EPILOGUE

328K 5.2K 506
                                    

DEDICATED SA LAHAT!SYEMPRE KUNG DI DAHIL SA SUPPORT NYO!

SPECIALLY @slashmylast24(happybirthdayinadvanace)@GermanMistress,@violetviole03,

@mukzienaf,@Mglenj..

to my friend jess and grace..miss you both!salamat sa mga pambobola.

ito na talaga..end na ang katapusan!

enjoy! yung mga ibang tanong ay masasagot sa book ni Ren and Ran...pahingahin natin ang suffering ni Jett at Clem.. sila na talaga..

baka maipagpalit nyo si Ren pagkatapos nyo tong basahin.. baka lang naman.

EPILOGUE:

ISANG MAKULIT NA EPILOGUE

(hindi po mababait ang mga anak ni Jett....kasi nga po galing sila kay Jett)

Kagagaling lang ni Ren sa gym,inilapag nya ang kanyang gym bag para hanapin ang kanyang mga kapatid, sinabi ng maid kung nasaan ang mga ito, nakita nya sina Rojan (pronounce as Rohan) at Ran na naglalaro ng chess, although ang kalaban ni Rojan na si Ran ay tulog at nakadukdok sa mesa, her illness strikes again.

"she's asleep, sasakit ang katawan nya," sabi nya kay Rojan na lumingon sa kanya, pumunta sya kay Ran at handa na sanang buhatin ito, para dalhin sa silid nito sa second floor.

"stop it kuya, don't touch her, or do you want to taste her purple slipper again? You know ate throws anything that she picks and make your face as her lovely target," sagot ng pilyo nyang kapatid,

Napangiwi nalang sya. Masakit yun.

Ito ang kanilang bunso, na wagas makapang asar super, his name Rojan Austin. Yung Austin daddy nila ang nagpangalan.

Paanong hindi nya masasabi isa sya sa paboritong asarin ng kanilang bunso. Pero ano nga ba ang laban nila sa baby ng pamilya, hindi man ito ang pinakafavorite ng kanilang daddy kasi si Ran na yun na nagiisang anak na babae, pumapangalawa naman ito. At sya? Tanggap nya na sa apat na anak sya ang nasa huli ng listahan ng mga paborito.

"ang dami mong sinabi, I'm just concerned, she's comfortable kung sa bed sya hihiga," ngumuso ang kanyang kaharap at humalukipkip matapos ayusin ang fake na salamin.

"I know better, mas close kami ni ate diba?"

Para daw mukhang syang genius kahit genius na daw talaga sya, because that will make him double genius.

"opo, Master Austin," Ren said sarcastically, nag evil smile naman ang kaharap.

"Very good Slave," mapang asar na balik nito, sinamaan nya na lang ito ng tingin, sya ang kuya pero sya ang madalas na nakakawawa. Ang hirap talaga kapag naging makulit ka dati, lahat ng ginawa mo babalik sayo, talking about karma here.

"nasaan si Ron?" tanong nya sa isa nilang kapatid, weekend ngayon, bilang kuya kailangan kumpleto sila, syempre sya ang pinagbilinan ng parents nila. Wala ang mga ito, nasa second stage ng honeymoon.. kung dati hindi nya naiintindihan ang ugali ng daddy nya. Ngayon, intending intindi nya na.

Kung bakit ayaw sya nito lagi sa bahay, kasi pinagseselosan siya nito, nakakatawa lang, kahit sabihin ng honey nila na ibang level naman ang pagmamahal sa kanila. Childish talaga ang daddy nila na terror sa mga tauhan nito, iba ito pag nasa trabaho, sobrang seryoso, at iba naman sa bahay, parang ito ang pinakapanganay.

He understand kung bakit, galit na galit ito pag sa gabi pumupunta sya sa kwarto ng mga ito.. Alam na alam nya na ang dahilan. Clueless sya noon, malay nya ba, ang di lang malinaw kung bakit hanggang ngayon, pinagseselosan sila ng daddy nya.

Sa bagay tumigil na ito sa pagpilit sa kanya na tawaging mommy si Clem imbes na honey.. papaya sya kung ganoon, kung susunod din ang mga kapatid nyang lalake. Sabihin nating naiinggit din ang mga to, kaya sina Ron at Rojan, honey din ang tawag kay Clem, kaya naman no choice si Jett kung hindi hayaan ang tatlong sakit sa kanyang ulo.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Apr 20, 2022 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Blame Me Once Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu