BMO 57: bukas

231K 3.1K 152
                                    

dedicated @shaisahi2x...

unedited/

Chapter 57:

Hanggang sa ang tingin na yun nina Ran at Ren ay bumaling sa kanya...

"Bakit nga pala wala sya honey, si daddy?" tanong ni Ren na talagang naiinis sa lalakeng kaharap....

At anong isasagot nya?

Na talagang wala si Jett, ang daddy nila

Dahil pinagtataguan nila?

........................................

"paparating na sya, malapit na," yun naman talaga ang totoo, ayon kay Yvez, pagkasabi nya noon, di nakatakas ang ngiti sa labi ng dalawa....

"kitam, malapit na ang daddy naming, lagot ka sa kanya kapag nakita ka nya, isusumbong talaga kita!" banta ni Ren dito with matching action pa ng daliri, semesenyas ng lagot..."malaki ang katawan noon isang suntok ka lang nun! " dagdag pa nito na pinapatunog ang kamao....

Napapailing na lang si Clem, eto yung napupulot ni Ren sa pakikipag usap sa mga tambay sa lugar nila...

"umalis ka na, di ka naming kailangan dito," si Ran naman yun na nakapameywang dito, kagaya ni Ren masama rin ang tingin nito doon kay James..

Napapailing na lang yung James , di naman napikon or something, yumuko pa ito para lumevel sa dalawa na magkatabing nakatayo...

"talaga bang bata lang kayo? " usisa nito na may nakakalokong ngiti..

"oo naman, ano bas a tingin mo?" singhal ni Ren, nareach na ang tuktok ng anger meter nito sa ulo, nakataas na ng 5 volume ang boses...

"daig ko pa ang nakipasuntukan eh, wala akong laban sa inyo... sana nga nakipagsuntukan na lang ako, at least doon may laban ako, para lang kayong na trapped sa katawan ng mga bata..."muli itong tumingin sa kanya.."sorry for intruding, I'm James again , professional photographer, ang sarap nyo kasing kunan, you're perfect doon sa commercial that we are conducting, here's my card," nilabas nito sa bulsa ang calling card at inabot sa kanya," kung wala ka sigurong nga anak, if I just met you earlier, malamang super sikat na model ka na ngayon,"

Marami ng nagsabi noon, nakatingin yung dalawa sa kanya, habang tinitignan nya yung calling card na binigay sa kanya, bakas ang lungkot sa mukha ng dalawa...

Kahit naman sya...

Nasaktan sya sa sinabi ng walang modong photographer na sikat n asana sya kung wala syang anak...

Para kasing...

Gusto kasing palabasin nito na hadlang ang pakakaroon nya ng dalawang anak..

Which is, kabaliktaran noon..

"you know what, you're just wasting your time, " binalik nya dito yung calling card,

"why? I'm giving you one rare opportunity, bihira ito, a recommendation from me," sagot nito na hindi makapaniwala sa rejection na nakamit mula kay Clem..

"kahit noon, hindi ko binalak maging sikat, at kahit noong nag kaanak ako, wala ng mas gaganda pa , sa pagiging ina ng dalawang makulit na ito," sagot nya na nakangiti sa dalawa... ang lungkot sa mukha ng mga yun, napalitan ng malalapd na ngiti...

Ipagpapalit nya ba ang dalawang kayamanan na ito para sa kasikatan lang?

"you should really go, may pagka praning ang daddy nila.." kumunot ang noo nito at halatado na na nasisindak,

"and why is that?"

"you should delete our pictures too, kasi baka sa susunod hindi ka na makikita dahil bulag na ang mata mo," dahil sa inis ni Clem, gusto nya na itong takutin din , gaya ng ginagawa ng kambal, saka ayaw nya rin na may picture sya dito, n asana talaga burahin na nito..

Blame Me Once Where stories live. Discover now