BMO 33: honey

281K 3.5K 211
                                    

medyo libre pa ngayon, sana maintindihan nyo kung di ako regular magupdate...

may work ako sa morning, then hapon school..

sa gabi review...kya sana maintindihan nyo..

since libre nga ako ngayon, umpisahan na natin ang pag ikot 180 degrees...kasi nga po....ganito ang kinalabasan sa utak ko ng takbo ng story...

sana magustuhan nyo pa rin...kasi ako gustong gusto ko eh,,(syempre gawa ko hahaha)

.........................

CHAPTER 33: honey...

7 years after...

"Wake up? Honey gising ka na,," malamyos ang tinig na naririnig ni Clem, hinahalikan din sya nito sa pisngi, napapangiti sya sa isipan, ang sweet sweet talaga,konting pagpapanggap pa, bumiling sya sa kamang hinihigaan para matalikuran ang lalakeng gumagambala sa kanyang pagtulog...

Tutal di pa naman sya malalate sa trabaho, nagkataon lang lagi na nauuna tong magising kumpara sa kanya, parang matandang matanda na talaga...

"Honey, malalate ka na kasi,," niyug yog sya nito, halata na medyo naiirita na...

"Hmmmm, di ka talaga gigising honey?" may pagbabanta na sa boses nito, maya't - maya pa, dumako na ang mga daliri nito sa kanyang tagiliran...

Kinikiliti na sya, habang patawa tawa...

Hindi na nya mapigil ang sarili sa pagtawa, alam na alam na talaga nito ang mga lugar sa kanyang katawan kung saan mayroon syang kiliti...

"hahahhaha, tama na!" hinuli nya ang mga kamay nito, sumampa na ito ng tuluyan sa kama, gumanti na rin sya ng kiliti dito...ito naman ngayon ang gumugulong gulong sa katatawa, mas malakas ang kiliti nito...

"ikaw talaga Ren, napaka kulit mo!!"

"honey tama na!!" saway nito sa kanya...

Tumigil na si Clem, mukha kasi na hindi na talaga makaya nito ang pagkiliti nya.. umayos na ito ng pagkakaupo at humarap sa kanya, s inuklay ng kamay ang nagulong buhok....

Imbes na ayusin ang buhok nito, mas ginulo pa ni Clem ang natural brown na buhok nito...ngumuso lang ito sa kanyang ginawa...

"kanina ka pa gising? Pinapahirapan mo lang ako no? Pasaway ka na talaga araw araw?" ngumuso pa ito...

"ano?" kunyari nanlaki ang mata ni Clem....

"hhehehe, jhoke lang honey di ka na mabiro peace..."biglang bawi nito at nag peace sign pa sa kanya, pinakita nya pa ang kanyang mapuputing ngipin at ang dimple nito sa kanang pisngi na nagpapadagdag sa kacute tan nito...

Biglang bumukas ang pinto , dumungaw doon ang isang may edad na babae...

"Kayong mag ina, mag ayos na kayo, kanina pa nakahanda ang almusal,"

"Opo," sabay silang sumagot. Tatawa tawa ang matanda, bago sinara ang pinto,

"ikaw kasi honey eh, pati tuloy ako napagalitan ni naynay," sumimangot pa ito, din a mapigil ni clem ang pagtawa,

"opo lolo,,"pang iinis nya dito,"halika nga dito," binukas nya ang kanyang mga bisig, hindi naman ito nagpapapilit pa at lumapit sa kanya, kinulong nya ito sa kanyang mga braso...

She's really blessed to have him, isa ito sa mga regalo na natanggap nya, kahit napakakulit at daldal, kahit pa halos lahat ng pisikal na anyo nito ay namana sa ama, kahit pa imbes na tawagin syang mommy o mama, eh mas nakagiliwan nito ang tawagin syang honey, nasa loob man o labas sila ng bahay...

Sino nga naman ang nasa matinong isipan na ina na magpapatawag ng honey sa kanyang anak? Alam nyang maraming nagtataas ng kilay sa kanila, sinaway nya rin si Ren sa pagtawag nito, pero nagtampo lang ang huli. Hindi sya kinakausap, tango at iling lang ang mga sagot nito sa kanya, not typhical of him na sobrang daldal, na lagi may tanong, na lagging nang uusisa, na everyday sobrang kulit..

Blame Me Once Where stories live. Discover now