BMO 69: sharp

223K 3.7K 320
                                    

#THANKYOU!

Chapter 69.

Bumalik silang tatlo sa kwarto ni Ran, nakuntento si Jett na maupo sa sofa, malaki kasi ang kwarto na kinuha nila. May dalawang bed, at sofa, pero mas pinili ni Clem na makatabi si Ran, hindi magawang lumapit ni Jett , natatakot syang muling ipagtabuyan nito.

Maya maya pa nagpaalam na rin si Warren, nagpaalam din ito kay Jett, matapos syang tapikin sa balikat, sinulyapan ito ni Jett at bahagyang tinanguan, hindi nya lang talaga magawang ngumiti kahit gaano pa ang kabaitan na ipakita nito sa kanya, sana nga lang totoo ang sinabi nito na hindi nito aagawin si Clem, dahil talagang dehado sya. Kahit pa hindi naman talaga nya ginusto makidnap si Ran.

Iniisip nya rin yung note na binigay sa kanya ng security, kung nahuli na ang suspect, yung nagulpi nya, bakit nagiwan pa ng ganoong note?

Para lituhin ba sila?

O sadyang maling tao ang nahuli nila?

Nakabingi ang katahimikan ng sila na lang ang naiwan sa kwarto, hanggang tingin na lang ang kaya nyang gawin. Maya maya pa , muling bumukas ang pinto at pumasok doon ang nagtatakbong si Ren, walang sabi sabi itong umakyat sa kama at niyakap ang kapatid saka umiyak.

Napatayo bigla si Jett dahil baka masaktan si Ran na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising.

"she's just sleeping, okay na sya, wag ka ng umiyak," it was him who comforted Ren, hindi na kasi makasalita si Clem because of happiness na kumpleto pa rin ang dalawa, may sakit nga lang si Ran, pero ang importante , hindi ito napano, ang kailangan nya lang siguraduhin ay ligtas ito.

"daddy, kasalanan ko po," naiiyak itong bumaling sa kanya, kinarga nya ito at naupo sila sa isang hospital bed. Masaya syang maamo ito ngayon, at walang reklamo sa kanya, pero hindi nya gusto na sa ganitong paraan tumitiklop si Ren, di bale ng makulit ito, di bale na lagi syang kontrahin nito... wag lang yung ganito, dahil masakit yun para sa kanya, bilang ama.

Di sya sanay na mahina ito..pinahid nya ang mga luha nito saka marahang kinausap..

"hindi mo yun kasalanan, kasalanan yun ni daddy, kasi pinabayaan ko kayang dalawa, patawarin mo na si daddy please? Hindi nya na ulit yun uulitin.." pag aalo nya dito.

"pero daddy, niyaya ko po sya, kung nakinig ako sana hindi kami umalis, sana hindi kinuha si Ran noong malaking lalakeng may bigote," bulong nito sa kanya.,

Pilit nya itong pinatahan... ayaw nyang sisihin nito ang sarili... gusto nya sa kanya ibaling ang sisi, sya ang padre de pamilya. Sa kanya dapat.

Pero taliwas ang sinabi ni Ren sa itsura ng lalakeng sumuko sa mga pulis.

Payat ito at walang bigote.

Doon nag uumpisang mabuo ang mga tanong sa kanyang isipan...

Sa ilalim ng note ang letrang Z...pilit nya yung iniisip kanina pa, sinong Z ang pinagkakautangan nya para balingan ang kanyang pamilya? At gaano nito kakilala ang kanyang mga anak. Kinikilabutan sya sa mensahe noon, na darating ang araw kukunin nito si Ran, ngayon pa na may sakit ito, pinaliwanag na ng doctor ang maaring scenario, kaya nababahala sya, hindi nya dapat hayaang mag isa si Ran, ng walang nagbabantay, baka sumpungin ito ng sakit at mapahamak...maaring sa mga tao sa paligid na maaring magsamantala.. lalo pa maganda at mayaman ang bata.

"Honey, babantayan ko si Ran, dito lang ako hindi ako uuwi," bumaling si Ren kay Clem, tumingin din si Jett doon, nagulat sya ng marealize na nakatingin pala si Clem sa kanila, bahagya ito nagulat ng magtama ang kanilang mga mata.

Agad nitong iniiwas ang paningin at binaling kay Ren..

"oo dito lang tayo, babantayan natin sya hanggang sa magising," hindi nya na napigil si Ren ng bumaba ito s akanya at kay Clem naman kumarga, hinawakan at hinahaplos nito ang kamay ni Ran, habang kinukwentuhan kung gaano daw ito nag sisisi at kung gaano karami daw ang iniyak nito....

Blame Me Once Where stories live. Discover now