BMO 48: guardian

236K 2.8K 51
                                    

unedited/maikli lang bawi na lang next time

..............................

"mahilig din ako sa bata alam mo ba?" pero hindi nya kailangan ng ibang ina para sa kanyang kambal, lalong hindi pumasok sa isip nya na magkaanak pa sa ibang babae maliban kay Clem, sya at ang mga bata ang gagawin nyang misyon ngayon, boyfriend lang yan, pwede pang agawin,

" Ang daya nya," kung para saan ang sinabo nay un ni Sheena, wala na syang pakialam, ang kailangan nyang gawin ay kung paano mapapaalis sa landan nya si Warren.

Chapter 48: guardian

"Calmed down, look at them nagaalala sila sayo," pag alo ni Warren kay Clem, tinuro nito ang dalawang bata na nakaupo sa backseat ng sasakyan ni Warren, magkahawak ang kamay ng dalawa, ang madalas na maingay ay parang tinalo pas a katahimikan si Ran...

Ngumiti si Clem sa dalawa, kung pwede lang syang lumipat doon para yakapin ang dalang anak, kaya lang kasalukuyang umaandar ang sasakyan ni Warren, pauwi na sila, lahat sila nawalan ng gana... balak pa naman nya sanang ipasyal ang mga anak, pero on what they had seen, and mula doon sa pain na naramdaman nya kanina...parang nawalan na sya ng lakas...

Kagaya ng mga bata, ni Ren, unknowingly umasa din kasi sya..

Inuuntog untog nya ang ulo sa bintana, kailangan nyang magising sa katangahan na nagbabadya na namang mangyari, hindi dapat, hindi sya dapat magpaapekto... mga anak nya lang dapat ang dahilan ng pagpasok nito sa buhay nila, wag na sya... kahit para sa mga bata lang...

"maapektuhan pa rin yang ulo mo, kahit pakonti konti mo yang iuntog," komento ni Warren, nilongan nya ito, may ngiti sa gilid ng labi nito

"sorry," inayos nya ang sarili, lumingon ulit sya sa backseat, nagulat naman sya ng nakatulog si Ren, nakaunan ito sa lap ni Ran habang nilalaro ang buhok ng payapang natutulog na kakambal..

Di nya makalimutan ang itsura ni Ren kanina, parang pigil na pigil ang umiyak, , ganun to pag nagtatampo, pero yung kanina, parang mas pa doon ang nararamdaman... hindi nya alam kung makukumbinsi or makukuha pa ni Jett ang loob nito, hindi pa naman kasi, bad shot na ito sa dalawa, hindi pa nga ito halos nag uumpisa para makuha ang loob ng dalawa, bagsak na agad.. mannerism to ng dalawa pag malungkot ang isa, ganoon ka close nag dalawa, hindi nga lang minsan halata

"okay ka lang ba Ran? " tumango ito at ngumiti sa kanya,

"hindi na mommy, wala namang masyadong laman ang ulo nito kaya hindi ako nabibigatan," ngumiti ito kay Clem, napangiti naman sya doon, kung gising lang ang huli, magrereklamo ito... si Ran kasi mahilig mang asar ng pasimple, lalo na kung sensitive kagaya ni Ren na madaling mapikon...

"wag mong sasabihin kay Ren yan, magagalit yan," mahinang bulong nya dito, humagikgik naman ang batang babae habang ang mga kamay ay nakatakip sa tenga ni Ren, nag aalala na magising sa ingay nilang dalawa..

"kayong mag ina, pinagtutulungan nyo si Ren, susumbong ko kayo,," pang aasar ni Warren sa dalawa, panandalian nilang nakalimutan ang tension kanina..

Tumigil na ang sasakyan sa tapat ng bahay nila, si Warren ang nagpresinta na kargahin papasok ng kwarto si Ren, sinundan sila ni Ran na tumabi na rin sa kapatid matapos magbihis, alam ni Clem na pagod din ito... binihasan nya ang dalawang anak bago lumabas para kausapin si Warren na nag aantay sa sala..

May kasalanan pala sya dito at kailangan nyang humingi ng tawad....

Naupo sya sa tapat nito matapos magtimpla ng tea para sa kanilang dalawa, may stock sya noon, dahil mahilig sa tea si Warren, nagaya na rin sya....

She took a deep breath bago nagsalita,

"I'm sorry kanina, I used you," she started, na guguilty sya talaga, she blamed her mouth for making that stupid alibi, alam nyang hindi pa sya handa kay Warren at hindi naman ito nagmamadali sa kanyng sagot, pero kanina, ng makita nya si Jett na may kasamang iba, just like the old times....

