BMO 21: insensitive

275K 3K 133
                                    

hindi ito ganun kaganda, pero pwede na pagtyagaan sa ngayon..

Chapter twenty one: insensitive

"Martyrdome is the only way that I can be with you without compromising your freedome!" credit to one of my favorite story online EVOLVING MARTYRDOME by a Filipino writer, I am still waiting for an update since 2011,

Well anyways here's my update, na inabot na naman ng 1 month bago ma update...

................................................................................................................................

Tumuloy si Clem sa kitchen, nilapag nya yung mag pinamili nya sa kitchen counter, yung lahat ng saya nya mula kanina lahat nawala, tama nga yung sabi ng iba na kapag masyado kang naging masaya, asahan mo kapalit noon isang matinding kalungkutan...

Tama nga dahil sa oras na ito, gusto nyang humagulgol ng iyak..pero hindi pwede, kaya naman napasandal sya sa ref , habang padausdos na napaupo, sinubukan nyang umabot sa kanyang kwarto, pero hinang hina ang mga tuhod nya na humakbang pa,nakasubo yung kamao nya sa bibig nya para mapigil ang kanyang iyak, pero yung mga luha nya, parang nagpapaligsahan sa pagtulo....di nya na rin pansin na kinakagat na ng ngipin nya ang kanyang kamao, madiin yun, kasabay ng pagpigil nya sa bawat hikbi na gustong kumawala, pero sa mga sandaling yun, ang sakit lang na malinaw sa kanya ay yung nararamdaman nya within...

Bakit ngayon pa?bakit hindi na lang bukas?

Naaalala nya yung mga sinabi ni Jett kanina, paano nya nga naman yun malilimutan kung parang record player na walang sawang nagpaplay ang mga linyang yun sa utak nya, at habang naalala nya ang itsura nito, habang nagpapakalunod sa alak, mas nadududurog ang puso nya sa guilt...

She' s not a good liar, na gets nya ang point nun, kasi kung magaling syang magsinungaling kahit anong panggigipit ang gawin sa kanya ng lolo nito, kung ang katapatan nya ay na kay Jett. Hinding hindi nito malalaman... pero gusto nyan ring ipamukha dito ang kababawan ng pag iisip nito, sa yaman ng lolo nya imposibleng hindi makilala nito kung sino ang babaeng kinalolokohan ng apo.

Sumagi na rin sa isip nya, na sinadya iyon ng lolo nito, na gipitin sya at mawalan ng choice, na gusto talaga nito na masira ang relasyon nila bilang mag kaibigan, na itaboy na sya ni Jett, dahil isa na syang peasant sa paningin nito sa magandang career na tatakbuhin ng kanyang apo.. at ang kanyang nakaraan, or rather ang nakaraan ng pamilya nya ay hindi magiging maganda sa image ng apo kapag ito na ang humawak sa kumpaya...

Pero mali si Jett noong sinabi nyang sya lang ang naging pathetic, ang talo sa sitwasyon, may mahalagang bagay din ang nawala sa kanya, ang tiwala nito, ang pagkatao , ang dangal nya... However ano nga naming silbi ng isang milyong paliwanag kung bulag ang pagpapaliwanagan sa katotohanan? Kahit ano pa ang ugali at masamang balak ni Amanda kay Jett, hinding hindi sya nito paniniwalaan...

.............................................................

Nagising si Jett na parang nabagsakan ng malaking bato ang kanyang ulo, sobrang sakit, kahit masahihin nya pa rin ito, imposible yatang mawala ito sa ngayon, di rin makatulong ang sinag ng araw na direktang tumatama sa kanyang mga mata...

"Umaga na pala..."

Mga thirty minutes pa syang nakahiga bago nagdesisyong bumangon, kailangan nyang uminom ng gamot, ang baho na rin ng amoy nya at ang lagkit ng kanyang pakiramdam, ng maupo sya sa kama, lumantad sa kanya ang ebidenysa ng pagka sugapa nya sa alak kagabi, ang daming bote ng beer sa lapag, ayaw nya ng bilangin, sumasakit lang lalo ang ulo nya..

Pumasok sya sa c.r. maglilinis muna sya ng katawan.

Nagulat sya dahil pag labas nya ng banyo, wala na ang mga kalat sa lapag, nalinis na agad ang kanyang kwarto, nakakabilib lang kasi wala man syang narinig na ingay o kaluskos habang nasa loob sya ng comfort room, kung mag nanakaw pala iyon, eh di malayang naisagawa nito ang masamang balak..

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon