BMO 47: bitter introduction

233K 2.8K 125
                                    

dedicated to HeyimMariian... at sa lahat ng mga na disappoint last chapter, i mean nag comment at votes, binasa ko lahat maraming salamat sa pagvovote,, patuloy lang po..

unedited..

...............

Chapter 47:

"bakit?" tanong ni Ran sa kapatid na salubong ang kilay

"yun," nginuso Ren ang kanina pa nya tinitigan dito, aksidenteng nahagip ng mata nya yung daddy daw nila, na may kasamang babae, hindi lang basta kasama, yakap pa ito ng babae habang nasa tindahan ng damit...

Kumunot din ang noo ni Ran, matalim na rin ang titig sa ama at babaeng kasama nito...

"buti na lang di ako naniwala sa kanya," bakas ang disappointments a boses ni Ren, at kahit hindi magsalita si Ran, tiyak na..

Parehas lang sila ng nararamdaman..

.................................................................

Sa wakas nakawala na rin sya kay Sheena, he mean sa paglingkis nito sa kanya. Kahit panandalian lamang, iniwan nya ito sa isang boutique para mag punta sa c.r.

Ito ang nasunod pagkatapos nilang kumain sa restaurant, akala niya after sa art exhibit makakawala na sya dito, pero nakiuaso ito sa kanya na magpunta muna sa mall at may bibilhin. Kaya naman kahit labag sa kanyang loob, sumama sya dito.

Hindi pa nga naman nya nasabi ang dapat nyang sabihin dito. Nakokonsesya sya na sa mismong birthday nito nya sasabihin yun...

Alam naman kasi nito, na kahit ganito lang ang estado ng relasyon nila, kung sakaling maisipan nyang magpakasal at maneryoso ng babae, eto ang una sa listahan...

Pero iba na ang sitwasyon ngayon, may pamilya pala sya na worth it ipaglaban.. mayroon syang Clem na gagawin nya ang lahat para mahalin sya ulit, whatever it takes, kahit hindi man kasing laki ng pagmamahal nito sa kanya dati, ang malaman na especial pa rin sya dito, iyon ang panghahawakan nya para makuha ito ulit. At syempre ang ang kanyang kambal, si sungit at kulit na kapwa mahirap kumbinsihin..

Inaamin nya, sumasakit ang ulo nya, lalo na kay Ren, hindi man lang sya makaporma, napakabata kasi napaka harsh sa kanya, pero ayaw nyang mawalan ng pag asa, darating din ang panahon, matatanggap na sya ng mga ito, at mapapasunod nya na ang mga ito..

Lakas lang ng loob, sabi nya sa sarili..at maraming maraming pasensya nga naman..

The truth will still hurt Sheena, ayaw nya ng gawin syang reserba at paasahin sa isang bagay na alam nyang hindi nya na maibibigay, kasi gagawin nya ang lahat, by hook o by crook para makuha sina Clem, tama na yung nagkaroon ng Amanda noon, hindi nya na uulitin yun, at kung yung Warren lang , kayang kaya nya yung gawan ng paraan. Napag isip isip nya kanina , kaya siguro mas maganda kung mamaya nya na ito sabihin.

Before this day end, naiilang na kasi sya na magkalapit sila , pakiramdam nya kasi nagtataksil sya kay Clem at nagsisinungaling sa dalawang bata..

Sumasakit na ang ulo nya sa kakaisip, napaka uneasy rin ng pakiramdam nya mula ng pumasok sila sa mall, , nakakaramdam sya ng matinding kaba at takot, pakiramdam nya may matang nakatingin sa kanya, pakiramdam nya may hindi magandang mangyayari...

Naghugas sya ng kamay sa sink at ganun na lang ang pagkabigla nya ng may makitang multo sa salamin..

"anong ginagawa mo dito?"

Nakapamulsa ang kamay nito habang nakakakunot ang noon a lumapit sa kanya...

"ano bang ginagawa dito-po, eh di mag cc.r din --- po ako," sarkastikong sabi nito, yun na naman ang paraan ng pakikipag usap nito na may pilit nap o sa dulo...lumapit ito sa sink at naghugas din ng kamay...hindi nya napansin na pumasok ito,

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon