BMO 45: calling

255K 3.1K 103
                                    

kulitan moment again, puputi talaga ang buhok ni Jett sa kunsumisyon...hahaha, ganda ng karma nya...

UNEDITED

...................................

Chapter 45: calling

Pero para convincing...napamura muna sya

"shit!"

"bakit?" alalang tanong ni Clem

"flat yung gulong," sagot ni Jett na naconfirm din ni Clem..."paano yan,




Pwede bang dito muna ako makitulog? Kahit sa couch lang please?" pakiusap nya dito, gaya ng gingawa nya dati...

.................................................................

"Per0-" bago pa man makasagot si Clem, pinutol na ni Jett ang sasabihin nya...

"wala kasi ang spare tire ko, madilim na rin, pagod na rin ako para bumyahe pa," nagpapaawa na sya dito, kahit pwedeng pwede naman na tawagan nya ang isa sa mga tao nya at sunduin sya, sino ba naman ang tatanggi sa mga tauhan nila? Kahit pa nasa kasarapan ng tulog yun, o kung ano man ang ginagawa, isang dial nya lang, darating agad ang tauhan, pero chance na nga ito ngayon.

Palalampasin nya pa ba?

"pero Jett,"

"please makikitulog lang ako, no monkey business, doon lang ako sa couch," not unless gusto mo akong itabi sa inyo, pinigil nya ang sarili para hindi idagdag yun..

Seryoso syang tinignan ni Clem saka napabuntunghininga...

"pero mainit sa sala," alam naman nya kasi na hindi ito makakatiis ng walang aircon, gaya dati, tapos ang liit lang ng couch, malaki ang katawan nito, mas naging masculine pa nga kaysa dati, maliit lang ang sofa, talagang hinid ito magkakasya..

"okay lang, sa-sanay ako," walang conviction yung sagot ni Jett na nagpataas bahagya sa kilay ni Clem...imposibleng sanay ito, pero sa huli, pumayag na rin sya, sumuko na sya at tumango dito...

Marahil gutso lang makasama sa isang bahay ang mga bata...yun nga ang dahilan...

Hindi naman mawala ang ngiti sa labi ni Jett habang nakasunod muli kay Clem papasok sa loob ng bahay, tahimik na...wala na yung maingay, wala ng bakas yung makulit na bantay....

Tulog na yung mga bata,

Pero nakapangako nga naman sya na magbebehave sya...kahit mahirap yung gawin...

"wala akong maipapahiram na damit sayo, kundi ito," may inabot na t shirt sa kanya si Clem, mas magtataka sya at hindi nya magugustuhan kung may panlalaking damit itong maipahiram sa kanya...

Di pwedeng ganun!

"this will do," sagot nya, tinuro sa kanya ni Clem yung bathroom at may toothbrush din doon na pwede nya daw gamitin, mukhang bagong labas lang....

Maliit lang yung c.r. , wala ngang bathtub, simple lang , malayong malayo sa buhay na gusto nyang ibigay sa mga ito, nakokonsenysya talaga sya na sa ganitong paligid lumaki ang mga anak nya..

Kung tutuusin, pwedeng pwedeng makuha ng mga ito ang mga bagay na naisin, isang utos at hiling lang, kahit ano kayang kaya nyang ibigay ang lahat...

Pagkalabas nya sa banyo, may kumot at unan na nakaready sa sala, nakatutok na rin sa harapan ng couch ang isang electricfan na hindi kalakihan, pero kahit ganoon pa man iba ang saya na nararamdaman nya, naupo na sya doon habang tinutuyo ang kanyang buhok...maya maya narinig nyang bumukas yung kwarto nina Clem, sama sama yung mag iina nya sa isang room, yun lang kasi yung may aircon, tapos yung isang maliit gamit naman ni nay nay Espie...

Blame Me Once Where stories live. Discover now