BMO 40: package deal

290K 3.8K 166
                                    

chapter 40 dedicated kay grace, aka verticalheart, my supernice/friend classmate...na pinilit ko na basahin ito,, na kahit nasa jeep, nagbabasa..na kahit pinapatulog na ng kanyang loving mommy eh nagbabasa pa rin ng wattpad sa ilalim ng kumot...arang ako lang...

@violetviolet03..sa encouragement, sarap sa feeling na mabasa ang message mo, after a very tiring, stressing day from work...oo nga dumadami reads, siguro sa daring cover? hahaha, malamang yun isa reason, type ko pa naman yung pic ni jaejoong doon/ jett

UNEDITED..

antok na ko eh, duty pa tomorrow..

pagpasensyahan na ang nakayanang chapter, kumuta daw kayo sabi ni Ren kulit (hihihi parang totoo lang)

...............................

BMO 40: PACKAGE DEAL

Nakatayo lang si Jett sa labas ng kinakalawang na gate habang pinapanood ang dalawang anak na inaakay papasok ng asungot na lalakeng yun...nakahawak pa si Ren sa kamay nito, habang salita naman ng salita si Ren na nasa unahan ng dalawa...

Ang dami nyang tanong sa isipan, kung saan lupalop yun nanggagaling, paano sila nagkakilala nito ang kanyang mag iina...Paanong at mukhang close na close ito sa dalawang bata, lalo na sa batang babae.. kinaiinggitan nya ang paghawak nito sa kamay ng lalake...

Hindi nya maiwasan ang maalala ang unang pagkikita nila nito sa New York...he was on his way sa jewelry shop na pinapuntahan ni Sheena, bibilhin nya yung necklace na nagustuhan nito last time, kahit anong alahas o accessories basta wag lang singsing, iba na kasi ang ibig sabihin nun, sa loob ng mall ang location ng Destiny Beyond, di pa nga sya sure sa una ang name, tinanong nya muna sa asawa ni Cocoy, in his way there, nakakita sya ng isang batang babae na nakatingin sa isang mannequin...maganda yung bata kaya siguro napahinto sya at napatitig dito, habang abala ang mga mata nito sa pagtitig doon sa mannequin na nakagown ng pink... hanggang sa hindi na sya makuntento sa pagtitig, humakbang na yung mga papa nya palapit dito,

"hey pretty, " paunang bati nya dito, lumingon naman ito sa kanya.. maganda nga ang bata lalo na sa malapitan, parang may kamukha, yung tangos ng ilong, maputing kutis, kulot na bunok at yung mamula mulang pisngi, pati na rin yung manipis na mapulang labi, parang may kamukha, parang younger version ng.....bago pa mabigkas ng bibig nya, sunod sunod syang umiling, hindi nya dapat isipin yung isa sa mga taong nagtaksil sa kanya, baka nga pinagtatawanan lang sya ng mga ito."do you like that gown?" itinuro nya ang gown na pink, pero sa kanya parin ito nakatingin, hindi man lamang nag react ng una sayng makita, blangko ang expression nito,"who's with you? Are you lost or something?" usisa nya, nagtataka kasi sya kung bakit wala itong kasama, alam nya likas syang hindi mabuti na tao, pero nakakaramdam sya ng kakaiba dito sa bata, parang gusto nya itong ihatid at wag hayaang mag isa...

"what's your name, I will help you to find your guardian," alok nya ulit dito, he level her gaze, pero nakatingin lang sa kanya yung bata...

Pipi ba ito?

Napakamot na lang sya dahil di man lang ito sumagot sa mga tanong nya, at sa huli inirapan pa sya bago bumalik ang mga mata sa gown na pink..Natatawa na lang sya sa kanyang pinaggagawa, bakit kasi , pinakinggan nya yung side ng utak nya na kausapin pa ito, nasayang lang ang laway nya, sa dami ng tanong nya, irap lang ang nagging sagot nito...Nag ring ang phone nya kaya tumalikod sya at humakbang ng kaunti palayo...

"there you are!" maya't maya pa may lalakeng sumigaw, lumingon yung batang babae at ngumiti, intinaas pa nito ang kamay, nagpapakarga doon sa lalakeng dumating, hindi na blangko ang expression nito, nakita nya pang bumulong at yumakap doon sa leeg ng lalake..

"your mother will kill me if ever I lost you," sabi pa nito na hinaplos ang pisngi ng bata,

Hindi naman pala pipi!

Blame Me Once Where stories live. Discover now