BMO 54: 25 minutes

227K 2.9K 105
                                    

dedicated kay @greenarcher.. sa mga new readers and followers..

unedited

Chapter 54: 25 minutes

Buti na lang may assistant na pinadala ang lolo ni Jett, isang lalake at babae na naka suit na parang bodyguard. Kakaiba talaga ng utak ng lolo ni Jett, at ang sagot nito kung bakit kailangan nilang maglaro ng hide and seek kay Jett..

"Gusto kong makaganti ka kahit papaano, saka para malaman nya na mas masarap makuha ang isang bagay lalo na kung pinaghihirapan," ngumiti ito ng malapad sa kanya," don't worry, hanggat kayak o hahadlangan ko na mahanap nya kayo agad, unless ikaw ang magsabi ng game over,"

Pero hindi muna sya mag aanounce ng game over...Silly man pero... gusto nya ang ideyang ito... para maramdaman nya naman kung paano habulin...

........................................

Buong araw naliligo ng mura ang mga tauhan ni Jett, wala kasing makapag sabi sa kanya kung nasaan ang kanyang mag iina... he visit Cocoy, pero more of interrogation ang naganap, dahil gusto nyang makasiguo kung nandun o wala nga sila Clem, at kung may alam man ang mga kaibigan nito sa opisina kung nasaan ito , naka leave nga daw si Clem,

"hey, dude calm down, nagbakasyon lang naman, bakit ka ba nagpapanic?" kahit paano nya pakalmahin ang sarili nya, nasigawan nya rin ang kawawang si Cocoy, hapon na noon, at kailangan nyang may makausap na medyo matino.

"she's not answering her damned phone, paano kung nawala na sila ng tuluyan? Ano ng mangyayari sa akin,"if he was not informed earlier by the great Romualdez, malamang isa sya sa nagpupursige para mahagilap ang hinahanap ng kaibigan, pero nasabihan na sya at naliwanagan, bakit nga ba sya napaoo ng Don, to think dapat na saside sya ng kanyang bestfriend?

Bukod sa reasonable intention nito....

Hindi naman siguro masama na makipagkaibigan sa leon kahit kaibigan mo na ang anak nito...utak businessman nga naman.

Kaya gustong gusto nyang matawa sa frustration ni Jett, wala itong idea na ito mismo ang taya sa larong isinasagawa ng kanyang lolo..

"kailangan ko ng ireport ito sa mga pulis!"

"easy ka lang, di naman sila nakidnap, nagbabakasyon, bakit mo iparereport sa mga pulis? Nababaliw ka na ba?" tutol nito sa balak ni Jett

"oo mababaliw talaga ako pag di ko sila nakita!" sabi nito habang sinasabunutan ang buhok...

"bakit di mo galingan ang paghahanap, malay mo nagpapahanap lang yun,"di nya maiwasang magkomento, tinitigan sya ito ng matalim...

Patay!

Mukhang masisira ang plano ng matanda ng dahil sa kanya, lagot ito pag nagkataon...

"what do you mean?"

Nagmamadali syang mag isip ng idadahilan, di sya dapat magisa.

"di ba nga, yung nangyari dati, walang ligawan na naganap, tapos nag kaanak kayo, ng di mo alam, dalawa pa yun ha? Ang hirap kaya noon, kami nga kay Colleen, habang pinagbubuntis sya, nagdusa ako sa paglilihi ng asawa ko, kahit madaling araw gingising nya ako para magpabili ng pagkain, kung alam mo lang, tapos noong nanganak na sya, salitan kami ng paggising para magpalit ng diaper at magtimpla ng gatas, imagine how hard that was, tapos mauulit na naman sa second baby naming, but I am not complaining cause its part of making a family..." Cocoy explain..

Malalim naman na napaisip si Jett sa mga narinig nya mula dito, tama hindi nga nya naranasan ang lahat ng yun,

Pero di ba't inalisan nya naman ako ng karapatan?

Blame Me Once Where stories live. Discover now