BMO 14 B: be my whore 2

293K 3.1K 175
                                    

Baket may part 2? Kasi talagang meron.....

Dedicated sa kanya, kasi binulabog nya ng bitin yung comment box ko, hahaha! pero okay lang, kasi hawak ko naman ang time kung makakapag update ako eh ehe , salamat nga pala sa mga comments nyo..

patuloy nyo lang yan, kung gusto nyo lang naman, hahaha!

This story pala is iikot na sa POV NI CLEM AT NG THIRS PERSON POV/ O AUTHOR'S POV...

Ayoko ng pov ni Jett, hindi pa panahon, Bahala muna kayong hulaan kung ano ang nasaisip nya, at kung bakit sya ka adik..

Unedited ito ha, kasi nanunuood ako kanina ng INA KAPATID ANAK ng magdecide ako mag update, busy kasi this exam week eh, ngayon Lang ako naging available,

Picture Ni Mr. Z.......>>>

Fourteen: be my whore 2

CLEM

Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo,

Naliligo sya malamang...

Ngayon ako nakakaramdam ng sobrang lamig, lamig na hindi galling sa aircon, but lamig na galling mula sa pakikitungo ni Jett sa akin.

Gusto kong isipin na somehow nagsisisi sya kaya hindi nya itinuloy ang ginagawa namin.

Sabi nila na kapag nasa ganoong moment daw yung lalaki, sobrang hirap daw ang magpigil.

Ganun nga ba talaga ang nararamdaman nya?

Kaya sya nakapagpigil because of guilt?

Pagkatapos nya akong mapatunayan na virgin pa rin? Taliwas doon sa mga accusation nya earlier?

I waited for him, I waited until he came out, I still heared yung tulo ng tubig, baka nakababad sa bathtub.

Hinihintay ko sya kahit di ko alam kung paano kami maguusap, kung magiging normal pa rin after noong nangyari.

Sino ba ang niloko ko, hindi na nga pala normal ang relationship namin.

Tama na Clem, wag mo nabg parusahan ang sarili mo, hindi mangyayari na lalabas sya at magsosorry, hindi magiging ayos ang lahat.

Hangga't di bumabalik si Amanda sa piling ni Jett, di ka nya mapapatawad..

Konsensya ko ang aking kalaban, somehow tama ang sinasabi nito, sino na nga lang ba ako sa buhay nya, hindi na ako kagaya ng dati para sa kanya, hindi nya na ako maipagtatanggol, hindi nya na ako responsibilidad, buhat ng tinalikuran ko sya.

Buhat ng binenta ko ang katapatan ko sa lolo nya...

Pinilit kong tumayo kahit masakit sa aking private area, tapis ang kumot, pumunta ako sa sala kung saan ko naiwan ang mga damit ko, isinuot ko yun, maliban doon sa wig na natanggal kanina.

Hindi pa rin lumalabas si Jett sa banyo, siguro hinihintay nya akong umalis bago sya lumabas...

Nakita ko yung tseke, naalala ko na naman ang sinabi nya kanina..

"yung bayad ko, nasa labas kunin mo pa rin,:"

My virginity worth 100k, I don't know how to feel, kahit ganun ang naging turing ni Jett, kahit ganun kadegrading ang kapalit ng virginity na napakahalaga para sa isang babae, I know deep within me, Masaya ako dahil sa kanya ko pa rin yun naibigay.

Sino pa ba ako para magsinungaling na hindi ko iyon pinangarap na ibigay sa kanya?

Mahal ko sya,

Hanggang ngayon,

kahit puro hinanakit ang ibinibigay nya sa akin,

Mahal ko pa rin sya, kahit bukang bibig at isinisigaw ng puso nya si Amanda.

Blame Me Once Where stories live. Discover now