BMO 42: clean fight

282K 3.3K 142
                                    

UNEDITED...

.........................

CHAPTER 42: clean fight

"Tama na yan dude," mariin syang hinawakan ni Joey , buti na lang din, dahil wala talaga sana syang plano na tantanan ang investigator na nanloko sa kanya, at ang ikinasasama pa ng loob nya ang lolo nya na naman ang dahilan...

Minsan na nitong minanipula ang kanyang buhay, na kung titignan sa ngayon ay reasonable naman, buti nalang tumutol to sa kanila dati ni Amanda kung hindi siguro hanggang ngayon he is breathing those lies that she created for him.

Ang hindi nya ngayon matanggap ay ang paglilihim nito na mayroon silang anak ni Clem, his lolo has all his ways para malaman yun, gaya ng kayang kaya nya na lahat ipaalam sa kanya that his Clem was bearing their children,

"Fuck!" mura nya tapos sipain ang gulong ng kanyang kotse ng paulit ulit, hinila sya ni Joey katulong ang isang bouncer sa labas, dinudumog na kasi sila ng mga tao sa loob...

Hinayaan muna sya ni Joey na ilabas ang lahat ng kanyang sentimyento, mura dito, mura doon ang ginagawa nya, pinagsisipa nya ang kotse, sinisigawan nya rin kung sino man ang tumitingin at gustong makiusyuso sa pagwawala nya...

May grupo pa nga doon na gusto nyang hamunin ng away,

"tama na yan dude, wag kang makipag basag ulo, marami ka pang aasikasuhin diba?"maya maya dumating si Marco, may importanteng business meeting kasi ito kaya ngayon lang, hindi rin kasi kaya ni Joey ang temper ni Jett, buti pa si Marco kaya itong I handle, napakalma naman nito ang bestfriend at napilit umuwi sa bahay, gusto kasi right away na sugudin ang lolo sa opisina..

.................

"tang ina pare, nag iisang apo nya ako, why can he let me decide with my own life, bakit nya ako kailangang kontrolin? Bakit kailangan nyang itago na may anak ako?" himutok ni Jett , lasing na ito at madaldal na masyado, nakikinig lang ang dalawa, in a small span of time naikwento nito ang buhay sa dalawa, na hindi naman lingid kay Marco.. tanging si Joey lang, nagulat nga ito ng malaman na noong college sila nakarelasyon nito ang kanilang hot teacher at kung paanong ginamit si Jett nito, pati ang paggamit nito sa bestfriend si Clem..

"naging kayo ni Ma'am? Wow di ko alam yun ah," tanong ni Joey na di talaga makapaniwala, buti na lang nagbago na ito, faithful na ito sa asawa na ngayon...

"ano ang plano nya at si Ren lang ang gusto nyang makilala ko? Bakit itinago nya ang impormasyon about kay Ran? Anong gusto nyang mangyari na maging tanga ako habang buhay?" sabay lagok ulit ni Jett sa baso nyang puno ng brandy, hinahayaan naman sya ng dalawa since nasa bahay naman ito, at he needs to let all his emotions...

"ano bang gusto nyang mangyari, mag tutuos kami,," pinipilit nitong tumayo, pagewang gewang na ito at pilit lumalakad, umalalay naman si Marco..

"bukas na kayo magtuos bro, matulog ka muna, you need that, kailangan fresh ang utak mo pag nalaman mo ang dapat mong malaman sa kanya," winasiwas naman nito ang kamay..

"bitiwan mo ako bro, it's now or never, I don't care kung lolo ko pa sya, wala syang karapatan to ruin my life," napailing na lang ang dalawa, hindi naman kasi nito kaya talaga sa dami at sinunod sunod naman nito ang inom...nalaman din nila na ang mga anak nito ay hindi natutuwa sa una nilang pagkikita, sinabi rin nito kung gaano kasakit ang takbuhan ng sariling anak at sabihan ng "ayaw na ayaw ko sayo," hindi pa man nila nakikita ang dalawang bata, pero hindi maipagkakaila na namana nga nito ang ugali ng kaibigan nila, ganito kasi ito sa kanila noon lalo na sa mga taong hindi gusto..

..........................

"coffee? Wag ka ng tumaggi libre to, hindi nga lang Starbucks, malayo eh, sa vendo lang," ngumiti si Warren kay Karel, Dr. din kagaya nya sa hospital na pinapasukan, isang OB..

Blame Me Once Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu