Baka dahil sa natatakot sila sa akin o natatakot lang sila na makapagsalita sila ng kahit kaunting bagay na maaaring makadagdag ng sobrang sakit sa dibdib ko.

Napahinga nalang ako ng malalim at napatitig lang sa nakangiting mukha nya na nasa screen ko.

Nagiging masokista na ba ako ha?

Nag-i-enjoy na ba talaga ako sa pananakit sa sarili ko?

Ang mga dating pictures nalang namin na magkasama ang naiwan sa akin. And through these years ay yun lang ang tinititigan ko kapag nami-miss ko sya.

Akala ko ay kaya ng takpan ng maraming taon na nagdaan ang sobrang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naalala ko ang huling pagkikita namin.

Pero nagkamali ako.

"Hyung..." ang pukaw nya sa akin. "I hate to break it to you...pero...ano ba ang naging rason at nag-break kayo ha?"

Hindi ako makasagot.

Tama.

Ano ba ang naging rason naming dalawa?

Ano ba ang naging rason namin para maghiwalay?

Ano ba ang naging rason ko...para magawang iwan sya noong araw na iyon?

Sino ba talaga ang dapat sisihin...sa paghihiwalay naming dalawa?

O may dapat ba talagang sisihin sa amin?

Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung sino ba ang hindi ko pa napapatawad sa aming dalawa. Kung sya ba? O ang sarili ko mismo?

But then I sighed and while I kept on staring at her face, I spoke.

"Dahil may sinabi ako na isang bagay na hindi ko na dapat sinabi sa kanya noong araw na iyon..."




Flashback...



Arrrrggghhh...!

Ano ba ang ginagawa ng babaing yun ha at hindi nya sinasagot ang phone nya?!

Kanina ko pa sya tinatawagan pero hindi naman nya sinasagot!

Matapos kaming mag-usap ni Jana ay umuwi na ako. At ngayon ay naglalakad na ako pauwi ng bahay namin habang nasa tenga ko ang cellphone ko at dina-dial parin ang number nya.

Aisshh...this girl!

Napahinga nalang ako ng malalim saka ako napatingin sa maliit na box na bitbit ko.

Napangiti nalang ako at sa totoo lang ay excited na akong makita kung ano ang magiging reaksyon nya sa oras na ibinigay ko 'to sa kanya.

Oo. Sa wakas ay nabili ko narin 'to. Ito ang dahilan kaya kumuha ako ng part time job at iyon ay ang mabili ko para sa kanya ang bagay na 'to.

Pero...aissshh...ba't ba hindi nya sinasagot ang phone nya ha?

Napahinga nalang ako ng malalim saka nagpatuloy sa pagpasok sa bakod namin. Saka ako tumuloy-tuloy papasok ng bahay namin habang nasa tenga ko parin ang phone ko.

Pumasok na ako sa loob pero nabigla ako sa nadatnan ko.

Agad akong sinalubong ni Mama na noon ay parang naiiyak habang nakatingin sa akin.

"A-anak..."ang naiiyak na sambit nya saka nya ako hinawakan sa magkabilang braso.

My brows met.

Yoongi's Music [SUGA]Where stories live. Discover now