BMO 18: while the cat is away?

271K 3K 87
                                    

BMO eighteen: while the cat is away?

Nag die down yung cold atmosphere nung makarating kami sa bahay ni Jett, nakasunod lang ako sa kanya, pero nung binuksan nya na ung pinto, pinauna nya na akong pumasok...

"why?" Nakakunot ang noo nya, hindi kasi ako makahakbang papasok, confuse akong nakatingin sa kanya.

Pero syempre yung confusion na yun, may halong kilig..

"wala naman," tapos pumasok na nga ko, pano ko naman kasi ipapaliwanag na nagtataka ako diba?

Baka sabihan nya pa akong napakalaking ilusyunada, simple na gesture nya lang binibigyan ko na agad ng ibang kahulugan....

"maligo ka na," utos nya

"ha?" ako naman si engot " ha " ang nasabi ko kahit narinig ko naman talaga, ang kulit ko lang, kumunot naman ulit ang noo nya.

Ang hilig nyang magkunot ng noo,

"hindi ka ba maliligo? amoy beer at usok ka," irita nyang sabi, ako naman inamoy ang aking sarili, oo nga naman may point sya, ano ba kasing iniisip ko, ala nga naming paliguan nya ako at samahan?

Ay ano bay un?! Saan nanggaling yung ganong thought?

"sige maliligo na ako," tapos tumalikod na ako sa kanya, pumunta ako sa kwarto, kumuha ng towel tapos sa banyo...

nakakapagod ang araw na to, naawa ako kay Mr. Z, hindi ko naman na gusto syang saktan siguro kung kaedad ko lang sya, tapos nakilala ko sya nung mga time na pinipigilan ko pa ang feelings ko kay Jett at may Amnada sya, malamang na nabaling sa kanya ang pag ibig ko...

Pero nangyari na ang nagyari at wala na rin akong trabaho simiula bukas, salamat sa pakikiaalam ni Jett, pero ano na ang gagawin ko ngayon? Saan ako kukuha ng pera para sa ospital, gamut ni mommy., sa school ko?

Hala?!!!

Siguro maghahanap na lang ulit ako sa fastfood, baka ang ayaw lang ni Jett ay yung sa mga club pero kung iba naman siguro papayag sya diba?

Ng matapos akong maligo, tinignan ko yung orasan 2 am na pala, ang tagal ko pala sa loob ng bathroom, medyo nakatulog kais ako sa bath tub, ang pasaway ko lang...

Binlower ko yung buhok ko, buti gumagana pa, mura ko lang kasi nabili to, kailangan kasi dahil mahaba yung buhok ko, kinuha ko yung cellphone ko, madaming text, puro sa mga kasamahan ko sa work, tinext ko silang lahat, nag thank you ako at sinabing totoo na nagresign na nga ako, may tanong pa sila pero di ko na sinagot,, kaya lang ang makulit na si Pie tumawag pa, di raw sya makatulog hanggat di nya malaman ang totoong nganyari, since marami sya daw tip, naka unli call daw sya...

So ayun, pinaliwanag ko sa kanya, yung nangyari, yung mula sa pag uusap naming ni Mr. Z, hanggang sa pagdating ni Jett, at yung nangyaring konting gulo, nalaman ko pa na sya pala yung napag tanungan ni Jett kung nasaan na room ako.

Tapos sianbi ko rin nung pinaalam nga ako ni Jett sa boss namin na hindi na ako papasok....

(what? Ginawa nya yun? )

"oo,"

(anong sabi nila boss?)

"nagulat, pero di ko na narinig yung sinabi kasi umalis na kami"

(alam mo friend kainggit ka , kasi love ka ng bestfriend mo!)

Sana ganun nga, pero I know better

"no, "

(no ka dyan, sabunutan kita,,, o sige na nga bye na, tawagan na lang kita next time, lam mo naman na di na tayo masyadong mgakikita, text text na lang)

Blame Me Once Where stories live. Discover now