BMO 52: smile

244K 3.2K 313
                                    

dedicated kay celpanz

Chapter 52; smile

"subukan lang nila, mata lang nila ang walang latay," banta ni Jett bago nag paalam ng tuluyan...

Sumakay sya sa kotse...

Kung tahimik kanina, mas tahimik ngayon..

Paano hindi nag uusap ang dalawa...

Ngayon ano na ang gagawin nya?

............................................................

"teka hindi naman ito yung daan pauwi sa amin ah," nagtatakang tanong ni Ren, matapos ang mahabang pagdidrive ni Jett.

Wala naman kasi syang balak iuwi ang dalawa....sa ngayon...

"don't worry, punta lang muna tayo sa bahay ko, may kukunin lang ako bago ko kayo ihatid," sabi nya na sinilip ang pagtutol sa mukha ng dalawa sa rear view mirror.

"mag -aalala si honey," dag dag ni Ren,

Bumuntung hininga si Jett, kay hirap naman talaga kumbinsihin.

"okay, tinawagan ko na sya kanina," pagsisinungaling nya, wala namang masama, iuuwi nya naman yung mga bata after, hindi naman nya itatakas ang mga ito, ang takot nya lang...

"hindi ko naman nakita na kausap mo sya sa phone eh, tinitignan kaya kita," akusa ni Ren, napangiwi sya pero hindi magpapatalo, imbes na sagutin yung tanong nito, nagbato sya ng ibang tanong.

"so, tinitigan mo talaga ako kanina pa?" may mapaglarong ngiti sa kanyang labi, nahuhuli lang sa kadaldalan...nakita nyang napalunok ito bago nagsalita, I mean nagdahilan...

"syempre ikaw maghahatid sa amin, kailangan kitang tignan," umiikot ang matang paliwanag nito.

Kalian ba hindi mauubusan ng excuse ang batang ito.

Nakita nya naman sa gilid ang anak nyang babae na iiling iling, habang bumubulong bulong sa gilid.

Napapailing say dahil ang bata pa ng prinsesa nya pero naagaw na yung first kiss nito at sa isang batang mataba pa na bungi. Cute naman yun, kaya lang hindi pa pumapasok sa isip nya na baling araw lalaki na ang dalaga nya at magkakaboyfriend na.

Ayaw nyang mangyari yun...

Ayaw nyang makakilala si Ran ng siraulong kagaya nya na sinaktan ang kanilang ina. Kaya gagawin nya ang lahat para maprotektahan at maalagaan si Ran.

Si Ren?

Kaya nya ang sarili nya, baka yung mga tao pa ang susuko sa ugali nito... si Clem lang talaga ang weakness nito...

"dito na tayo," literal na nanlaki ang mata ng dalawang bata habang ginagala ang tingin sa paligid.

Mansion nga naman, parang pupu lang ng langgam ang bahay nila kumpara dito.

"is this really your house?" that sweet voice stop Jett, napalingon sya kay Ran na nakahawak sa kamay nya. First time na mag insist itong kausapin sya. Umupo sya para pumantay dito. He affectionately touch her cheeks, ang lambot talaga, mini version ng kanyang si Clem...

"yes princess, and house mo na rin to, kasi you're my daughter," natutuwa sya dahil napangiti nya ito, madaling lumambot ang puso nito sa kanya.

Kaya sige lang sya push ng push lang ng button...

"ang daya, paano ako?" sabat ng nakangusong si Ren na nasa gilid ni Ran.. natawa sya sa reaction nito, so napapalambot nya na rin pala ito kahit 1 % lang at least may improvement .

Blame Me Once Where stories live. Discover now