Hindi nya mapigilang maghanap ng way palabas , and thank God that Warren was there, nandoon sya para sa kanilang mag iina...

"sorry dahil pinakilala kitang boyfriend ko kanina,"

Inilapag ni Warren ang tasa ang tumingin sa mga mata ni Clem,

"akala ko pa naman seryoso nay un, yun pala babawiin mo lang ," sabi nya with a sarcastic smile, na lalong nag pakaba sa kanya, kung pwede lang lumubog na sya sa kahihiyan...

"sorry,"

"don't be too serious," sabi nito habang kinuha ang kamay ni Clem, " alam ko ang mga pinagdaanan mo, at nalulungkot akong makita ang mga bata kanina, alam mo namang hindi na sila iba sa akin, at hindi kita sinusumbatan kung bakit kailangan mo akong pagpanggapin kanina, " huminga muna ito ng malalim bago ng patuloy," you know what I feel about you, you know how much this friendship means to me, but then...." Tila may nakabara pa sa bibig nito, hindi ibig ni Clem na putulin ang sasabihin nito, gusto nyang marinig kung ano ang tumatakbo sa isip nito...

"but then , kanina, narealize kung sino lang talaga ang kailangan mo, ang kailangan ng mga bata, after what had happened between the two of you sya pa rin pala, kahit gaano kasakit, kasi naiintindihan ko, I know what you feel, yung pakiramdam mo nakalimutan mo na lahat , yung pakiramdam na akala mo wala ka ng nararamdaman dahil sa sobrnag galit, pero pag nakita mo yung taong dahilan ng yun ulit, sya pa rin pala, gumuho na ang mundo mo, sya pa rin pala, nasira ka na , pero sya pa rin pala.."

"Warren,"

"Ann, naiintindihan kita, and I will be here always , susuportahan kita, kahit pa gamitin mo ako, para kahit papaano maramdaman nya yung sakit, makaganti ka man lang kahit paano, bago ka bumigay,"

Hindi nya maintindihan si Warren, alam nyang mabait ito, pero iba na ang sinasabi nito, parang kahapon lang nagtapat ito sa kanya, pero ngayon naman nagsasalita ito ng mga ganitong bagay na halos itaboy na sya papunta kay Jett, parang binabalatan yung pagkatao nya...

"may aaminin ako sayo," maya maya pa sabi nito, matama syang tinignan ni Clem, napakaseryoso nito..

"the old Romualdez, yung lolo ni Jett," daling nagkunot ang noo ni Clem, nabuhay ang galit sa loob nya para sa matanda, ito ang dahilan ng away nila ni Jett before...

"anong kinalaman nya dito,"

"sya yung dahilan kung paano tayo nagkakilala, hindi coincidence ang lahat, plano nya ang lahat ng yun, sya din yung may ari ng foundation na tumutulong kay Ran, sa kanya din galing yung karamihan sa binibigay ko sa inyo dati, walang wala din ako, nagtatrabaho ako under him," nakapagdesisyon na si Warren na aminin ito kay Clem, kalaban ang tingin dito ni Clem, sa mga nakukwento nito sa kanya, gusto nya sanang itama yun, na hindi ganoon ang matanda, bagkus tumutulong pa ito sa kanila...

"bakit nya ginagawa yun? Ayaw nya sa akin diba?"

"yun ang alam mo, pero hindi, importante ka, at ang mga bata sa kanya, kaya nga pinadala nya ako para bantayan ako, parang guardian angel lang," sinubuan nitong magpatawa, pero seryoso pa rin ang kaharap...

"may sarili syang dahilan kung bakit hindi nya rin pinaalam kay Jett ang lagay mo, kung ano man yun, sya na lang ang nakakaalam, pero gusto ko lang malaman mo na importante kayo sa Don,"

Napapailing na lang si Clem,

"and you? Palabas lang ba ang lahat ng pinakita mo? Napipilitan ka lang ba sa amin?"

Sunod sunod ang iling nito...

"alam mong hindi yan totoo, lahat ng pinakita ko, yun ako, maaring sumusunod ako s autos, pero lahat ng kinilos ko noon, bukal sa loob ko, dahil ganoon ako, at isa pa hindi ko yun tatanggapin kung labag yun sa loob ko, at alam kong kailangan mo ng karamay that time, ayoko namang na mapunta lang kayo sa iba, at least ako, alam ko sa sarili ko na kayak o kayang ingatan, I hope Ann you understand,"

Tumayo si Clem, naguguluhan pa rin sya, Don Romualdez confuse her,

"I need to rest," she coldly said, nagpaalam na rin ito, pero nangakong babalik rin..

.................................................................

Blame Me Once Where stories live. Discover now