BMO 59: ikaw

250K 3.5K 295
                                    

hindi ko alam kung may nagpadedicate... nakalimutan ko sa dami nagcomment last chap na puro si Ren ang pinag usapan... ano kikidnapin nyo na ba si kulit?

UNEDITED/ and another cliffhanger+bitin=on going story...

.....................................................................................................................................

Chapter 59:

Umubo pa ito kunyari umayos ng upo at nagcross arms sa kanya...

"tatawagin din kitang daddy sa isang kondisyon," sabi nito na inangat pa ang hintuturo sa harapan nya,

napangiwi naman si Jett at bakit may kondisyon pa?

"okay ano yun?"

"bili mo ako ng isang kabayo. Yung kulay puti at malaki ang mata"

.........................................

Nagising si Clem na walang makapa sa kanyang magkabilang gilid.. nakagitna kasi sya sa dalawa kahapon bago matulog. Nagising sya noong gabi, para sana yayain kumain yung dalawa, kaya lang nabigo lang sya dahils a sobramng pagod hindi na nagawang imulat ng dalawa ang kanilang mga mata...

"Ren, Ran?!" tumayo na sya para hanapin ang mga ito...

Hindi sya ganoon nag aalala , kasi alam nya namang may magbabantay sa dalawa, ang pinag aalala nya lang ay ang kalokohang maiisip ng mga ito lalo na ni Ren... naririnig nya rin naman nag ingay ng television sa labas, marahil nanonood muna ang mga ito habang hinihintay siyang magising....

Nakakapagod kasi talaga ang pamamasyal at pagtatagong ginagawa nila, pero enjoy naman dahil napupuntahan nya muli yung mga paboritong lugar ng kanyang mga magulang. Yung mga places na naging parte ng kanilang masayang marriage...

Hindi nya nga lang masagot ng diretso kapag tinatanong sya ng dalawa kung bakit hindi daw nila kasama ang kanilang daddy, nasanay na ang dalawa sa presensya ni Jett, sa pagbisita nito sa bahay at pagtulog, pati yung pagluluto...

Sandaling panahon lang yun, at kahit taliwas doon sa sinasabi ng mga bata... hindi maipagkakailang sabik ang mga ito na magkaroon ng ama..

"Hey ang aga nyo gumising?" tawag nya dito, nanonood nga ng cartoons, sabay na lumingon ang dalawa sa kanya, lumapit ito at humalik sa kanyang pisngi..

"good morning honey ko," pinisil nya pa ang namumulang pisngi ni Ren...habang hinahaplos ang kay Ran...

"gutom na ba kayo? Bihis lang ako tapos baba tayo para kumain, nasaan nga pala si Ms. Shantal?" tanong nya sa dalawa...

Pero nagulat sya ng may magsalita sa kanyang likuran,

Para syang binuhusan ng malamig na tubig, sa lamig ng boses ng lalakeng yun....

Mabilis nyang nilingon ito... at di nga sya nagkakamali, nakatayo si Jett sa likod nya,

Bagong paligo , napakabango at napaka gwapo sa simpleng white t shirt at short nitong suot.

"anong ginagawa mo dito?" kinakabahan nyang tanong habang nakaturo dito... hindi nya kasi inaasahan na matutunton sila nito kaagad... siniguro yun ng Don...pero alam nyang hindi sya binibiro ng kanyang mga mata, at malabong aparisyon lamang ni Jett ang kanyang nasa harapan..

"bakit? Masyadong mo ba akong minamaliit ni Lolo?" nawala na yung mapagkumababa nyang ngiti... alam nyang galit ito sa pakikipag kunstaba sa kanya...

"magbihis ka na, gutom na yung mga bata,at marami pa silang gustong puntahan ngayong araw," he ordered sa malamig na tono, alam nya ang possibility na magagalit ito, in fact napakalaking porsento yun... sino ba naman ang matutuwa kapag naransanan nya na mabaliw sa kahahanap?

Blame Me Once Where stories live. Discover now