BMO 41: RENterrogation

292K 3.3K 98
                                    

HAPPY NEW YEAR!!!!!!

dedicated kay lee_hyo_kyung natuwa ako sa capslock mo, seryoso,hahaha, para sayo sana magustuhan nyo ang chapter na to..

at sa lahat ng nagcomment last chapter, nagmemessage, nagvovote, salamuch!

happy 2014 sa ating lahat!

unedited.

...............................

........................................

Chapter 41: RENterrogation

Di dapat mainis kasi new year, nag shut down sila lap tap nabura lahat ng nasimulan ko...kaya ulit uli...

(bawal magalit sa sariling katangahan?")

........................

Palinga linga muna si Ren tinitignan kung nasa paligid pa yung silver na kotse noong makasiguro na wala nga ito, pumasok na sya sa loob, pero hindi pa rin napawi ang inis nya ng makita nya ang isa na nagkakape sa kanilang sala..

"hindi ka pa po umuwi?" tanong nya na umupo sa tabi nito, lumingon muna sya kung nasa paligid yung kakambal pero , di nya ito nakita, marahil nasa kwarto at nagpapahinga.. inalapag nya sa lamesita yung binili nya na kamote que..

"hindi pa uubusin ko muna tong kape," malamang tinimpla yun no nay nay Espie,

"pero kailangan mo ng magpahinga, diba , isang araw kayong nakaupo sa eroplano , siguro namamaga yung pwet mo, kaya kailangan mo ng umuwi at magpahinga para makahiga ka na," napatawa naman si Warren, nakakatawa ang paraaan ni Ren ng pagtataboy s kanya...

"hindi naman, minsan kasi tumatayo ako kaya hindi gaanong masakit," katwiran nya na nagpanguso dito,

"pero dapat umuwi ka na , hindi mo ba namimiss si Mildred, hindi mo na sya naalagaan," reason out nito, kilala nito yung alaga nyang aso, pati yun siningit nito..

"hindi naman, may nag aalaga naman sa kanya sa bahay ko, parang ikaw inaalagaan mo yung mommy mo habang wala kami ni Ran,"

Nagsalubong naman ang kilay nito, senyales na hindi nito nagustuhan ang katwiran nya, napaka possessive kasi ng bata na ito..

"Syempre honey ko yun, aalagaan ko yun," umirap pa ito," saka bakit nasali ka Doc, po." Gusto nyang matawa sa pilit na pagdugtong ng salitang po sa sinasabi nito, transaparent kasi ang bata, kapag ayaw sayo ayaw sayo, nasubaybayan nya ang paglaki nito, pitong taon nya na rin kakilala si Anne, pero hindi sya nagustuhan ng batang ito, kahit ano pang kabutihan ang gawin nya.. para bang sadya itong pinanganak para bantayan ang ina, para kapag handa ng kunin muli ng ama nito, hindi magiging mahirap, kasi walang hadlang...

He shook that thought instantly, hindi nya pala kaya..

Sa dalawang linggong nasa New York sila ni Ran, walang laman ang isipin nya kung hinsi si Anne, alam nyang hindi tama at hindi dapat maramdaman.. ganun kasi yung puso minsan , hindi sinunsunod kung ano yung taman na dinidikta ng utak, minsan gumagawa ito ng sariling pag iisip.. akala nya noon hindi sya mahuhulog, akala nya magagampanan nya ng walang pag aalinlangan ang obligasyon na binigay sa kanya, pero hindi nya pala kaya...

Kasi sa unang kita nya palang kay Clem, natalo na sya, nahulog say dito ng di namamalayan, at walang kaso kahit na may anak pa ito, handa syang maging ama sa dalawa, handa syang gampanan ang hindi nagawa ng tunay na ama ng mga ito, chance lang ang hiling nya kay Clem.. sino kasi ang di mahuhulog sa mabait ,maganda at masipag na babae?

Exceptional si Clem, kaya nga marami ang nagtatangka na makuha ang mailap na puso nito, mapalad nga sya at malapit sya dito..

"mahalaga kayo sa akin,"

Blame Me Once Where stories live. Discover now