BMO 68: narcolepsy

196K 2.9K 218
                                    

#sa totoo lang ngayon lang po ako nagkaroon ng restday, pag uwi ko sa gabi almost 8pm, sobrang pagod na ako

#sa mga nagbasa ng oneshot na TAKBO about kay Ran, wag masyado maniwala doon hehe,marami yung sikreto na malilinawan lang sa Princess stalker

#mabuhay sa mga nagbasa mula first chap hanggang dito..hindi kayo clueless sa last letter

#2 chapters to go plus makulit na epilogue (then proceed sa editing)

..........................................

Chapter 68: narcolepsy

Nagtungo si Clem habang karga si Ren sa kwarto ng mga ito. Kahit ano pa ang sabihin at pagmamakaawa ni Jett kanina sa living room, ayaw nyang pakinggan.. masama ang loob nya , kasama pa ang matinding takot sa kanyang puso.

Hindi nya maisip kung sino ang kumuha kay Ran, wala silang kaaway, wala syang atraso kaninuman. Peaceful ang buhay nila nitong mga nagdaang taon...kaya naman napakalaking palaisipan ito sa kanya. Hindi nya parin magawang bitawan sa kama sa Ren, kahit nakatulog na ito. Kanina pa daw to umiiyak, nakatulog tapos ng magising at maalala ang nangyari, bumalik na naman sa pag iyak, hindi daw nila magawang mapakain.

Alam nyang takot na takot ito , kaparehas ng takot nya, ito rin kasi ang kasama ni Ran ng inatake ito sa puso at muntikan ng mamatay. Sana makita nila si Ran, kahit sa paanong paraan, natatakot syang mabuhay ng wala ito. Natatakot sya na magbago si Ren kapag hindi naibalik si Ran, ayaw nyang mawala ang mga ngiti s alibi ng makulit na anak, kahit gaano pa ito umasta bilang sakit sa ulo sa ilan.

Hindi nya kaya, sya naman ngayon ang walang pigil sa pag iyak, kanina nya pa pinipigil na gumagul gol at magwala. Ayaw pumasok ang kung ano mang eksplanasyon at mga balita sa isipan nya. Kahit pa , ginagawa ng lahat ang masusing paghahanap kay Ran...

Hindi nya matanggap ang bawat dahilan, ang bawat excuse.

"Ann," napatingin sya sa pintuan, pumasok si Warren na katulad nya'y bakas din ng pag aalala ang mukha.

"Wa-rren, kasalanan ko, kasalanan namin," lumuhod ito sa harap nya para hawakan ang kanyang kamay. Mahina lang ang kanyang boses, upang hindi magising si Ren, kahit pa nahihirapan at medyo nasasakal sa yapos ni Ren sa kanyang leeg, hindi nya ito magawang bitawan.

Natatakot sya na baka ito mawala din.

Pinisil ni Warren ang kanyang mga kamay, sunod sunod itong umiling,

"walang may kasalanan Clem, walang may gustong mawala si Ran,"

"Ano kayang ginagawa nila sa baby ko?Ayokong isipin na sinasaktan sya, kung kailangan nila ng pera, tumawag na sila..ngayon nya patunayan kung gaano kalakas ang pera nya," Ang Nya na tinutukoy nya ang si Jett. Kung kidnap for ransom gang nga ito, sana tumawag na, kahit magkano pa, magmamakaawa sya sa lolo ni Jett para ibigay lahat ng pera na hihingin ng mga kidnaper, para lang ibalik si Ran.

Magpapakababa sya para sa anak.

"tahan na," pinahid ni Warren ang luha ni Clem, pero sunod sunod pa rin iyon, kahit man sya ay naiiyak, pero kailangan nyang magpakatatag.. hindi nya pa rin kasi nasasabi dito ang tunay na lagay ni Ran, hindi nya masabi na sobrang delikado ang buhay nito.

Lingid sa kanilang kaalaman. Nakamasid si Jett sa maliit na siwang pinto. Nagseselos sya oo, pero mas nangingibabaw ang sakit, sya dapat ang nagpapakalma sa kaniyang asawa, pero mukha itong napapaso sa kanya. Hindi dapat si Warren, pero ayaw man lang syang pahintulutan nito, kahit mahawakan man lang sya, kahit mayakap. Sila nag dapat magdamayan, sana maintindihan ni Clem na nasasaktan din sya. Mahal na mahal nya rin si Ran, kahit sandali nya palang itong nakikilala.

Blame Me Once Where stories live. Discover now