BMO 53: Baguio

249K 3.1K 161
                                    

on going pa po ito kaya bitin...dedicated @Mglenj.

unedited

Chapter 53.. baguio

Hinalikan nya ang noo ng dalang bata... napatingin sya sa envelop na nakapatong sa mesa.. ibinigay yun ng lolo ni Jett bago sila maghiwalay... nakita nya nay un kanina, naudyukan sya ng isipan na muli iyong buksan...

7 places must visit in the country

1. Baguio

2. Vigan

3. Batangas

4. Cebu

5. Bohol

6. Puerto Galera

7. Davao

Magliwaliw daw silang mag iina, sagot nito ang lahat, presence lang nila ang kailangan.

Ang nakakatawa doon may malaking tittle na naka capslock sa taas it says,

BALIWIN SA PAGHAHANAP SI JETT

...............................

" I thought you will turn down my inivitation," iyon ang bungad ng kanyang lolo na prenteng nakaupo sa living room, kadarating lang nito , tumawag ito sa kanya habang nasa sasakyan papunta para maihatid pauwi ang kambal...

Doon daw sya umuwi at na mimiss na daw nito na magdinner sila. Baka kasi daw sa condo sya umuwi, which he usually do, sobrang laki kasi ng mansion na kinalakihan nya at tahimik.. mga tsismis lang ng mga kasambahay ang nadidinig nyang ingay..

Kaya sana, maayos nya agad ang kanyang pamilya para dito na tumira ang mga bata, at yung mga masasayang eksena kanina ay maging araw araw na pangyayari..

Wala na naman syang sama ng loob sa kanyang lolo, tampo baka meron pa, at isa pa napakalaking bagay na gusto naman pala nito si Clem all along, kung hindi dahil dito napabayaan ang kanyang mag iina..

"kayo naman po lagi ang wala dati diba? Lagi ako ang magi sang kumakain sa mesa," balik nya dito while following him in the dining area,

Tumawa yung matanda, busy kasi ito sa napakalaking negosyo, ganoon naman, kapag mayaman ka, laging may kailangang maisakripisyo.. pero naisip ni Jett noon, kahit maging busy sya sa trabaho, hindi nya pababayaan ng kanyang pamilya, uuwi sya para kumain ng dinner, at sabay sabay kakain ng breakfast.

Naranasan nya kasi kung gaano kalungkot, kaya habang hinahasa sya o sinasabi ng mga tao sa paligid nya ang kanyang magiging responsibilidad paglaki, hindi pa rin sya tutulad sa kanyang lolo..

"sisihin mo ang parents mo, lalo na ang daddy mo na maaga tayong iniwan, kung hindi sana nagpapahinga na ang aking matandang katawan, maaga na sana akong nagretiro," naghila na ito ng bangko, he followed, umupo sya sa pwestong katapat nito, hindi mahaba ang kanilang mesa di gaya ng sa mga ibang mansion. Wala namang bakas paninisi sa boses nito, sino ba naman ang makakapigil sa kagustuhan ng Diyos, hanggang doon nga lang siguro ang parents nya. He misses his Lolo before his parents died, iyon yung laging nag pupush sa kanya o tagasagip nya kapag gumagawa sya ng kalokohan, kakampi nya.. kaya naman nalungkot sya ng sobra ng mamatay ang parents nya, nagbago na kasi ang lolo nya, naging strict at gusto lagi sya ang masusunod na magdesisyon.

Blame Me Once Where stories live. Discover now