BMO 62: maktol

242K 3.4K 249
                                    

1.bukas pa sana after exam, but may plans kami after that kaya niyari ko na bago balik sa review..hirap ng nag aaral at work ng sabay pero bearable naman

2. may new cover bmo... habang nagrerelax ginawa ko... mas type ko to ngayon

3. dedicated sa mga nag troll sa comment box.. nagtroll talaga, napapatawa at iling na lang ako..

4. more or less 10 chapters, basahin na hanggat nandito pa:)

5. sa mga old , new readers and followers (daghang salamat/ dakal a salamat )

----pagpasensyahan na ang nakayanan kong chapters na palagi kong nilalagyan ng salitang ito..

UNEDITED----->katwiran ng mga busy much

.................................................................................

CHAPTER 62: MAKTOL

"may isa pa pala akong sasabihin," titingalain nga sana ito pero pinigilan nito ang ulo nya," wag na nahihiya ako," sabi nito na nag iinarte pa..

"ano yun sabihin mo na,"

"Pero dahil mapilit ka sasabihin ko na rin....

ang sakit mo sa puson."

...........................................................................................................................

After hearing those, mas lalong naghuramintado ang puso ni Clem at hindi sya tanga para hindi makuha ang ibig sabihin noon. Ramdam nya yun sa tension na nagraradiate mula sa katawan ni Jett, ngayong halos magpalit na sila ng katawan sa sobrang lapit. Ramdam nya rin ang pawis sa kanyang mga kamay na nakaharang sa dibdib nito..

Hindi nya naman alam kung ano ang sasabihin, kung may dapat nga naman bang sabihin sa oras na yun...

"Clem anong masasabi mo?" Hindi nya inaasahang tanong nito, malalim ang pinaghuhugutan ng mga salitang yun, halatang halata ang paghihirap sa boses nito...

"Di-diba sabi mo dadahan -dahanin natin ang mga bagay bagay?" balik tanong nya dito sa mahinang tinig.

Ayaw nyang isuko nag sarili nya hanggat meron pa syang pag aalinlangan.. Hangga't mayroon pang mga tanong sa isipan nya, kahit na ba, tinatawag din yun ng puso nya at ng kanyang katawan.. kung talagang nagbago si Jett, kung talagang ang Jett na nga na nasa harapan nya at nakayapos sa kanya ang Jett na pinapangarap nya dati pa, gusto nyang siguraduhin yun, kasi sa panahon ngayon, hindi na lang sya ang pwedeng masaktan. Meron na ring kambal na nag umpisa ng mag open up dito, ayaw nyang biguin ang dalawa, hindi nya yun kayang gawin, at ayaw nyang mangyari, because she knows na pag nasaktan ang dalawa, si Ren at si Ran, sya ang mas masasaktan.. kaya gusto nya pag tinanggap nya na si Jett sa sistema nya, sigurado na sya na para sa kanila na talaga ito, walang kahati, walang Amanda, walang Sheena o sinumang babae.

She heard him chuckle..

"Oo nga naman pala," wika nito na lalo syang nilapit sa katawan nito,dama nya ang paulit ulit na pag amoy nito sa kanyang buhok, ilang minuto rin yun, bago ito bumitiw sa kanya..

"Saan ka pupunta?" agad nyang tanong dito, kuntento na sya na magkayakap sila habang bumubuo sya ng mga pangarap, pero anyong aalis ito.

Ngumiti si Jett sa kanya, hinaplos nito ang kanyang mukha na bahagya na rin umangat , balak nya sanang sundan ito.

"Mauna ka ng matulog, c.r. lang ako, wag mo na akong hintayin, matatagalan."

Hindi na sya muling nagtanong pa , dahil agad itong nagtungo sa restroom sa kwarto. Bumalik si Clem sa pagkakahiga habang yakap ang unan, naiwan doon ang mabangong amoy ni Jett, iyon na lang muna, makukuntento na lang muna sya doon.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon