constipation sa kwarto ko" ang inosenteng sabi naman ni Jungkook. "Mabisa yun. Isang tablet lang ay lalabas na yan"

Gusto kong mapasabunot ng buhok ng dahil sa mga nangyayari ngayon.

"WAHAHAHAHAHAHA! Si Suga hyung! Constipated!!! HAHAHAHA!" ang malakas na tawa ni J-hope. "HAHAHAHAHA—"

I glared at him.

"Kumain ka pa jagiya" ang mabilis na lingon nya sa girlfriend nya na para bang walang nangyari.

Samantalang napatitig naman ako sa magandang mukha ng babaing katabi nya at pakiramdam ko ay nanlamig ako nang magsalubong ang paningin naming dalawa.

At hindi ko alam kung imagination ko lang ba ang nakita kong bahagyang pag-smirk nya.

Oh shit.

Doon na ako napatingin sa kanilang lahat at asar na nagsalita.

"HINDI AKO CONSTIPATED! Okay?!" ang sigaw ko.

Pero wala ng pumansin sa sinabi ko at natatawa nalang silang nagpatuloy sa pagkain.

Saka ako pasimpleng napatingin kay Rapmon and by the looks of him ay halatang naalala na nya kung saan nya nakita si Sunny.

Yoongi's Music [SUGA]Onde histórias criam vida. Descubra agora