BMO 2: secrets

315K 3.8K 90
                                    

9/23/17

BMO 2: secrets

"Take it." Inabot ng pake-alamero ang isang coke in can kay Clem, kahit nahihiya pa rin sya sa nasaksihan nitong ginagawa nya kanina, inabot nya parin ang binigay nito.

Libre eh, natuto syang i-appreciate ang mga libre simula ng maghirap silang mag-ina.

"Salamat"

"Di ka ba napapagod?" tanong nito.

Umiling sya. Alam naman nya kung ano at sino ang pinag -uusapan nila

"Sinungaling," sabi nito sabay lagok sa coke na hawak, mukhang handang -handa talaga ito. "Halata sa kilos mo na pagod na pagod ka na."

"Sinusundan mo ba ako?" tinaliman nya ito ng tingin, iritable na siya, di lamang kasi ito ang unang beses na nahuli sya nito na pinagmamasdan o pinapanood si Jett at si Amanda, pangatlo na ito kung tutuusin, mas matindi nga lamang ngayon dahil may mainit na eksena.

"Ano sa tingin mo? "Hamon nito sa kanya, nakangisi pa ang loko.

"So, sinusundan mo talaga ako." she concluded, bumuntung hininga sya saka humarap dito. "Wala kang tiwala sa akin?" tanong ni Clem.

"Sabi mo nga diba, hindi tayo magkaibigan, para magtiwala tayo sa isat-isa, nakalimutan mo na ba , Clayanne?" Sinabi nya nga iyon, paano si Jett lamang ang tinuturing nyang kaibigan, tapos iyong iba parang normal na lamang na mga tao sa paligid nya, napeke na kasi ang pamilya niya kaya hirap siyang magtiwala muli. Na -realize niya na kahit marami kang kaibigan, di lahat iyon dadamay sa'yo kapag kailangan mo at sa pinakamalaking pagsubok sa kanilang buhay, ang pamilya lamang ni Jett ang siyang nandoon. And from them on, nakuntento sya na si Jett lamang ang kaibigan, although she is loving him more than that friendship word.

"Kung sabagay," huminga sya ng malalim," May point ka, kaya siguro sinundan mo ako at humahanap ng kahinaan o dumi ko para kung sakali may pang-blackmail ka sa akin, tama ba?"

"Tama!"

"Luke, masyado akong busy at problemado, para blackmailin ka pa, instead na blackmailin ka, maghahanap na lamang ako ng extra na trabaho para maipambili ng gamot si mommy, o kaya man itutulog ko nalamang ang extra oras na iyon," seryoso sya dito.

Natahimik ito kaya naman nagpatuloy pa siya.

"Luke your secret is safe with me, kasi kung titignan, parehas lamang tayo ng sitwasyon, parehas tayong may sikreto ,iyon nga lamang ako ay ganito at ikaw ay-"

"Don't say it," dali nitong saway sa kanya.

"Sorry," napansin nya na lamang ang sarili na nakatitig dito, kung tutuusin gwapo ito, matangkad, maputi at mukhang matalino at galing sa mayamang pamilya. Papasa na sana itong mabait kung hindi lamang siya sinusundan nito at nag-iisip nang kung ano mali sa kanya.

"Matunaw naman ako nyan," lumingon ito sa kanya at kinurot ang kanyang pisngi.

Pero di sya nailang sa ginawa nito, sa halip ngumiti sya at kinurot din pabalik ang pisngi nito.

"Bakit di na lamang tayo maging magkaibigan, tutal may pinanghahawakan naman tayo sa isa't- isa, your secret and my secret," ngumiti ito nang malapad.

Clem look at him, his eyes full of sincerity, so why not give it a try. Susubukan nyang may mapag balingan ng atensyon, bukod kay Jett; gusto nya rin na may sumagip sa kanya, in a way. Yung may pipigil sa kanya at babawal kapag nawawala na siya sa wisyo, katulad kanina.

"Sige na nga, friends,"

"Friends," then they shook each others hands.

"Ehem!" parehas silamang napalingon sa likod nila, Jett is standing there, wala na si Amanda, she saw her figure fading on the opposite side.

Tapos na sila sa kanilang business?

Ang bilis naman, Clem look at her watch, it's past six already, ganoon na pala katagal ang dalawa sa loob.

"Mukhang ang saya-saya mo ha, Clem?" Jett asked her pero kay Luke ito nakatingin, mukhang intimidated naman ang kanyang katabi.

She knew why.

"Nag-uusap lamang kami ni Luke you know him right, same department mo," she assumed that they knew each other, as matter of fact there is someone that connects the two.

"Kanina pa ba kayo?" Jett crook his brows, he sounded so worried, syempre nangako naman si Luke na di nya sasabihin kung ano man ang namamagitan dito at kay Amanda.

"Aalis na ako Clayanne, see you again," nag-wave lamang ito at nagtatakbo na paalis.

Tinignan  ito ng masama ni Jett.

"Okay ka lang?" ayaw nyang mang- usisa pero by the looks of it, parang may di magandang nangyari between him and his lover.

Hindi ito sumagot at lumakad nang mabilis papuntang parking lot, Clem followed him, baka ma late pa siya sa trabaho, saka bakit naman ibinabaling  nito ang galit sa kanya?

"Jett mauna na ako," Paalam niya dito.

"Sakay!" utos nito.

"Malapit lang naman lalakarin ko na lang, saka opposite way iyon sa bahay mo ."

"Ang sabi ko sakay diba!?"

Nagulat na lamang sya ng bigla itong nagtaas ng boses, natulala sya at nang hindi sya kumilos, pumunta ito sa tapat nya, he open the passenger door and push her harshly, nauntog pa nga sya.

He is bossy when he is mad.

Mayroon ngang problema nga ang kaibigan.    

Blame Me Once Where stories live. Discover now