BMO 34: three roses

276K 3.4K 253
                                    

first time kung manood ng fireworks sa gitna ng ulan, walang payong,,,pero i don't care..tapos naiisip ko kanina, mag uupdate ko,, na inspired kasi ako sa fireworks...

binabati ko sina Mary Grace I., Jescel B at Gian, mga friends ko yan na pinilit kong ipabasa ang BMO,,ngayon kinukulit ako ng update...salamat guys sa support at nice words from all of you...

salamat sa mga nagcocoments and votes...

wag na nating patagalin,

kahit unedited/

...............

Chapter 34:

Inilatag ni Ren ang dalang pera sa harap ng tindera...nagulat ang mga tao sa loob ng humahangos itong pumasok, ilang araw na rin nya itong napansin na patingin tingin ito sa labas... Naalala nya na sa kanya pa ito unang nagtanong kung ano daw bang bulaklak ang paboriton ng mga babae...

Syempre roses ang sinagot nya, hindi naman pwede ang tulips na personal nya lang na paborito, sa mahal ba naman nito, puputi na ang uwak wala pang magbibigay sa kanya na lalake nun...

"eto po yung pera ko ate, okay na po ba?" nakangiti pa ito habang nakamasid ang medyo bata pang tindera, mga nasa early twenties palang ito...tinaggal ng bata ang sombrero nito na may naka print na Ren, pinaypay nya yung sumbrero sa pawisang katawan...

"pero cute kulang pa rin eh, para doon sa boquet ng red roses na tinuturo mo," paliwanag ng babae, tumulos ang nguso ng batang kaharap...bumaling yung paningin doon sa pumpon ng roses , tapos sa tinder, tapos bumalik ulit sa roses, tapos sa tinder muli....

"sandali, sandali ,, nahihilo ako say o..." tumatawang sabi ng tindera sa nagpapacute na bata,

"pero marami na yan ah, ang tagal ko kayang inipon nyan," katwiran pa nito,"may 2 na twenty, saka isang 50,, tapos may 10 pesos at 5 pesos pa ako? Kulang pa rin ba?" hindi makapaniwalang tanong muli nito

"oo eh, "napakamot na lang muli ang tindera, kanina pa kasi sila nag uusap at balik balik lang, matalino naman ang bata kasi alam nito ang detalye ng dalang pera, kahit na nalaman nya na wala pa ito sa grade 1, sadyang natipuhan lang talaga nito ang pumpon ng red roses, na nakalagay sa kanilang poster, yung mga kasama nyang nagtitinda ay napapatawa na lang , bagkus na mainis, ang dami din kasi nilang costumer, lalo na't Valentines Day ngayon...at kahit kulang ang pera ng cute na bata, costumer pa rin nila ito...

"Sino ba ang pagbibigyan mo nun? "Usisa ng tindera, iba na kasi ang mga bata ngayon, kahit ganitong edad alam na ang love love nay an...kahit na may gatas pa sa labi, proud nang pinagkakalat na may girlfriend o boyfriend na sila

"sa honey ko kanino pa ba?" buong lakas na sagot nito, bakas ang iritasyon sa boses, dala ng di mapagbigyang gusto, napapailing na lang at napatawa ang tindera habang bumubulong ng kabata bata palang may girlfriend na?

"Kaya sige na please Ms. Ate ganda,,"natawa ulit sya sa pambobola nito, tiyak na maraming babaeng mahuhumaling dito, ilang taon pa, expressive kasi ang mga mata nito, at yung dimple, napaka cute, tiyak sya na galling ito sa magagandang lahi," Ito na lang ang ibayad ko bigay mo na sa akin yun pleaseeeeeeeeeeeeeeeee?" nalabi na pakiusap nito at pinagsiklop pa ang kamay..sya yung nauubusan ng hangin sa napakahabang please nito eh...

"hay kahit sobrang nacucutan ako sayo hindi talaga pwede eh, ikakaltas yan sa 3 araw kung sweldo, sorry cute mahirap lang din kasi ako eh," sagot ng tinder sa bata kung sya lang sana ang may ari nitong flower shop, kanina nya pa ibinigay yun ,kapalit ng pagkurot sa pisngi nito...

Hay, tiyak nya talaga na maraming babaeng mapapaiyak ito paglaki...kahit pumusta pa sya,

"sige na Ms. Ibigay mo na, Ako na ang magbabayad..."parehas silang napatingin sa baritong boses na nagsalita, literal na nalaglag yung panga ng tindera, saan naman kasing pocketbook lumabas tong napakagwapong lalakeng nasa harapan nya ngayon...maputi ito, matangkad, makintab ang itimang buhok na parang sa Korean singer na paborito ng kapatid nya, mapula ang labi, bagamat naka aviator glass ito, tiyak nyang napakaganda ng mga mata nito, naka white polo ito na nakatupi hanggang sa siko, tiyak nya na napakaganda ng katawan na natatakpan ng damit na suot nito,, bago nya pa mahalay sa isip nagsalita ang cute na bata...

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon