BMO 44: flat

272K 3.4K 203
                                    

dedicated to @mukzienaf- sipag magcomment nito, pati sa mga story na binabasa ko nakikita ko ang username nya..salamat sa pagbabasa at pagaabala na magcomment..nakakatuwa..

sa lahat ng nagvovotes at comments, thank you very much..

unedited/

Chapter 44: flat

Walang nagawa si Jett ng hatakin papunta sa dining table ni Ran si Warren, inggit na inggit sya dahil dapat sya yun, kamay nya dapat ang hawak ng kanyang prinsesa, sa kanya dapat ito nagpapacute at hindi sa utusan ng kanyang lolo.

He scoffed .

yun naman talaga ang tawag doon eh, yun yung papel ng kanyang karibal sa buhay ng pamilya nya, napalapit lang ang lalake na ito sa kanyang mag iina, dahil sa utos ng lolo nya, kung hindi sana, wala ito sa landas nya ngayon..naisip nya na rin kung sinabi na ba nito kay Clem ang tunay na papel nito sa kanila.

Sa nakikita nya kasi parang hindi pa, imposible naman na hindi makaramdam ng galit si Clem dito? Magiliw pa rin si Clem dito, na ikinaiirita nya lalo,

Kanina pa sila magkasama bakit ayaw nya pang umalis?

Kung titignan kasi ang turing ng lolo nya kay Clem dati, kung paano isinangkalang ang mommy nito para mapaamin sa relasyon nila ni Amanda, talagang kontrabida ang labas ng kanyang lolo... ang hindi nya gaanong maintindihan ngayon ay paanong nasabi nito. Ramdam nya kasi na hindi lang yung mga bata ang tinutukoy nya na magigingRomualdez, alam nya kasama din si Clem doon sa ibig sabihin...

Maya maya pa nakaupo na sila sa kanikanilang bangko, yung dalawang bata, nasa magkatabing gilig ni Clem, si Ren sa kanan na katabi nya, tapos si Ran sa kaliwa na katabi ni Warren na sya namang katapat nya..

Ikinabibwisit nya yung pag ngingit ngiti nito na animo hindi guilty...

Kanina pa sya nagpipigil na ihagis ito sa labas, sa sobrang pigil nya ang diin na ng hawak nya sa kutsara't tinidor..

"ikaw talaga nagluto?" iwinaksi nya agad ang inis na nararamdaman at lumingon kay Clem..

"wala ng iba, gutoma na raw si Ran kaya naisipan kung pakealaman yung kusina nyo," sagot nito ng nakangiti kay Clem, di man nito binalik ang ngiti nya pero tumango ito bilang pag sang ayon,

Masaya na doon si Jett, at least casual ito at kinakausap sya, ngayon pang desidido na sya na pumasok sa buhay ng mga ito by hook o by crook...

"let's eat na," yaya nito sa lahat,

"honey ko," tawag ni Ren sa tabi nya na hanggang ngayon nagpapapansin pa rin sa kanyang ina..

"yes?" sagot ni Clem habang naglalagay ng kanin sa plato ni Ran, si Warren naman yung naglalagay ng ulam...

"bakit si Ran lagi ang inuuna mo? Nagugutom rin ako," pagmamakaawa nito, natawa naman si Clem, sanay na sya ng ganito pero kasi , nagkataon lang na inuna nya yung anak na babae, at isa ding dahilan para makaiwas sa mga mata ni Jett na nakamasid sa kanya...

"ikaw talaga, eto na po," bago pa nya magawa yun, nauna na si Jett sa kanya

"let me," ito na ang naglagay ng kanin at ulam sa plato ni Ren, pero imbes na matuwa ay nalukot pa ang mukha ng huli..

Na ikinalukot din ng mukha ni Jett,

"bakit?" tanong ni Jett dito ng nagtataka, kinunutan nya rin ng noo ang batang makulit...parang may gustong sabihin kasi marahang gumagalaw ang bibig..para silang nagkokompetensyang dalawa sa titigan at ang unang pumikit ay talo...

"Ren , eat your food," saka ito nag iwas ng pakikipagtitigan at bumaling sa ina...

"yes honey," napailing na lang si Jett, ang bilis umamo ng anak nyang lalake pad dating kay Clem, pansin nya din na behave talaga pag kaharap si Clem, hindi sya binabara..

Blame Me Once Where stories live. Discover now