BMO 55: Vigan

218K 2.9K 138
                                    

maikli/bitin/sabaw/unedited...

......................................

Chapter 55: Vigan

"ang daya di ako sinasali..." sabat ng batang si kulit na kagigising lang rin..

"come here honey ko.." sagot ni Clem na nagpalawak sa ngiti nito, patakbo itong lumapit at yumakap sa beywang nya habang nakatingin din sa tanawin na tinitiganan nilang mag ina...

Si Jett na lang ang kulang sa family picture...

Sana malusutan mo ito...

Baka sakaling

Sumugal ako ulit.

...........................................................................................................

Walang oras na gustong palampasin si Clem, kaya naman excited nyang inaya ang dalawang bata, buti at kasama din nila ang dalawang tauhan ng lolo ng mga ito.. kaya doon sa hotel na tinutuluyan nila, laging tatlong kwarto ang kinukuha, pwede naman na yayain nya yung babae sa silid nila, kaya lang mahigpit dawn a bilin ng Don na bigyan daw silang mag iina ng privacy.

Hindi na rin sya nagpilit dahil, ito nga lang naman ang gumagastos kaya mapagkokomento pa ba sya.

Pagkalabas ng hotel sumakay sila ng kalesa sa Calle Crisologo... tuwang tuwa yung dalawa na nakaupo sa magkabilang gilid nya,

"honey, sumakay din kami ng kabayo kahapon, pero ngayon may bahay na, parang gusto ko na pong may kabayo tapos dadalhin ko sa Manila, honey bili tayo ng kabayo, promise aalagaaan ko to!" pangungulit ni Ren na itinataas pa yung kanang kamay..

Natatawa nalang si Clem, dahil na ka charge na naman ito, kumain kasi sila muna sa hotel at nagustuhan ng dalawa yung famous longganisa dito. Naging favorite nya rin yun dati, kaya naman gusto nya sanang magdala pauwi, yun nga lang, hindi nya alam kung hanggang kalian magtatagal ang pamamasyal nilang ito... baka masira lang along the way... maari kasi hindi na sila hanapin ni Jett.

Kahapon lang nagmadali silang umalis sa hotel matapos ma inform ng tauhan ng lolo nito na lulan na ito ng eroplano, gusto sanang gamit ang private plane, kaya lang syempre gumawa ng dahilan ang lolo nito , ng hindi nya nalalaman... nagtataka rin sya , dahila ang sabi ng Don estimate of two days bago daw sila matunton, kaya lang wala pa halos isang araw nalaman na kung nasaan sila..

Nalaman nya dito na kumikilos ito gamit ang sariling koneksyon, na maging ang Don mismo ay nahihirapan malaman kung sino yun, buti na lang daw nakakagawa ito ng paraan na alam naman nya kung ano ang pinapalakad nito para makuha ang gusto..

Hayaan na nga muna ang gulo ng mayayaman, basta mage enjoy muna sila ng kanyang mga anak...

"hindi ka ibibili ni mommy ng kabayo, sa ka saan mo yun ikukulong sa bahay natin?" balik tanong ni Ran na pinatayan ang lakas ng boses ng kakambal...

"eh, di papabili ako kay daddy, marami syang kotse , kabayo lang naman ang ipapabili ko, saka malaki ang bahay nya, doon ko sya itatali sa garden ng mansion nya," dirediretsong sabi ni Ren, na nanlaki ang mata pagkatapos, tinakpan ang bibig at nagpanggap na hindi na lang...."wag na lang pala, dip ala kami close," sabay bawi ng nasabi na, hinimas ni Clem ang ulo nito...

Lumalambot na nga ang puso ng kanyang si Ren, tinatawag ng daddy si Jett, yun nga lang hindi naririnig nito... yun nga lang din, kasing taas din ng pride nito ang pride ni Jett...

Mag ama nga parehas ng ugali, kahit bata pa hindi maipagkakaila...

....................................................

Pumasyal sila sa mga ancestral house, bata pa ang mga anak nya kaya hindi maapreciate yun, sandali lang sila sa loob ng mga bahay kasi nga si Ren nag uumpisang maghawak ng kung ano ano, natatakot syang may masira ito sa kakulitan, saka lahat tinatanong.. madalas nauubusan sya ng sagot, kaya hinihingi nya yung tulong ni Ran, na mas nakakaintindi kaysa dito..

Nagsimba sila sa pinakamatandang simabahan sa lugar, pinagdasal nya yung parents nya at humiling para sa kanyang dalawang chikiting...

The next day sa Vigan Heritage River Cruise naman sila , operated yun ng government..forty five minutes tour din yun sa historical Meztizo River , nakakatuwa kasi mataman nakikinig yung dalawang bata, hindi naman sya magkamayaw sa pagkuha ng picture sa dalawa, para kasing model ang istura ng mga ito... di maiwasang macute tan kung sino man ang makakita..

Pose naman ng pose si Ren, mahilig itong mag wacky wacky pose...minsan naman ito ang nag pipicture kanilang dalawa ni Ran, buti na lang , mataas yung mb ng memory card nya, matagal yun mapuno sa paulit ulit na kuha ni Ren... hinuhuli daw kasi nito ang pag ngiti ni Ran sa camera, mahirap kasing kumbinsihin si sungit lalo na pag inuultok ng katamaran.

...............................................

Sa loob lang ng hotel room nagstay si Jett, lalakad, tatayo, paulit ulit nag didial ng phone, ang dami nyang konokontact, si Joey na tumulong sa kanya mahanap ang imbestigador na nanloko sa kanya, maging si Marco kinukulit nya na rin para tulungan sya..

"ano na pare,"

"wala silang makita sa mga cctv palabas ng baguio , sa mga airport na check mo na?"

"do you think di ko ginawa yun!" napataas ang boses nya sa pagkairita," sorry pare, natutuliro lang ako sa kaiisip.." paumnahin nya, hindi kasi sya makakain, paano ba naman sya makakakain pa nito kung di nya makita ang pamilya nya... hindi rin sya makatulog, lagi nya hawak ang phone para sa anumang tawag na magbibigay sa kanya ng hint kung nasaan sina Clem..

"makikita mo rin sila Jett, " pagpapalakas ng loob sa kanya ni Joey

"sana nga, as soon as possible," binaba nya ang phone at nahiga, kahit anong gawin hindi talaga sya dalawin ng antok, two days na sya dito sa Baguio, hindi pa rin nya alam kung nasaan ang tatlo...

Tuksong tukso na sya na mag advertise sa television, kaya lang binawalan sya ni Marco, baka imbes dawn a mahanap e mapahamak daw ang magi to, sa dami ng mapang abuso ngayon, baka daw makidnap pa ang tatlo... kaya hintay hintay muna sya na makakuha ng balita kahit inip na inip na...

Saka nya narealize na two days na rin syang di naliligo.. naisip nya munang bumaba para mamili ng damit...buti na lang at meron ding store sa mismong ground floor ng hotel, hindi na sya lumayo...Wala syang pakelam sa tingin ng mga tao sa paligid nya, salubong kasi ang kilay nya at mabigat ang kanyang bawat hakbang, tapos yung malaking eyebags nya na nagpatapang sa kanyang itsura...

Talagang irritable sya at wala sya sa mood na makipag usap, kaya kung di lang talaga sya nangangati sa damit.. hindi sya lalabas ng hotel....

Kahit naliligo , nasa loob yung phone nya ng comfort room, ganoon sya ka praning sa anumang balita na maaring makuha... handa syang magbayad ng malaki at hindi lang 20 ang taong pinapagalaw nya... magwawala sya kapag wala pa syang nakuhang balita...

Nag ring ang phone nya habang nagsasabon ng mukha... dali syang nagbanlaw para lamang masagot ito... muntikan na nga syang madulas sa kamamadali...

"sir we found them, sa Vigan po... sa Kings Hotel."

"good send me the details, pupunta na ako dyan asap, banytayan nyo sila, wag nyong hahayaang makaalis, got it?!"

"yes sir,"

Nabuhayan sya ng loob... not knowing na aalis na rin pala ang tatlong taong pupuntahan nya....

....................................

"aalis po tayo ulit? Marami na tayong pera?" usisa ni Ren, matapos sabihin dito ni Clem na aalis na sila ng Vigan, na pupunta naman sila sa ibang lugar...

"maganda ulit doon sa pupuntahan na tin, kaya bihis na kayo," sinabi ng mga guard nila na may lead na raw si Jett kung nasaan sila...

kaya dapat kailangan na nilang umalis...nagtinginan ang dalawang kambal, naiinis man syang maglihim, naiinis man syang nilalayo ang mga ito sa daddy nila..na sumang ayon sya sa lolo nito about this whole set up...

pero para rin naman ito sa mga bata...kasi parang hindi na sanay ang dalawa na hindi makita si Jett, hindi man vocally, pero ramdam ni Clem na hinahanap ng dalawa ang presensya nito...

konting tiis lang mga kids.. gusto ko lang patunayan if he till worth our trust..

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon