BMO 15: living together

290K 3.2K 151
                                    

Tagal ko bago nakapag update,sobrang busy lang po talaga, palapit na kasi finals eh, dami requirements....

Fifteen: living together




"Ang sakit," tinakpan ko ang aking mga mata gamit ang aking braso .

Ang sakit talaga ng sinag ng araw..

Tuluyan ko na itong dinilat at pinagala ang mata ko sa paligid.

Kwarto ni Jett?

So hindi pala panaginip yung mga nangyari kagabi?

Yung panaginip ko, na maganda sana kung mahal namin ang isat' isa.

Ilan beses nga bang naulit?

Basta ang natandaan ko sinuko ko ang lahat sa kanya.

Wala ng natira sa akin ngayon.

Wala na talaga.

Kainis naman na luha na ito ang aga aging tumulo. Pinunas ko ang mga luha ko gamit ang aking kamay, nakakahiya naman kasi kung gamitin ko yung kumot. Di ko kasi mapigilan umiyak gayong naalala ko kung paano sya nag I love you kagabi, matamis na salita, na kahit kailan hindi magiging para sa akin.

Ako ang kasama, pero SYA ang naiisip.

Mahirap higitan ang taong ganun,

Pantayan nga lang mahirap na ang higitan pa kaya.

Noong umalis kasi sya, kilala nyo naman kung sino ang tinutukoy ko diba? Mas lalo akong nasasaktan banggitin lang yung pangalan nya, wala syang itinira, parang nilagay nya sa isang vault yung puso ni Jett, na tanging sya lang ang nakakaalam ng passcode.

Ano ba ang naiisip ko?

Ito ba ang side effect ng pakikipagsex sa taong di ka gusto?

Buti na lang wala ditto sa kwarto si Jett, kung hindi, di ko alam ang gagawin ko.

Tumayo ako at tinapis ang kumot, luminga ako para hanapin yung mga damit ko kagabi, noong isa isa ko ng napulot yon, nagpunta na ako sa loob ng cr,

Ang sagwa ng amoy ko, alam nyo na kung anong amoy.

Nakakahiyang aminin...

Matapos akong magshower, sinuot ko ulit yung damit kagabi, ano kayang nangyari kay Mr. Z? Di ko maiwasan na mag alala sa kanya, sinuntok nga pala sya ni Jett kagabi.

Si mommy?

10 am na , buti walang pasok sa school ngayon, pero paaano ko kaya sasabihin kay Jett na hindi awkward na kailangan ko ng pera?

Na kukunin ko yung pera na pinagusapan naming, kapalit nga ng nangyari kagabi...

Nakakahiya lang talaga...

Bayarang bayarang babae ang feeling ko ngayon sa sarili ko, kanina pa ako nakabihis at ang totoo natatakot akong lumabas sa kwarto ni Jett.

Basta dinig ko lang na bukas ang t.v. nanonood sya ng NBA, kasi hanggang dito sa loob dinig ko.

Bahala na.

Basta kailangan kong umalis at pumunta ng hospital...

Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto nya.

Di nga ako nagkamali nakaupo nga sya sa couch, nakaharap sa t.v. nanonood ng basketball.

Lumapit ako ng konti, pero hindi naman malapit na malapit, sapat lang na malaman nya na nandito ako.

"jett, alis na ako, pupuntahan ko si mommy," sabi ko ng mahina, ayoko naman talaga sya abalahin sa panonood, kaya lang siguro tama lang na magpaalam bago umalis.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon