BMO 4: her love

298K 3.4K 66
                                    

5/25/2021

HAPPY NEW YEAR! HAPPY 2013!

BMO 4: her love

Nasunod din ang gusto ni Jett after ng kanilang drama, nakumbinsi nya ito na walang alam si Luke, gagawan nya na lang ng paraan kung sakaling may hinala pa rin ito. Bahala na. Nagtawanan na sila at di na sya nakaalis para pumasok, hinahanda nya ang sarili sa sermon na marereceive nya the next day, pati kung saan ang next target nya for her next part time job.

Kailangan nya na naman mag print ng biodata at mag galagala sa malapit sa school, sa mga malls at restaurant.

Nilambing pa sya ni Jett to cook adobo for him, favorite kasi nito ang adobo na gawa nya iyong tuyot walang sabaw at manamis namis, ibang iba sa adobo ng iba, di nito alam minaster nya talaga iyon noong high school palang, nagpaturo sya sa cook nila kasi dahil favorite nga ito nito Jett.

Pero wala na sigurong chance para malaman pa nito lahat ng mga effort nya noon para magustuhan at mapansin nito, after all di na naman sya umaasa na magiging sila in the end, kuntento na sya sa kanilang bestfriendd status, lalo pa ngat in love ito sa kanilang teacher.

Pa -simple nya itong pinapanood habang kumakain, natatawa sya habang naalala ang mga ilusyon nya noon, sabay silang kumakain ni Jett nagsusubuan, habang tinutukso sila ng kanilang mga anak sa kanilang ka-sweetan, umiling na lamang sya, to shake those thoughts away.

Nakakahiya sya, iniilusyon nya ang kanyang bestfriend, pinagpapantasyahan nya sa kanyang isipan.

"Bakit ka umiiling?" takang tanong nito

"Ha? Wala, may naiisip lang ako? "

"Iyong trabaho mo ba?" tumango na lamang sya para maiba ang usapan, mailigaw.

"Sorry, nagcacrave lang talaga ko sa adobo mo e, kaya kinidnap kita!" Nahawa na siya sa pagngiti nito.

"More on hinarassed pumunta dito, paarte -arte ka pa," medyo nahihiya nga itong nagkakamot ng batok. Na cute-tan naman sya sa reaksyon ng kaibigan, sinong magsasabi na ang manly na kaibigan nya ay ganito kaisip bata at attention seeker?

"Attention seeker," bulong nya, na napalakas yata dahil tumingala ito sa kanya at kunot ang noo.

"Anong sabi mo?"

"Ha? Wala may sinabi ba ako?" pagtanggi nya, pigil ang ngiti.

"Oo at narinig ko!" sabi nito na pumapalatak pa.

"Wala nga." Tanggi niya.

"Attention seeker, iyon ang sinabi mo."

"Uy! Hindi ah." tanggi nya, mukha kasing naiinis talaga ito.

"Attention seeker pala ah." tumayo ito sa upuan, tumayo din sya, ayaw nya ang pinaplanong gawin nito.

At iyon nga hinabol sya, tumakbo sya palabas ng kusina papunta sa sala pero dahil sa mas mabilis ito at malakas, nadamba sya nito nahulog sila sa couch at pinagkikiliti sya nito sa tagiliran.

Tawa sya nang tawa, nagmamakaawa syang tumigil na ito pero ayaw pa rin syang tantanan.

"Sorry na Jett, tama na please!" she begged habang tawa nang tawa dahil sa malakas ang kiliti niya sa tagiliran.

"Hindi mo kasi ako dapat inaasar ng ganoon, kasi kahit saan anggulo natin tignan ikaw ang talo!" tumatawa din ito habang patuloy sa pagkiliti sa kanya, nakapatong na ito sa kanya, nakahiga na si Clem sa floor, sinasalag ang malikot na kamay ni Jett, kung isipin parang mag -asawa lamang silang naglalambingan.

Pero hindi.

"Stop!" nanlaki ang mata ni Clem nang marealize nya na ang mga kamay ni Jett ay nakarating na sa right breast nya nang di nito sinasadya, nang mapansin naman ito ng huli ay nanlaki din ang mata nito, tumingin si Jett sa kamay nito na nakahawak pa rin sa breast ni Clem, nakita ni Clem na namula rin ito kagaya nya.

Blame Me Once Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon