BMO 23 :

264K 2.9K 123
                                    

Chapter twenty three...

short update:: picture po ni Clem sa gilid ganda nya no?

Paglabas ng restaurant , mahigpit pa rin na hawak ni Jett ang kamay ni Clem, pati ng bumaba sila sa escalator, pinagtitinginan pa nga sila, kasi nga naman, ang gwapo nito tapos sobrang seryoso ang itsura, galit,habang sya naman balisa, tapos naririnig nya pa yung mga sabi ng mga nakamasid na,

Hala galit si gwapong kuya, ano kaya ginawa ni ate?

Baka nahuli na may kasamang iba?

Sa gwapo nyang yan? Maipagpapalit pa?

Hindi na lang nya inintindi ang mga yun, wala naman silang alam, sinasabi lang nila kung ano ang nakikita ng mga mata nila, kahit na hindi naman yun yung totoo, likas na nga siguro sa tao yun, ang manghusga...

"Jett, ang sakit na ng braso ko," nasa parking na sila, ang bilis nilang nakarating doon, tumungo sila sa kotse nito, pinasakay sya sa passenger seat , doon lang nabitawan nito ang kamay nya, pero mabilis itong pumasok. Hindi sya kumikilos para magseatbelt, kaya ito na ang gumawa noon, nalanghap nya ang bango nito, gusto na naman bumalik ng mga ala ala ng nangyari kagabi,

Naku Hindi pwede!

Sigaw ng isip nya, nakatingin sya sa kunot na noo ni Jett, sandali itong napatingin sa kanya, tapos bumalik na sa pwesto nito at isinuksuk na yung susi ng kotse at binuhay ang makina.

Wala naman syang choice kung hindi ang manahimik lang, sa itsura nito ngayon, ayaw talagang magsalita, halos paliparin nito ang sasakyan noong makalabas sila ng parking, nagtataka sya bakit walang gaanong sasakyan ngayon, e dapat marami, e di sana mabagal magmanaheo si Jett kahit mukhang masama ang loob.

They reach his house that soon, ikaw ba naman gawing race track ang kalsada, hindi na sya magugulat kung may pumunta sa kanila para hulihin ng overspeeding. Buti na lang din sa bahay lang talaga ang uwi nila. Sumagi na rin sa isip nya si Luke, kanina pa nagriring yung phone nya sa kotse pa lang, and si Luke nya yung tumatawag. Nag aalangan syang sagutin yun, tumingin sya kay Jett para sana humingi ng permiso pero, tumitikhim pa lang sya, nag coconstruct pa nga lng sya ng magandang sentence para magpaalam ng walang pag aalangang nabara na sya agad nito...

"Subukan mo lang sagutin yan kung gusto mong maihagis yan sa kalsada at hindi ka na makapag cellphone buong buhay mo!" sa tingin nya yun na yung pinakamahinahon nya, pero asa ka naman puno ng pagbabanata, sasagutin nya lang naman yung tawag ng isang kaibigan para malamang kung okey na ito, tapos ang kapalit nun, itatapon ang kababago bago nyang cellphone , na wala naman syang magagawa dahil ito ang bumili and worst di na raw sya makakapagcellphone sa buong buhay nya?

Bakit sigurado na ba sya na magiging magkasama pa sila sa hinaharap kahit alam naman nyang babalik at babalik yung babae na yun? Kahit malainaw naman sa kanya na sa ngayon substitute lang muna sya?

"ano sasagutin mo pa rin ba?"napailing na lang si Clem at napang hinaaan ng loob, Ini off nya nalang ang phone para hindi naman sya lubusang maguilty,

Pagkalabas nya sa kotse, hinablot sya agad nito sa kamay,

Ito na naman po sila...hanggang sa pagsakay sa elevator at pagpasok sa loob ng unit nito,,, akala nya nga hihiwalay na yung wrist nya sa katawan nya...binitawan lang sya nito ng narating na ang loob ng kwarto nito...

Oo sa karto sila ni jett dumeretso....

Nakapameywang ito sa kanya, well sya naman, naguumpisa ng kabahan, kabahan sa inaakto at itsura nito,, although sa ilan, masesexyhan pa sa dating nito,, pero normal pa naman ang utak nya, oo nga ang gwapo gawapo nito, pero galit ito, dahil sa nakita silang magkasama ni Luke...

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon